Last Chapter of TROAW

6.5K 109 0
                                    

Mabilis na itinakbo ng mga nurse at doctor ang dalawang pasiyente sa operating room.
Pinasok sa isang operating room ang binata at sa kabilang kwarto naman ay ang dalaga. Bawat O.R ay abala ang mga tao sa kanilang ginagawa, sa kabilang kwarto na kung saan naroon ang dalaga ay ramdam na ramdam ang tensiyon. Her left arm is broken and their both now in critical state kaya walang nagawa ang mga doctor kundi pagsabayin ang operasyon.

Mula sa kanang kwarto naman ay nagsisimula ng umalarma ang mga tao sa loob ng O.R dahil hindi na nila matrace ang pulso ng binata. Ang trabaho bilang mga doktor ay iligtas ang mga pasiyenteng nangangailangan and right now the two patients life are both in the red line.

"Due to the accident at sa lakas ng pagsabog the head of the patient is now critical." wika ng isang doctor na may hawak na x-ray ng dalaga. Habang ang ibang mga surgeon ay abala sa pag-gagamot sa nabaling buto.

"Then kailangan natin siyang operahan?"

"Yes."

"But doc, we're not sure that we can make it because there's a possibility of loss."

"We're here to save them not to kill them."

"First we must finish this problem of the patient's arm and after that call Doc. Klaire to check the stability of the patient's breath and we need more blood bags to the other patient's there."

"Tell them the man's type blood is O."

"B-but sir the blood type is rare we can't find anything like that here." bumalik ang tingin ng doktor sa pasiyenteng babae at nakitang tinatahi na nila ang hiwa sa kabilang kamay ng dalaga.

"Alright! We're done here ready the machines and surgical instruments we're gonna start the operation!"

***************************************

Ranewena's POV

I heard the bird's chirping so I opened my eyes at nakita ko ang sarili ko na nasa lugar kung saan nakalibing ang anak namin.

Nakatayo lang ako sa mga damuhan at nagtatakang paano ako napunta dito.
Humangin ng kaunti kaya ang mga damuhan at mga dahon ng puno ay animo'y sumasayaw dahil sa hangin.

Nagtataka ako kung bakit ako naririto at ang huling naaalala ko ay pagsabog ng branch ng kumpanya . Napatingin ako sa aking sarili at nalamang hindi na pang-opisina ang suot kong damit dahil isa na itong white dress.

Sinimulan ko ng maglakad at hinanap ang passage na kung saan lagusan palabas ng lugar na'to.

Hindi ko alam ang nangyayari dahil hindi ko mahanap ang daanan.

Nagsimula na akong mataranta at matakot.
Lumapit ako patungo sa puntod ng anak ko at uupo pa lang sana ako sa mga damuhan nang may nakita akong nakasandal sa may puno na hindi naman kalayuan sa puntod ng anak ko.

Mabilis akong lumapit nang mamukhaan ko kung sino at nalamang si Zane 'yon.

"Z-zane!" tawag ko sa kaniya, nakapikit lang siya at tila mahimbing na natutulog.

Nang makalapit na ako ay hinawakan ko ang pisngi niya upang gisingin siya, nang makita ko ang mukha niya na maaliwalas ay nagsimulang lumabo ang paningin ko.

Hindi ko rin alam kung bakit ako napapaiyak. Hindi ko siya magising kaya umupo na lang ako sa tabi niya at hinawakan ang kanang kamay niya. Ramdam ko ang init na nagmumula sa kamay niya kaya gumaan ng kaunti ang bigat sa dibdib ko, tinignan ko siya at sunod ang langit.

Kulay asul na langit ang nakikita ko ngayon, 
"I failed." I whispered, unti-unting may bumabara sa lalamunan ko.

I betrayed myself again, before I wanted to suffer him, rip and kill him for what he did to me. Hinanda ko ang lahat, may mga taong tumulong pa sa akin para mahanap ko ang bagong ako at mga paghihirap na tiniis ko.

The Revenge of a Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon