Chapter 13

6 0 0
                                    

Sa Impiyerno...

"Waaaaahhhh..." Sigaw ni Devriyu noong marinig ang balita mula sa itim na bahagi ni Dyen.

"Akala ko ba ay kontrolado mo na ang lahat? Napakatagal mo nang kasama ang batang iyon, bakit hindi mo nakita na may kakaiba sa kaniya?!" Tanong ni Devriyu habang nanlilisik ang mga mata.

"Hindi ko po alam Master. Wala akong nakitang kakaiba sa kaniya. Kun'di niya nagawang pigilan ang itim na kapangyarihan ni Danica, hindi ako maghihinala sa kaniya." Sagot ng itim na bahagi ni Dyen habang nakatungo.

Kahit kailan hindi nakita ni Dyen ang pag-uusap nina Eyzi at ng dalawang duwende.

"Kung ganoon, isang malaking hadlang ang batang iyon sa mga plano natin, kailangan siyang mawala!" Marahas na wika ni Devriyu.

"Hindi po ganoon kadali iyon, Master. Kung may kakayanan ang batang iyon na protektahan si Danica, ang ibig sabihin ay may malakas siyang kapangyarihan. Maging ang mga Anghel ay walang ideya kung sino siya." Paliwanag ng itim na bahagi ni Dyen.

Lumapit si Devriyu sa nakayukong alipin, inilapit niya ang kaniyang bibig sa tainga nito.

"Natatakot ka ba sa kaniya?"
Pangiti-ngiting hamon ni Devriyu.

~~~~~~~

"Sino ang batang si Eyzi? May alam na kaya si Dyen dito? Pero bakit parang gulat na gulat din siya." Wika ni Angel Cyra sa kaniyang sarili.

Tinutukan niya ang bawat galaw ni Eyzi mula noong mangyari ang araw na 'yon, pero wala siyang nakuhang malinaw na teyorya. Tanging ang pakikipag-usap nito sa mga duwende ang alam niya. Pero normal ang ganoong kakayanan sa mga batang may third eye. Kakaiba man ang ganoong bata ay tao pa rin ang mga ito, at imposibleng mas lumamang ang kakayanan nila kaysa sa kanila na mga anghel.

~~~~~~

"Yaya Aire kumusta na raw po ang mga pananim sa kanluran?" Tanong ni Anica.

"Okay naman, malulusog ang ani." Nakangiting wika ni Aire.

"Huwag kang mag-alala Anica, maayos ang mga pananim. Sakto ang kita ng Hacienda at nabayaran na rin ng tama ang mga magsasaka." Wika ni Heira.

"Kasi po, parang may mali. May nararamdaman po akong kakaiba, parang malulungkot ang mga gulay. Hindi ko po maipaliwanag, gusto ko pong suriin ang mga ito." Nakakagulat na wika ni Anica.

Nagkatinginan sina Aire at Heira. Gumagana na ang kapangyarihan ng kalikasan, nararamdaman na ni Anica ang mga emosyon ng mga pananim. Kahit hindi umiilaw ang seal ay ramdam na niya kung anong nais iparating ng kalikasan sa kaniya.

~~~~~~~

"Ano bang nangyayari? Nag-iisa lang naman si Danica sa Dalampasigan, wala namang kahit sino na gumawa sa kaniya nang kabutihan, pero bakit lumabas ang itim niyang kapangyarihan?" Tanong ni Eyzi kina Kukung at Den Den

"Hindi kailangan nang gagawa nang kabutihan para magwala ang natatagong itim na kapangyarihan ni Danica. Nasa tamang edad na siya. Ito ang edad na itinakda upang tuluyan siyang maging masama. Wala nang makapipigil pa sa kaniya." Wika ni Den Den.

Umusbong ang kaba sa dibdib ni Eyzi. Ano nang mangyayari sa kaniyang kaibigan?

"Pero!"
Nagsalita si Kukung.

"May isang nagtataglay ng kapangyarihan na makakatalo sa kaniya." Pagbibigay alam ni Kukung.

Napangiti si Eyzi, dahil sa kaniyang narinig. Ngunit naisip din niya, masasaktan muna ang kaibigan niya kapag nagkataon.

"Kilala n'yo ba kung sino siya?"

Umiling-iling ang dalawang duwende.

Nakita ni Angel Cyra ang pakikipag-usap ni Eyzi. Narinig niya ang mga sagot ni Eyzi sa dalawang duwende ngunit tulad ng dati ay hindi niya maintindihan ang sinasabi ng mga ito. Kaya't hindi malinaw ang mga impormasyong nakuha niya mula sa labi ni Eyzi.

Bumalik siya sa bahay ni Danica at nakita niya si Dyen na nakabantay rito.

"Saan ka galing?" Tanong ni Dyen.

"Sinundan ko si Eyzi, pasensya ka na at hindi ako nakapagpaalam. Gusto kong makakuha nang impormasyon tungkol sa nakita natin kanina." Paliwanag ni Angel Cyra.

"Naiintindihan ko, siya nga pala. Hanggang ngayon ay hindi parin nabalik ang lakas ni Danica. Mabuti na lang at hinayaan na lamang siyang magpahinga." Pagbibigay alam ni Dyen.

~~~~~~~~

Kinaumagahan dadalhan sana ni Aire si Anica ng umagahan. Ngunit nakita niyang wala ito sa kaniyang silid. Agad niyang tinawag si Heira upang ipagbigay-alam ito. Inutusan nila ang mga kasambahay sa Hacienda na hanapin ang bata. Pati ang mga magsasaka na maagang pumasok ay nakihanap na rin.

"Masama ito, pakiramdam ko ay may koneksyon ito sa kaniyang kapangyarihan." Wika ni Aire.

"Sa... Sa may falls! Tama! Halika subukan natin baka nandoon siya." Suhesyon ni Heira.

Nagmadali ang dalawa na pumunta sa falls.

Nang makarating sila roon, nagulat sila nang makita nila si Anica na nasa ibaba ng falls. Nakabuka ang dalawang kamay, habang hinahayaang dumaloy sa kaniyang katawan ang tubig na nagmumula sa kalikasan. Bukod pa rito ay ang walang patid na pagkislap ng kaniyang seal.

"Anong---?"

Nanlaki pa ang mga mata nila noong makitang biglang lumapit kay Anica ang mga ibon na nagmumula sa iba't ibang puno. Animo'y tinawag niya ang mga ito.

Napailing-iling si Heira dahil sa mga nasasaksihan, si Aire naman ay natutulala at napapanganga. Para silang nakakakita ng higit pa sa isang Diwata.

~~~~~~~~

Dahil sa mga nasaksihan nagpasya sina Aire at Heira na pumunta sa Paraiso, upang ibalita kay Prinsesa Ace ang mga nangyayari.

"Prinsesa Ace..." wika ni Aire mula sa likod ng prinsesa, upang mapaharap ito sa kaniya.

Kasabay noon ay ang paglingon rin sa kanila ng mga kausap nito na sina Angel Cyra at Dyen. Nagkasabay-sabay sila, upang maghatid ng balita.

"Anong ibig sabihin nito? May mangyayari rin ba sa anak kong si Anica?" Tanong ni Prinsesa Ace.

Nagkatinginan sina Aire at Heira dahil sa narinig. "Nangyari RIN"

Gayunman, hindi na sila nagpaligoy-ligoy pa. Bagamat nandoon si Dyen ay kailangan parin nilang ipaalam ang tungkol sa kapangyarihan ng kalikasan.

"Ibig sabihin namana niya sa akin ang kapangyarihan ng kalikasan, at si Danica naman ay nakamana ng itim na kapangyarihan." Wika ni Prinsesa Ace.

Napaisip si Dyen, "Sinungaling talaga ang demonyong si Devriyu, ang sabi niya ay ipinunla lamang niya ang dalawang bata at hindi ito bunga ng kaniyang panghahalay."

Napansin ni Prinsesa Ace na malalim ang iniisip ni Dyen.

"May problema ba Angel Dyen?" Tanong nito.

Nagulat si Dyen dahil sa tanong na ibinigay sa kaniya sa gitna ng kaniyang pagkatulala.

"Ahhh! W-wala prinsesa Ace, pasensya na." Paghingi niya ng paumanhin.

Naging malinaw sa mga anghel ang mga pangyayari sa dalawang kambal.

"Mayroon pa pong nangyayaring kakaiba. Ang kaibigan ni Danica ay isang kakaibang bata. May kapangyarihan siyang makipag-usap sa mga lamang-lupa. Pero sa palagay ko ay hindi lamang third eye ang mayroon siya." Pagbibigay alam ni Angel Cyra na ikinagulat nina Angel Heira at Angel Aire.

"Si Eyzi ba ang tinutukoy mo?" Tanong ni Angel Aire.

"Siya nga." tugon ni Angel Cyra.

"Nagawa niyang pahintuin ang patuloy na paglabas ng itim na kapangyarihan sa katawan ni Danica. Kung hindi siya dumating maaaring ngayon ay tuluyan ng naging demonyo ang bata." Paliwanag ni Angel Cyra.

Kakaiba ang mga pangyayari isang malaking palaisipan kung sino nga ba ang batang si Eyzi. Third eye lang ba ang mayroon siya? Tao ba talaga siya?"

Angels OF DemonsWhere stories live. Discover now