Chapter 3

4 0 0
                                    

Pagdating na pagdating ni Eyzi sa Maynila kasama si Danica. Sinalubong agad sila ng kaniyang tiyahin na si Rossy. Nagbigay ito ng ngiti kay Danica na agad naman nitong iniwasan nang tingin.

"Sumunod kayo sa akin, ipapakita ko kung saan ang kuwarto n'yo," wika ni Rossy.

"Ito ang kuwarto ng pinsan mo na nasa ibang bansa, medyo magulo kaya kayo na ang bahalang mag-ayos," dagdag pa niya.

"Wala pong problema, tita," sagot ni Eyzi.

"Maraming pong salamat ma-- "

Naputol ang pagsasalita ni Danica ng biglang nagsalita si Rossy.
"Tita! Tita na lamang ang itawag mo sa akin."

Tumango-tango na lamang si Danica bilang tugon. Pagkatapos ay iniwan na sila ni Rossy, upang makapagpahinga. Labis ang kaniyang tuwa dahil sa 40% na makukuha niya mula sa allowance ni Danica, at mababawasan ang hirap niya, sapagkat may maglilinis na sa kaniyang bahay.

"Ang galing talaga ni Master, nagawa niyang maimpluwensyahan nang kasamaan ang mga taong nilikha ni Bathala," bulong ni Dyen sa kaniyang sarili habang pinanonood ang mga nangyayari.

******

Sa Paraiso ipatawag ni Prinsesa Acesa si Angel Cyra.

"Angel Cyra, bumaba ka sa daigdig bigyan mo nang babala sina Heira at Aire. May kakaibang pakiramdam ako, hindi ko alam kung ano. Si Anica lamang ang nasa daigdig hindi ba? Pero bakit parang may isa pang seal ang nabukasan?" pagbibigay impormasyon ni Prinsesa Acesa.

"Mahal na Prinsesa, sigurado po ba kayong nasa imyerno ang batang si Danica?" tanong ni Angel Cyra.

Napaisip si Prinsesa Acesa, walang katibayan na sa impyerno dinala si Danica, pero kung saka-sakali, sino ang may kakayanang dumukot sa bata at hayaang mamuhay lamang ito sa daigdig? Anong dahilan para hayaan itong mamalagi roon? Bakit hindi niya naramdaman ang prisensya nito?

"Imposible ang iniisip natin, kaya't bigyan mo na ng babala ang mga anghel na taga pangalaga," wika ni Prinsesa Acesa.

"Masusunod po," sagot ni Angel Cyra.

******

Habang nagluluto si Heira sa kusina ay biglang lumitaw si Angel Cyra sa kaniyang tabi.

"Ay palaka!!" gulat na gulat na wika niya.

"Mukha ba akong palaka?" pabirong tanong ni Angel Cyra.

Napasingkit-mata si Heira,
"Angel Cyra?"

Tumango-tango ang anghel bilang tugon.

"Anong ginagawa mo rito? Baka may makakita sa 'yo," tanong ni Heira.

"Huwag kang mag-alala ikaw lang ang nakakakita sa akin," sagot ni Angel Cyra.

"Haist... pagmumukhain mo pa 'kong baliw, kapag may nakakita sa akin," angal ni Heira.

"Tama na ang pagbibiro... Ipinadala ako rito ni Prinsesa Acesa, may mahalang bagay kayong dapat malaman," seryosong sagot ni Angel Cyra.

Sinabi ni Angel Cyra ang babalang ipinahatid ni Prinsesa Acesa...

"Anak ng tipaklong, sinasabi ko na nga ba! Huwag kayong mag-alala gagawin namin ang lahat, upang protektahan si Anica," sagot ni Heira.

"At si Danica!" nakakabiglang nasambit ni Angel Cyra.

Kung si Prinsesa Acesa ay may pagdadalawang-isip, na nasa daigdig si Danica. Si Angel Cyra naman ay malakas ang kutob, dahil sa ikinikilos ni Dyen. Sinabi niya kay Heira ang kaniyang hinala.

"Anong ibig mong sabihin?" gulong-gulong tanong ni Heira.

"Paano mangyayari iyon? Apat lang tayong nagtataglay ng shield na maaaring makapagproyekta sa mga tao, bukod kay Prinsesa Acesa. Kung sakali, paano nagagawa ni Dyen na pagsabay-sabayin ang pagbabantay at ang pagbalik sa Paraiso nang ganoon kabilis? Isa pa, paano niya nalalaman kapag kailangan siya roon? At kung nagtataksil siya, siguradong binigyan siya nang kapangyarihang itim. Paano siya nakakalabas-pasok muli sa Paraiso?" sunod-sunod na tanong ni Heira.

"Hindi ako maaaring magtagal dito, kayo ni Aire ang makakahanap ng sagot," huling mga salitang nabitawan ni Angel Cyra bago siya bumalik sa Paraiso.

Naiwan si Heira bitbit ang mga tanong na itinanim sa utak niya. Bukod pa ang mga babala na ipinahatid ni Prinsesa Acesa.

Mayamaya'y pumasok na sa kusina si Aire, upang kuhanin ang mga pagkaing niluto nito. Masyado itong natagalan sa pagluluto. Sumibol na naman ang inis niya sa kaibigan. Ubod talaga ng pasaway nito.

Hindi muna ipinaalam ni Heira kay Aire ang mga sinabi ni Angel Cyra tungkol kay Dyen. Tanging ang babala lamang ni Prinsesa Acesa ang sinabi niya rito.

******
Sa Impyerno...

"Ang tadhana nga naman, hindi na natin kailangang gumawa ng paraan, para mapunta ang batang si Danica sa masamang pamilya. Ito na mismo ang lumapit sa kaniya.
Wahahahaha..." nakakabinging tawa ni Devriyu.

"M-master, may problema po," nanginginig na wika ni Dyen.

Napakunot-noo si Devriyu pagkatapos ay ang pagsingkit ng mga mata nito. Unti-unti siyang lumapit sa nakaluhod na si Dyen. Nang malapit na ang kaniyang paa sa mukha nito.

"Ano iyon? Sabihin mo!!" sigaw ni Devriyu.

Labis ang naramdamang takot ni Dyen. Hindi niya alam kung paano sasabihin ang problema.

Napapadyak si Devriyu kasabay ng tanong nito, "Ano!?"

Napabuntong-hininga si Dyen...

"M-master... Ka-kasi po. May isang anghel na... Ahmmn.... nagdududa po. Nagdududa na po s-sa akin," takot na takot na sagot ni Dyen.

"Waaaahhhh..." sigaw ni Devriyu sabay sipa kay Dyen.

"Wala ka nang ginawang tama! Isa kang inutil! Hindi ka karapat-dapat sa kaharian ko!"

Dahil sa ginawa ni Devriyu at panlalait sa kaniya, nangahas nang sumagot si Dyen.

"Opo Master... Pero ako lang po ang nagtataglay ng pakpak nang dilim at liwanag! Kayo po ang bahala kung sisipain n'yo po ako sa inyong kaharian o gagawing abo. Pero ipapaalala ko lang po sa inyo na kapag nawala ako, masisira ang plano n'yo."

Natauhan si Devriyu ng dahil sa mga sinabi ni Dyen. Tama, kung mawawala si Dyen, hindi lang tapat na alagad ang mawawala sa kaniya. Mapupunta lamang sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan.

Angels OF Demonsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن