Chapter 16

6 0 0
                                    

"Halina kayo, wala na tayong ibang pagpipilian. Magpakita na tayo kay Eyzi, upang matulungan na niya tayo." Payayaya ni Angel Cyra.

Nag-anyong anghel muli sina Heira at Aire. Sama-sama sila na pumunta sa tinutuluyan ni Eyzi kapit-pakpak silang dumadalangin na nawa'y tama ang kanilang desisyon. Habang si Dyen naman ay tuwang-tuwa para sa kaniyang naiisip na plano.

Nang makarating sila sa nasabing lugar...

"Kukung... Den Den... Nasaan na kayo? Kukung... Den Den... Magpakita kayo, nasaan na kayo?" Pagtawag ni Eyzi sa mga kaibigang duwende.

Hinintay ng mga anghel na lumabas ang mga duwende, ngunit walang lumalabas. Pagod na rin si Eyzi sa katatawag sa mga ito. Hanggang ito na mismo ang sumuko.

"Bakit hindi nagpapakita ang mga duwende?" Tanong ni Angel Cyra.

"Hindi kaya alam nila na nandito tayo? Baka itim na duwende nga sila." Hinala ni Angel Aire.

"Kung ganoon mali na magpakita tayo kay Eyzi." Suhesyon ni Heira.

Tahimik lamang si Dyen habang abala ang tatlong anghel sa pag-iisip.

Mayamaya'y lumabas si Eyzi na wari nila ay pupunta sa Dalampasigan, upang tingnan kung naroon ang kaniyang kaibigang si Danica.

Nang makalabas ito ng kuwarto, akmang susundan sana nila ito, ngunit biglang may sumulpot na mga duwende. Nanlaki ang mga mata nina Angel Heira at Angel Aire.

"Sobrang liit pala nila." Nasambit ni Heira.

"Hindi ito ang tamang panahon, upang mamamangha. Mukhang mabubuting duwende naman sila." Saway ni Aire sa kaibigang Anghel.

"Bakit hindi ko pa rin sila makita?" Naguguluhang wika ni Dyen.

Umiling-iling ang tatlong anghel. Isang kilos na nagpapahiwatig na hindi nila alam kung bakit.

"Magpapakita na tayo." Wika ni Angel Cyra.

Hindi nagtagal ay nasakop ng nakakasilaw na liwanag ang buong silid ni Eyzi.

Nagulat ang dalawang duwende nang makita nila ang apat na anghel. Ang tatlo ay kumikinang at ang isa naman ay hindi.

"Isang karanganlan ang makita kayo mga kaibigan." Bati ni Angel Cyra sa dalawang duwende.

"Rekamezu iyoshiman kesiziri"
"(Kukung ang mga anghel nagpakita.") Wika ni Den Den sa kaibigan nang makita ang mga ito.

"Ano ba 'yan Angel Cyra, naintindihan mo ang sinabi nila?" Tanong ni Angel Aire.

"Iyon nga ang problema, iba ang lenguwahe nila." Sagot ni Angel Cyra habang nakatungo at nalulungkot.

"Sambisiyi handihon paerhiro."
("Paano 'yan mukhang hindi nila tayo naiintindihan.") Sagot ni Den Den.

"Hikanli hon."
("May iba pa kayang paraan?")
Sagot ni Kukung.

"Haist, paano na 'to?" Tanong ni Angel Aire habang nakalunot ang noo.

"Alam ko na!" Sigaw ni Angel Heira.

"Tanungin natin sila at tumango na lang sila o umiling o 'di kaya'y gamitin ang mga kamay sa pagsenyas, bilang sagot"' Dagdag pa nito.

"Ginawa mo naman silang pipe." Natatawang sagot ni Angel Aire.

"Wala nang pagpipilian." Wika ni Angel Cyra.

Pangiti-ngiti si Dyen nang makita ang gulong-gulong mga anghel.

~~~~~~~~

Sinamantala ni Dyen ang magulong pag-uusap sa pagitan ng mga anghel at duwende. Sinundan niya si Eyzi sa Dalampasigan. Nakita niya itong nakaupo, habang nilalasap ang tahimik na kapaligiran. Pinanonood niya ang alon sa karagatan.

Narinig ni Eyzi ang isang mahiwagang boses mula sa kaniyang likuran.
"Ang ganda ng karagatan 'di ba?"

Nang lumingon siya ay nakita niya ang isang anghel na may 'di maipaliwanag na liwanag.

"Kumusta aking kaibigan?" Dagdag pa nito.

"S--sino ka?" Nakakunot-noong wika ni Eyzi, habang nasisilaw sa liwanag na taglay ng kaniyang kausap.

"Hindi ba hinahanap mo kanina ang mga kaibigan mong duwende?" Tanong nito.

"Paano mo... paano nalaman?" Tanong ni Eyzi, habang silaw na silaw sa liwanag ng kaniyang kausap.

Nang mahalata ni Dyen na hindi na kumportable si Eyzi sa ipinakikita niyang liwanag. Inalis na niya ito sa palibot ng kaniyang katawan.

"Kaibigan nila ako, ipinadala nila ako rito, upang ibigay sa 'yo ang isang proteksyon. Kailangan mo ito para sa hinaharap." Paliwanag ni Dyen habang nagbibigay ng matamis na ngiti.

Naisip ni Eyzi, bakit kailangan pang magpadala ng isang kaibigaan sina Kukung at Den Den? Bakit hindi duwende ang ipinadala nila?

"Nasaan sila?" Tanong ni Eyzi.

"May kailangan silang gawin sa mga oras na 'to. Sa ngayon ako ang magbibigay ng proteksyon mo. Wala na tayong oras, nanganganib ka." Pangungumbinsi ni Dyen.

Naisip ni Eyzi, "Ganoon din ang sinabi nina Kukung at Den Den."
Kaya naman nagpasya siya na pagkatiwalaan si Dyen.

"Sige, anong proteksyon ba ang nais nilang ibigay?" Tanong muli ni Eyzi.

Bakas na sa mukha ni Dyen ang pagkairita. Halatang-halata na ang pagkainip  niya.
"Isa itong kapangyarihan na maaari mong gamitin, kapag nanganib ka. Ibigay mo sa akin ang iyong kanang kamay upang maisalin ko sa iyo ang proteksiyon." Halatang minamadali na siya ni Dyen.

Biglang lumakas ang simoy ng hangin, at ang tubig sa karagatan ay parang nagagalit na rin. May mga ibong nagliparan.

Pumikit si Eyzi at dahan-dahang iniabot kay Dyen ang kaniyang kamay.

Habang ginagawa niya iyon ay animo'y nagagalit ang kalikasan.

Nang mahawakan ni Dyen ang kaniyang kamay...

"Ahhhh!!" Sigaw ni Dyen ng bigla siyang tumalsik.

Iminulat ni Eyzi ang kaniyang mga mata. Pagkuwa'y itinaas siya ng hangin na kanina pa galit na galit.

Lumabas ang isang wand na noo'y sumanib na sa kanang kamay niya.

"Maaari mo akong malinlang, ngunit hindi ang kalikasan sa aking katauhan." Nakakabigla ang mga salitang lumabas sa bibig ni Eyzi.

"Sino ka ba talaga?!" Mariing tanong ni Dyen.

Isinayaw ng hangin ang mahabang buhok ni Eyzi. "Balang-araw makikilala mo rin ako."

Biglang nanginig si Dyen at nagpasiyang umalis.

Kasabay ng paglalaho ni Dyen ay ang pagbagsak ni Eyzi sa lupa. Tamang-tama naman na nahalata na ng mga anghel ang pagkawala ni Dyen sa kanilang tabi, kaya't lumabas si Angel Cyra upang hanapin ito.

Nasaksihan ni Angel Cyra ang pagbagsak ni Eyzi sa lupa.

"A--anong?" Natulala siya.

Hindi naman nagtagal ay lumabas na ang dalawa pang anghel kasama ang dalawang duwende.

"Zua!" ("Eyzi!") Sigaw ni Den Den

Naglaho ang dalawang duwende sa tabi ng tatlong anghel at mabilis na nakarating sa kung saan naroon ang kanilang alaga.

Pagkatapos ay sumunod na ang tatlong anghel.

Angels OF DemonsWhere stories live. Discover now