Chapter 17

5 0 0
                                    

Dahil sa nangyari naisipang bumalik ni Dyen sa Paraiso, upang makalusot sa tatlong anghel. Kinausap niya si Prinsesa Acesa tungkol sa dalawang duwende at humingi nang tulong, upang makita niya ang mga ito. Nakaisip naman ng paraan ang prinsesa. Dinagdagan niya ng kaunting liwanag ang kapangyarihan ni Dyen.

Agad na bumalik si Dyen sa daigdig.

"Saan ka galing, bakit nawala ka kanina?" Nakakunot ang noong tanong ni Angel Cyra, habang binabantayan si Danica.

Taas-noo namang sinagot ni Dyen ang tanong ng anghel. "Pumunta ako sa Paraiso, hindi ko natiis na hindi makita ang mga duwende. Paano ako makakatulong? Kinausap ko si Prinsesa Acesa at sinubukan niyang humanap ng paraan, upang makita ko na ang mga ito."

Napaisip si Angel Cyra na noo'y ang hinala ay si Dyen ang dahilan nang pagbagsak ni Eyzi sa lupa. Naisip niya, hindi makakapagsinungaling si Dyen, kapag ang usapan ay tungkol sa Paraiso, puwede siyang mabuking kung sakaling tanungin nila si Prinsesa Acesa.

"Ganoon ba?" Pagkukumpirma ni Angel Cyra.

"Pasensya na at hindi ako nakapagpaalam, umasa kasi ako na pagbalik ko ay naroon pa kayo at nakikipag-usap." Palusot pa ni Dyen.

"Hindi ko inaasahan na matatagalan si Prinsesa Acesa sa paghanap ng solusyon sa problema." Dagdag pa nito.

Napabuntong-hininga na lang si Angel Cyra. Gulong-gulo na siya, pero hindi siya titigil sa paghahanap ng ebidensya.

"Ano nga palang nangyari habang wala ako?" Painosenteng tanong ni Dyen.

Walang nagawa si Angel Cyra, labag man sa kaniyang kalooban ay kailan niyang isalaysay kay Dyen ang buong pangyayari.

Habang nagkukuwento si Angel Cyra, nakita nila si Danica na lumalabas ng bahay. Gabi na at bilog ang buwan. Wala siya sa kaniyang sarili habang naglalakad papunta sa dalampasigan. Sinundan nila ito.

Nang makarating si Danica sa Dalampasigan ay biglang lumakas ang alon. Maaaring lumubog ang mga barkong kasalukuyang nasa gitna ng karagatan. Daig pa ang isang unos. Nag-ingay ang mga ibon, na naging dahilan nang paggising ng mga taong nakatira malapit sa lugar. Humangin nang malakas na parang gusto siyang patalsikin sa kaniyang kinatatayuan.

Nabigo ang kalikasan sa lakas ng kapangyarihan ni Danica kasabay nang bilog na buwan.

"Paano tayo makakatulong?" Tanong ni Angel Cyra na noo'y awang-awa sa walang kamalay-malay na bata.

Habang si Dyen naman ay sikretong ngumingiti, kapag hindi sa kaniya nakatingin si Angel Cyra.

"Kung walang nagawa ang kalikasan sa ginagawa ni Danica, 'di hamak na wala tayong lakas upang makatulong. Ang kailangan lamang natin ay magmasid at kumuha ng mga detalye. Ang maitutulong lamang natin ay ang makabuo nang kongklusyon, para maipagawa sa nakatakdang lumaban sa batang ito." Paliwanag ni Dyen.

"Si Anica ba ang tinutukoy mo o si Eyzi?" Tanong ni Angel Cyra.

~~~~~~~

Pumunta si Angel Cyra sa Paraiso, upang ibalita kay Prinsesa Acesa ang nangyari kay Danica. Iniwan niya si Dyen, upang bantayan muna ang bata, habang wala siya.

Dahil sa wala siyang tiwala kay Dyen, tinanong niya kay Prinsesa Acesa ang tungkol sa pagpunta nito sa Paraiso noong nakaraan. Kinumpirma naman ng prinsesa na totoo ang mga sinabi ni Dyen.

"Prinsesa Acesa, hindi na po namin alam ang gagawin. Napakaraming mahihiwagang bagay ang nangyayari sa daigdig. Ang dalawang duwende ay hindi naman namin maintindihan ang lenguwahe. Pakiramdam po namin ay sila ang makakasagot sa problemang ito." Paliwanag ni Angel Cyra.

Angels OF DemonsOnde histórias criam vida. Descubra agora