Chapter 20

1 0 0
                                    

"Kailangang-kailangan na natin si Eyzi at ang dalawang duwende." Wika ni Aire habang halatang-halata ang labis na pag-aalala.

Naglakad-lakad si Heira sa kaniyang harapan, napapaisip na naman kasi ito ng mga bagay-bagay na ipinagbabawal.

"Ang mabuti pa ay humingi na tayo ng tulong kay Prinsesa Acesa. Ako na ang pupunta sa Paraiso." Suhestyon ni Aire.

Napatango-tango na lang si Heira bilang tugon. Napatungo rin ito, nakokonsensya siya, lahat ng mga anghel ay nadamay sa kasalanan niya.

Pagdating ni Angel Aire sa Paraiso nadatnan niya si Prinsesa Acesa na nakatalikod.

"Prinsesa Acesa..." Wika ni Angel Aire upang mapaharap ito.

"Angel Aire, bakit may nangyari ba sa daigdig?" Wika ni Prinsesa Acesa, habang naglalakad papalapit sa kaniya.

Habang naglalakad ito ay unti-unti niyang nasisilayan ang isang nakahigang bata. Nakasuot ito ng puti at nakalapat ang mga kamay sa dibdib. Nakapikit ito at parang walang buhay. Malayo ang bata sa kaniyang kinaroroonan at patagilid ang kaniyang naaaninag.

"Sino po siya?" Tanong ni Angel Aire sa Prinsesa.

Nabahiran nang lungkot ang mukha ng Prinsesa.

"Isa siyang obra ni Bathala. Panahon na upang umalis ang Diwata ng Kalikasan sa kaniyang katawan. Kaya naman wala na siyang buhay." Pagbibigay impormasyon ni Prinsesa Acesa.

"Buhay po?" Nagtatakang tanong ni Angel Aire habang nakasingkit-mata at litong-lito.

"Oo nabuhay siya sa lupa nang labing-dalawang taon. Hindi ko rin alam ang tungkol sa kaniya. Ipinagkatiwala sa akin, ng aking ina ang kaniyang katawan na nilikha ni Bathala noon. Kailangan nang umalis ng Diwata ng Kalikasan sa kaniyang katauhan, kaya't wala nang pagpililian, hindi pa man tapos ang kaniyang misyon ay kailangan na niyang mawalan nang buhay." Paliwanag ni Prinsesa Acesa.

"P-pero kung may espiritu po na puwedeng sumanib sa kaniya bilang isang tao, maaari po ba siyang mabuhay muli?" Tanong ni Angel Aire.

"Kung tatanggapin ng kaniyang katawan ang espiritu, posibleng mangyari 'yon. Ang totoo ay naisip din 'yan ng aking ina, ngunit nag-alinlangan siya, dahil kapag nangyari iyon, hindi na natin kontrolado ang bawat galaw niya. Sa madaling salita, maaari siyang maging masamang nilalang. Kaya't mas mainam na pangalagaan na lang natin ang kaniyang katawan." Pagpapatuloy ni Prinsesa Acesa.

"Maiba ako, ano nga bang nangyari sa daigdig at nagpunta ka rito?" Tanong ni Prinsesa Acesa.

Napabuntong-hininga si Angel Aire.

"Prinsesa Acesa, kailangang-kailangan po kasi namin nang tulong. Ang kaibigan po ni Danica na si Eyzi ay kailangan naming makausap sa lalong madaling panahon, ganoon din po ang dalawang duwende. Kaya lang po isang kasalanan kung pakikialaman na naman namin sila. Ano pong dapat naming gawin?" Malungkot na wika ni Angel Aire.

"Ang totoo, Angel Aire. Nagbago ang daloy ng kuwento sa libro ni Bathala, napakaraming eksena ang nawala. Maging ang mga karakter daw ay nagbago."

Napasingkit-mata si Angel Aire nang marinig ang salitang "Daw."

"Ano pong ibig mong sabihin Prinsesa Acesa?" Tanong nang naguguluhang anghel.

"Sinabi sa akin ng aking ina ang tungkol dito, lumapit ka rito."

Pinalapit ng Prinsesa si Angel Aire sa lugar kung saan nakahiga ang kanina pa nila pinag-uusapang bata.

Nanlaki ang mga mata ni Angel Aire, nang makita niya ang batang nakahiga.

"E-Eyzi?"

"Oo, siya ang batang si Eyzi. Naglaho na siya sa daigdig." Rebelasyon ng Prinsesa.

Napailing-iling si Angel Aire. Bukod sa hindi siya makapaniwala sa kaniyang mga naririnig at nakikita. Hindi rin niya makita ang hinaharap na buhay ni Anica. Wala na ang batang tanging pag-asa nila, upang maging maayos muli ang samahan nina Anica at Danica. Wala na ring pag-asa na makita nila ang dalawang duwende na posibleng may hawak ng libro ni Bathala.

Habang lumilipad ang isip ni Angel Aire ay biglang nagsalita ang Prinsesa.

"Huwag kang mag-alala, ayon sa aking ina, may pumalit sa misyon ni Eyzi sa daigdig. Ngunit hindi niya nilinaw sa akin ang buong impormasyon. Tanging kayong apat na anghel lamang ang makakaalala sa batang ito." Wika ni Prinsesa Acesa, habang tinititigan ang walang buhay na bata.

"Maging sina Anica at Danica ay hindi na siya kilala." Dagdag pa ng Prinsesa, habang bakas ang lungkot nito sa kaniyang mga mata.

Sa isip-isip ni Angel Arie, "Lalong naging kumplikado ang lahat."

"Prinsesa Acesa, kilala po ba ni Danica ang tinutukoy ng Mahal na Reyna?"

Umiling-iling si Prinsesa Acesa.

"Tulad nang sinabi ko, nabago ang daloy ng kuwento at hindi nilinaw ng aking ina ang lahat."

"A-sige po. Maraming salamat po sa mga impormasyon." Pagkatapos ay sumenyas na si Angel Aire nang pagpapaalam sa Prinsesa.

~~~~~~~

"Ano?!" Gulat na gulat si Heira nang malaman ang lahat nang sinabi ng Prinsesa.

Hindi malaman ng dalawa ang kanilang gagawin, wala silang maisip na solusyon lalo na't hindi sila maaaring makialam sa laban ng dalawang bata, bilang isang tao.

"Yaya Heira, yaya Aire, ano pong nangyayari?" Bungad ni Anica noong makita ang dalawa niyang yaya na parang may malalim na iniisip.

"A--Anica, gising ka na pala. Wala, naiisip lang din namin iyong problema na tungkol sa mga gulay." Palusot ni Heira.

Naku! Nagsinungaling na naman. Napabuntong-hininga nang kaunti si Aire. Naiinis siya sa kaniyang kaibigan, pero wala naman talagang ibang pagpipilian.

"Oo nga po, nakakapagtaka. Hindi bale, sa susunod na ani ay tututukan ko ang bawat galaw ng mga magsasaka."

Ayaw mang magduda ni Anica sa mga ito, ngunit kailangan, lalo na sa tatay ni Danica.

"Ahmmn... may malaking problema." Nakatungong wika ni Aire.

Napakunot-noo si Anica, "Ano po iyon?"

Nagkatinginan ang dalawa niyang yaya. Isang malaking problema ang haharapin ng bata.

Hinawakan ni Aire ang kamay nang bata, upang mabawasan ang tensyon nito kapag nalaman ang balita.
"Anica, makinig ka."

Tumango-tango ang bata bilang tugon.

"Dahil kasi sa mga nangyayari posibleng bumagsak ang hacienda."

Napatungo ang bata, hindi niya napangalagaan nang maayos ang iniwan sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Parang napatunayan na tama ang mga pangmamaliit nila sa kakayanan niya.

"P-pero may solusyon pa, iyon nga lang ay magiging kumplikado."
Napataas ang noo ng bata at nabuhayan ng loob.

Napapikit si Heira, dahil sa bigat nang pakiramdam tungkol natitirang solusyon.

Litong-lito naman si Anica kung bakit ganoon ang reaksyon ng kaniyang yaya sa sasabihin nitong solusyon.

"K-kasi Anica, ang natatanging paraan ay ang pamilya ng dati mo kaklase na si Sheryl. Noong nalaman nila ang tungkol dito. Nag-offer nang tulong ang kaniyang ina. Ngunit may mga kondisyon."

Napailing-iling ang bata, habang naririnig ang mga rebelasyon ng kaniyang yaya.

"Maaari mong hindi tanggapin, ngunit mawawala sa 'yo ang natitirang alaala ng iyong mga magulang. Nakuha na nila ang pamamalakad sa kumpanya. Ngayon ito naman ang gusto nilang kuhanin."
Paliwanag ni Heira

Nakita nila na nangingilid na ang luha sa mata ng bata.

"Sige! Tatanggapin ko! Kahit gawain pa nila akong alipin dito. Hindi ako aalis sa natitirang alaala ng mga magulang ko. Gagawin ko ang lahat, upang maisalba ang hacienda. Kahit anong deal pa ang ipapipirma nila."

Angels OF DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon