Chapter 1

11 0 0
                                    

February 17, 2007

"Happy Birthday to you..." sabay-sabay na pag-awit nina Heira, Aire at iba pang kasambahay sa mansion.

"Make a wish," wika ni Heira.

Hawak-hawak niya ang cake na may nakasulat na, "Happy 7th Birthday, Anica."

Napansin ni Aire ang nangingilid na luha ni Anica, habang nakatitig sa cake. Tuluyang pumatak ang mga luha nito nang makita ang napakaraming putahe na nakahanda sa malaking mesa.

"Hindi ba talaga makakauwi sina Mama at Papa?" malungkot na pagtatanong ni Anica.

Nagkatinginan sina Heira at Aire. Habang halata ang awa sa mukha ng mga kasambahay na nakatayo at nakapalibot sa buong mesa.

Umupo si Aire sa tabi ni Anica unti-unti niyang pinahid ang mga luha nito.
"Anica, alam mo naman na busy sila, 'di ba?"

Mayamaya'y may naalala ito na maaaring makapagpalubag-loob sa bata.
"Ay! Oo nga pala! Manang pakikuha po iyong gift."

Agad na ipinakita ni Aire ang malaking gift mula sa mga magulang ni Anica.
"Tsa...ran!"

Napansin ni Heira ang 'di natitinag na lungkot at pagluha ng bata. Hindi naman nila masisisi ito, sapagkat ang huling kaarawan na nakasama ng bata sina Lena at Alfonso ay noong tatlong-taong gulang pa lamang ito.

"Gift na naman?! Seven na 'ko! Ayoko na nito!!" Malakas na sigaw ni Anica, sabay hawi sa malaking teddy bear.

Nanlaki ang mga mata ni Aire nang mapansin niya ang pag-ilaw ng seal sa noo ng bata. Bigla siyang kinabahan at halos mapanganga, dahil sa nakita. Nadagdagan pa ito nang matinding pag-aalala nang bilang tumakbo sa mataas na hagdanan ang bata, upang magkulong sa kuwarto.

Ang pag-ilaw ng seal ay ang hudyat ng unti-unting paggising nang kasamaan na taglay ni Anica.

"Ahmmn... pa-pakiligpit na po ang mga handa, susundan po namin si Anica," nanginginig na wika ni Aire.

Agad niyang hinila ang kamay ni Heira. Halos matapon na ang hawak nitong cake. Dinala niya ito sa isang sulok, upang ibulong ang nakita.

"Heira, ang seal biglang umilaw!" 

"Inaasahan ko na 'yon. Sino ba naman ang hindi magagalit o magtatampo?" malungkot na wika ni Heira.

Si Alfonso ay nasa Hacienda at tinututukan ang mga manggagawa roon. Nagkaroon nang malaking aberya sa Hacienda kaya't kailangang-kailangan niya itong ayusin. Si Lena naman ay nagpunta sa U.S. upang makipagkita sa isang investor. Hindi niya puwedeng palampasin ang pagkakataon, lalo na't kabilang ang kanilang company sa top 5 greatest company sa buonng bansa.

Ang dalawang anghel na sina Aire at Heira ay nag-aanyong tao lamang, hindi sila nakararamdam ng emosyon maliban sa pag-aalala at takot.

"Halika na buksan mo na ang pinto, baka kung ano nang ginagawa ni Anica sa loob," yaya ni Aire.

Nang makarating sila sa labas ng kwarto ni Anica...

"Heeep! Anong gagawin mo?" tanong ni Aire habang nakapamaywang.

Gagamitin sana ni Heira ang kaniyang kapangyarihan, tatanggalin sana niya ang pagkaka-lock sa pinto.

"Wala tayong susi, nasa kaniya, wala tayong ibang pagpipilian," sagot ni Heira.

"Isang paglabag sa kautusan ang gagawin mo," paalala ni Aire.

"Alam ko, pero mapapahamak ang bata kapag hindi ko ginawa ito," paliwanag ni Heira.

Walang nagawa si Aire, sapagkat may katwiran naman ang kaniyang kaibigan.

Nang matanggal ang lock ay agad silang pumasok at nakita ang bata na hawak ang nakabukas nitong laptop. Napansin din nila na nakabukas ang Skype nito.

Angels OF DemonsWhere stories live. Discover now