Chapter 21

8.6K 170 3
                                    

3rd Person's POV

"Lola! Aalis na po ako." paalam ng dalaga.

"Sige apo, mag-iingat ka." ngumiti na muna ang dalaga bago pumasok sa itim na fortuner.

Sinimulang pinaandar ni Sarg ang sasakyan, habang ang dalaga naman ay nakatingin lang sa bintana. Kinontak kasi sya ni William na si Sarg ang magsusundo sa kanya, kaya kahit sa maikling panahon lang ay kuntento na itong makasama ang kanyang lola.

Kinuha nya mula sa bulsa ang puting sobre na may pulang stamp.
Kitang kita ang kupas nitong kulay kaya dahan dahan nya itong binuksan, ang laman ng sobre ay may isang kulay itim na papel at isa naman ay puti. Una nyang kinuha ay ang puti at binasa ito.

Sulat ito ng kanyang lola Carla para sa kanya.

Ranewena,

Binabasa mo ito ngayon marahil sumuko ka na. Ngunit nagpapasalamat ako na may isang taong nagmahal sa nag-iisang apo ko. Ang itim na papel na kasama nito ay may nakasulat patungkol sa taong tutulong sa iyo. Ipakita mo lang sa kanya ang pulang stamp, at bibigyan ka nya ng mga bagay na gusto mong makuha. Sa bagay na ito ay dito ako makakabawi sa iyo, muli huwag mo ng itanggi hija dahil nararapat lang ito sa iyo.

-Lola Carla...

Naguluhan ang dalaga kaya dali dali nya ring kinuha ang itim na papel, ang ginamit nitong tinta ay gawa sa ginto. Sa isang pirasong papel ay katumbas na ng dalawang milliones, sa bandang itaas ng papel ay may stamp ulit na kulay pula na may design na rosas. Binasa ng dalaga ang mga nakasulat at halos napahinto ito sa kanyang nabasa.

Ibinalik nya muli ang mga papel sa sobre at binulsa ito. Desidido na itong sumama sa binata, dahil ang kanyang nabasa ay patungkol naman sa binata.

Kaya pala sya tinutulungan ng binata ay misyon nya pala ito na nanggaling sa hari na ang ama ni William, ang lolo ni Zekzek.

Sa itim na papel maliban sa pinangako nilang tutulungan nila ako ay may mga pirma sila. Pinapakitang nangangako silang tutulungan nila ako.

Huminto na ang sasakyan sa harapan ng Astro park, lumabas si Sarg upang buksan ang pinto ng sasakyan ng naunahan sya nito ng dalaga at dali daling nilapitan ang mag-ama na nakaupo sa isang bench.

"My!" Sigaw ng batang si Zekzek at dali daling tumakbo patungo sa dalaga. "Kamusta na?" lumuhod pa ang dalaga upang magkapantay sila.

"Okay lang po My!" sagot ni Zekzek, napatingin naman ang dalaga kay William. Naramdaman naman ng binata na gusto syang kausapin nito kaya inutusan nya si Sarg na bantayan muna ang bata.

Naiwan silang dalawa sa bench, kaunti lang ang mga tao kaya napagdesisyon ng dalagang dito na lang nya ito kausapin.

Una nyang ginawa ay nilabas nya ang puting sobre upang ipakita ito sa bintana. Tinignan lang ng dalaga ang reaksyon ni William tila hindi man lang ito nagulat.

"Kaano-ano ng pamilya nyo si Lola Carla?" tanong ng dalaga, kinuha muna ng binata ang sobre at kinuha ang itim na papel.

"Magkanegosyo sina Ama sa H. Empire Company, dahil narin sa magandang benepisyo na natatanggap ng hari ay nangako itong uunlad ang branch na nasa France. Pero tinanggihan ni Ms. Carla at humiling na lang, pumayag naman ang hari and the rest is history."paliwanag ng binata, kasabay nyang tinuro ang stamp.

"This is the proof the royal family stamp, rare lang na humiling sa hari. Ang iba ay naghahanap pa ng dahilan para lang makausap ang hari ng Florence, Italy. So isipin mo na lang na napakaswerte mo." dugtong ulit ng binata.

Tumango ang dalaga, malinaw na sa kanya ang lahat. "Pag nasa mansion na tayo, I will teach you of how to be an etiquette woman. For now..." may kinuhang puting folder ang binata, napakunot ang dalaga. "Huwag kang ano binigay sa akin ni Sarg to, hindi mo lang napansin."

The Revenge of a Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon