Chapter 7

2 0 0
                                    

Sa Mansion...

"Magandang balita, si Ma'am Lena pala ay pumunta sa Hacienda, para tingnan kung ano-ano ang mga naayos ni Sir Alfonso at magkasama silang uuwi rito sa isang araw," masayang balita ni Aire.

"Talaga? Siguradong matutuwa si Anica," wika ni Heira, habang walang patid ang ngiti sa kaniyang mga labi.

Ibinalita nila ito kaagad kay Anica, sabik na sabik ang bata na makita ang kaniyang mga magulang. Makikita sa kaniya ang walang kapantay na saya.

"Tara po, ipagdasal natin ang kaligtasan nila pag-uwi," suhesyon ni Anica. Lubos na ikinatuwa nina Aire at Heira ang pagkukusa ng bata.

Ang presensya ng mga magulang ni Anica ang nagpapalakas ng seal nito sa noo.

Dumating ang araw na pinakahihintay ng bata. Naghahanda na siya, upang upang salubungin ang mga magulang sa airport. Nang biglang nag-ring ang telepono sa salas. Sinagot ito ng isang tagapag-silbi. Hindi nagtagal ay tinawag sila ng tagapag-silbi upang sila ang kumausap sa taong nasa kabilang linya.

"Po!?" malakas na reaksyon ni Aire nang marinig ang sinabi noong taong kausap niya.

"P-paano... paano po nangyari iyon?" nanginginig ang kamay ni Aire, habang hawak ang telepono na malapit sa kaniyang tainga.

Tuloy-tuloy ang pagbuntong-hininga niya na agad napansin ni Heira. Agad na bumaba si Heira mula sa mataas na hagdanan nang makita ang mga reaksyon at kilos ni Aire. Hindi man niya narinig ang sinabi kay Aire ay sumiklab na ang malakas na kaba sa kaniyang dibdib.

"A-anong sabi?" tanong ni Heira nang makarating sa harapan ni Aire.

"Ang... Ang eroplanong sinasakyan nila Ma'am at Sir, nag-crash!" rebelasyon ni Aire.

Narinig nila na may biglang bumagsak na gamit sa may hagdanan.

Sinundan pala ni Anica si Heira. Hindi nila ito napansin ng dahil sa sobrang kaba. Nabitawan ni Anica ang hawak niya.

Tumakbo siya sa taas ng hagdanan, habang walang patid ang pag-ilaw ng seal sa kaniyang noo. Napansin agad ito ng dalawa. Sinundan nila ito at naabutan bago pa niya maisara ang pinto ng kuwarto.

Pumunta si Anica sa harap ng Poon. At pagkuwa'y tinabig niya ito. Nabasag ng husto ang imahe ng Poon.

"Wala kang silbi!! Hindi ka totoo!!" sigaw ni Anica habang patuloy ang pag-ilaw ng seal.

Gulat na gulat sina Aire at Heira.
Tinapakan pa ni Anica ang krus na nalaglag sa tabi ng kaniyang paa. Halos madurog na ito sa ginawa niya pag-apak.

~~~~~~

Sa Impyerno....

"Magaling Wahahahaha!!!" malakas na tawa ni Devriyu ng mabalitaan mula kay Dyen ang resulta ng ipinagawa nito sa piloto ng eroplano.

Binulungan ni Dyen ang piloto, sinabi niya kung paano kokontrolin ang eroplano kaya ito bumagsak.

"Ano po ang susunod na plano, Master?" sabik na sabik na tanong ni Dyen.

"Masyado kang nagmamadali, hinay-hinay lang. Mas maganda ang magiging laro kung dadahan-dahanin natin," malumanay na sagot ni Devriyu pagkatapos ay nagbigay ito ng malaking ngiti.

Tuwang-tuwa si Dyen, dahil sa papuri sa kaniya ng kaniyang pinaglilingkuran. Makukuha na niya ang buong tiwala ni Devriyu at magagawa na niya ang kaniyang plano.

~~~~~~
Sa Paraiso ibinalita rin ni Ange Cyra kay Prinsesa Acesa ang pangyayaring ibinalita ng dalawang anghel na nasa daigdig.

"Ano pong gagawin natin?" nababahalang tanong ni Angel Cyra.

"Wala akong ediya sa ngayon, kailangan pa nating subaybayan ang bawat galaw ni Anica, upang makaisip tayo ng kongklusyon," sagot ni Prinsesa Acesa habang nakatungo.

Lumakad siya hanggang makarating sa kinaroroonan ng isang balon, "Kung hindi lang sana naputol ang koneksyon natin sa daigdig, sa pamamagitan ng balon na ito..." Nanghihinayang na wika ni Prinsesa Acesa.

Noon ay may tubig sa nasabing balon. Doon nila pinanonood ang mga nangyayari sa daigdig kaya naman madali nilang napoproteksyonan ang mga tao laban sa mga masasamang espiritu. Ngunit bigla na lang natuyo ang balon. Nawala ang tubig sa loob nito. Mula noon ay nawalan na sila ng koneksyon sa daigdig. Kinakailangan pa nilang magpadala ng anghel, upang magbigay ng impormasyon kung ano ang nangyayari roon.

~~~~~
Sa eskuwelahan...

Ramdam nina Eyzi at Danica ang kakaibang kilos ni Anica. Gayunpaman, naiintindihan nila ito, sapagkat nasabi ng kanilang kaibigan ang nangyari sa kaniyang mga magulang. Dinamayan nila si Anica at nakaramdam ito ng pagmamahal sa bisig ng dalawa. Dahil doon ay unti-unting sumasara muli ang nagbabadyang pagbubukas ng mahinang seal.

"Heto na naman sila, nakadikit na naman sa ginto ang mga kalawang," pang-aasar ni Sheryl habang pailing-iling.

"Anong sabi mo?!" mariing tanong ni Anica.

"Akala ko ba matalino kang bata? Alam mo, kung ako sa 'yo lalayo ako sa mga 'yan. Sumama ka na lang sa amin ni Dianne, this is where you belong," pag-aalok ni Sheryl.

"Ang yabang mo talaga!" singit ni Eyzi.

"I'm not talking to you! You're such a dull!" mariing sagot ni Sheryl sa sinabi ni Eyzi.

Lumakad si Sheryl papunta sa kinatatayuan ni Danica at inilapit ang mukha niya rito at sinabing, "How about you foolish, little girl may sasabihin ka ba?"

Nanginig ang katawan ni Anica, napansin ni Eyzi na may umilaw sa noo nito, habang halatang-halata ang galit.

Agad niyang itinulak Ang batang si Sheryl. Nanlaki ang mata ng lahat nang nanonood sa kanila, noong makita kung gaano kalakas ang pagkakatulak nito. Parang hindi kaya ng isang karaniwang bata. Hindi pa siya nakuntento. Lumapit siya sa kinaroroonan ni Sheryl. Hinawakan niya ito sa baba at akmang sasampalin ng biglang...

Mabilis na tumakbo si Danica at sinalag ang kamay ng kaibigan.
"Tama na! Hindi ba sabi mo huwag natin siyang papatulan? Please..." pagsusumamo ni Danica, habang sinasalag pa rin ang kamay ng kaibigan.

Ibinaba ni Anica ang kaniyang kamay,
"maswerte ka! Pero kapag inulit mo pa ang pambu-bully sa mga kaibigan ko. Hindi lang 'yan ang aabutin mo."

Hindi makapaniwala si Eyzi sa kaniyang nasaksihan. Siya lang ang tanging bata na nakakita, kung gaano kabilis na nasalag ni Danica ang kamay ni Anica, at ang umilaw sa noo ni Anica. Naalala niya ang sinabi nina Kukung at Den Den, na mag-ingat sa kaniyang paligid. Naguluhan siya, bumalik sa alaala niya ang pagiging pula ng mga mata ni Danica. Dagdag pa ang mabilis nitong pagtakbo. Lalo siyang naguluhan noong sumagi rin sa isip niya ang malakas na pagtulak ni Anica kay Sheryl. 

Angels OF DemonsWhere stories live. Discover now