Chapter 15

3 0 0
                                    

Pagkalabas ni Danica sa pintuan, hindi napigilan ni Anica ang mapaluha. Matagal na rin niyang gustong makita at makasama ang kaibigan, hindi rin niya inakalang magagawa niya ito. Dahil nga ba talaga sa alam niyang ama ng kaniyang kaibigan si Mang Anding, o baka may ibang enerhiyang nagtutulak sa kaniya papalayo sa kaibigan?

'Di nagtagal ay pumasok na sa opisina si Aire habang si Heira naman ay iniwan niya sa labas, upang lihim na kausapin si Angel Cyra.

Nadatnan ni Aire ang pagluha ni Anica.

"Anica... A-anong nangyari? Nag-away ba kayo? Bakit ka umiiyak?" Sunod-sunod na tanong ni Aire sa bata.

Dahil doon ay mabilis na yumakap nang mahigpit ang bata sa kaniya. Batid niyang mabigat ang nararamdaman ng kaniyang alaga.

"Ano ba talagang nangyari sa inyo? Bakit ka umiiyak?" Tanong muli ni Aire.

"Yaya, ang sama ko pong kaibigan. Pero hindi ko po kasi napigilan na sabihin sa kaniya ang salitang iyon, at hindi ko po napigil na kumilos ng ganoon. Naguguluhan po ako." Sagot nito habang pinupunasan ang kaniyang mga luha.

Dahil sa mga narinig hindi na niya ipinahimay-himay kay Anica ang mga nangyari. Hinayaan na lang niyang ilabas ng bata ang kaniyang nararamdaman. Iniwan niya muna ito upang kay Angel Cyra magtanong.

Palihim na nag-usap-usap ang mga Anghel .

"Talaga, nangyari iyon kay Danica noong nasa taniman siya?" Pagkukumpirma ni Heira kay Angel Cyra.

Tumango-tango lamang ito bilang tugon.

"Kung ganoon, dala ni Danica ang itim na kapangyarihan at presensya niya. Mahirap ito, mukhang may nangyaring hindi maganda sa pagitan nila ni Anica. Kung magkakagalit sila paano na natin sila mapipigilan?" Tanong ni Aire.

"Huwag kayong mag-alala, may solusyon sa problema." Taas-noong sagot ni Angel Cyra.

Napakunot-noo si Dyen, pagkatapos ay napaisip.

"Si Eyzi." Dagdag ni Angel Cyra na kumompleto sa kaniyang sagot.

"Tama! Pero paano natin siya mapapapasok sa Hacienda? Magpapakilala na ba tayo sa kaniya?" Tanong ni Heira.

"Oo!" Nakakabiglang sagot ni Dyen.

Siya mismo ay nagulat sa kaniyang sarili.

Sa isip-isip ni Angel Cyra
"Ano kayang binabalak ng lalaking 'to?"

~~~~~~~~

"Hahaha... Magaling Dyen! Isa kang Henyo!" Pagpuri ni S
Devriyu sa nagmamagaling na si Dyen.

Ipinaalam niya ang mga nangyari at sinabing lahat ay parte ng kaniyang mga plano, kahit ang totoo ay wala rin siyang alam kung paano nangyayari ang mga iyon.

Nagbigay ito ng malaking ngiti.
"Sinabi ko na naman po sa inyo, Master, magtiwala lang kayo sa mga plano ko."

Lumapit si Devriyu sa kitatayuan Dyen. Unti-unti itong umikot sa nakatayong halahating demonyo at kalahating anghel.

"Kung ganoon, maaari ko bang maalam ang susunod mong hakbang?" Mariing tanong ni Devriyu.

"Patawad po ngunit mas makabubuti kung ako lang nakakaalam ng mga ito, magtiwala lang po kayo." Sagot ni Dyen.

Gustong magalit ni Devriyu ngunit nakita niyang taas-noo ang pagkakabigkas ni Dyen sa mga sinabi nito. Nangibabaw sa kaniya ang pag-aalinlangan.

"S-sige! Basta siguraduhin mong magtatagumpay kang muli." Wika ni Devriyu, habang nagpapanggap na matapang.

Yumuko si Dyen, hudyat ng pagpapaalam.Pagkatapos ay bumalik na ang itim na presensya niya sa daigdig.

~~~~~~~

"Dyen... Dyen..." Tawag ni Angel Cyra sa parang nanghihinang kasama.

"Okay ka lang ba? Bakit parang nanghihina ka?" Tanong pa ni Angel Cyra.

"Wala, iniisip ko lang ang kalalabasan kapag nagpakilala tayo sa batang si Eyzi at sa mga kaibigan niyang duwende na hindi ko nakikita." Palusot nito.

"Ganoon ba? Tama ka mahirap nga ang gagawin natin. Kailangan nating planuhin ito ng maayos, delikado tayo sa mga duwende. Lalo na't hindi ko naiintindihan ang lenguwahe nila. Maaaring hindi sila mabubuting lamang-lupa." Nasambit ni Angel Cyra.

Napaisip si Dyen, kung hindi mabubuting lamang-lupa ang mga duwendeng nakakausap ni Eyzi, maaari niya silang mapakinabangan. Ang problema ay hindi niya ito nakikita.

~~~~~~~

Bumalik sa palasyo ng mga Duwende sina Kukung at Den Den upang pag-aralan ang isang libro.

Ang librong kanilang hawak ay naglalaman ng mga pangyayari noong nakararan, ngayong kasalukuyan at maaaring mangyari sa hinaharap.

Noon ay buo na ang kuwento ng libro. Mula sa paglikha ni Bathala sa sangkatauhan, ang mga pangyayari ay nakatakda na rin. Maging ang pagkabuhay at pagkamatay ng isang tao ay ganoon din.

Ngunit nabago ang lahat noong naganap ang labanan ng mga Angel at Demonyo.

Aksidenteng napulot nina Kukung at Den Den ang libro noong naglalaro sila sa bakuran ng palasyo ng mga duwende. Nagpasya silang pumunta sa daigdig upang makatulong. Humingi sila nang pahintulot kay Bathala. Pinabantayan sa kanila ang isang bata. Ang sinabi lang sa kanila ay may kakayanan itong makakita ng mga hindi nakikita ng mga normal na tao. Wala silang alam sa totoong pagkatao nito.

Nasa ibang demensyon ang palasyo ng mga duwende, kaya naman iba ang kanilang lenguwahe. Tanging mga puting anghel lamang ang nakakakita sa kanila. Hindi sila nagpapakita sa mga itim na demonyo at ibang itim na obra ng mga ito, tulad ng mga tikbalang, manananggal, aswang at iba pa. Hawak nila ang susi sa kapayapaan kaya't nagiging maingat sila sa kanilang bawat hakbang.
~~~~~

Ayon sa nabasa ng dalawang duwede, isang kambal na nagtataglay ng kapangyarihang ng liwanag at dilim ang magiging dahilan ng pagkawasak ng daigdig sa hinaharap. May mga anghel at isang itim na enerhiya mula sa isang obra ang nagbabantay sa mga ito. Nagtataglay ng seal ang kambal na siyang pumipigil sa paglabas ng kanilang kapangyarihang itim. Ngunit nakatakda itong mawasak sa kanilang itinakdang edad. Isang kakaibang obra mula sa kalikasan ang nilikha ang posibleng makapigil sa kapangyarihang itim ng isa sa mga kambal. Maaaring magsanib ang obra ng kalikasan at ang isa sa mga kambal, upang talunin ang kapatid nito.

Ang lahat ay mangyayari kapag hindi napigilan ang isang itim na enerhiya mula sa obra na nagtataglay ng liwanag at dilim.

"Kambal?!" Sabay na nasambit nina Kukung at Den Den.

"Kapangyarihan ng Kalikasan?" Naguguluhang wika ni Kukung.

"S-sandali, magulo... Kung si Anica at Danica ang tinutukoy rito. Bakit hindi sila magkamukha at hindi rin sila magkapatid. Kung si Eyzi naman ang obra mula sa kalikasan, hindi ba't ang teyorya natin ay isa siyang Diwata ng Sangkatauhan?" Naguguluhang dagdag pa ni Den Den.

"May anghel na nakabantay sa kanila at itim na obra na may kapangyarihan liwanag at dilim?" Isa pang tanong mula kay Den Den.

"Baka naman hindi sila ang tinutukoy sa libro?" Gulong-gulong tanong ni Kukung sa kaibigang duwende.

"Hmmn... puwede rin naman na sila ang tinutukoy, kailangan lang nating malaman kung anong nangyari at mga pangyayari. Maaaring marami pa tayong dapat malaman." Nakasingkit-matang wika ni Den Den.

"Haist... Ang hirap nito." Dagdag ni Den Den.

"Bakit nagsisisi ka na ba na umalis tayo sa ating palasiyo, upang tulungan ang daigdig?" Tanong ni Kukung.

"A-e... Hindi, a! Isang karangalan ito." Sagot ni Den Den.

"Kung ganoon, magsaliksik tayo, ngunit hindi sa libro. Kun'di sa totoong nangyayari sa daigdig, ang problema ay si Eyzi. Maiiwan natin siya kapag nagkataon." Suhesyon ni Kukung.

"Pero sa tingin ko ay kaya na ni Eyzi iyon, lalo na kung sakaling hindi siya ang Diwata ng Sangkatauhan, at siya pala ang obra ng kalikasan." Dagdag pa nito.

"Sana tama ka." Nalilitong wika ni Kukung.

Angels OF DemonsWhere stories live. Discover now