Chapter 14

11.1K 195 5
                                    

Chapter 14

Myle's POV

"Marami po talagang salamat, Mother Marissa. Hindi ko po alam kung paano ko po kayo babayarin sa mga gina---" naputol ang sasabihin ko ng hinawakan nya ang kamay ko at umiling.

"Wala ka nang dapat pang pagbayarin Hija, makita ko lang kayo masaya ay ayos na sa akin. Malaking pagsasalamat ko sa Diyos na naging parte ka sa Mary Haven Orphanage." nakangiting sabi sa akin ni Mother Marissa.

Bago ako lumabas sa kanyang opisina ay niyakap ko sya muli at nagpasalamat. Nang isinarado ko na ang pinto, ang ngiting nakapaskil sa aking labi ay unti unting nawala. Hindi ko alam kung bakit lagi na lang ako umiiyak, na para bang mayroon pang sakit na nakatago sa dibdib ko na hindi ko pa kayang ilabas.

Ganito pala ang pakiramdam ng mga taong nagiging peke sa pisikal na kaanyuan- nagkukunwaring masaya para lang maiparamdam sa iba, na para bang isang basong tubig na iniinom ng mga taong nauuhaw para maibigay ang pangangailangan nila.

Pero sa bawat tawa at ngiti na ipinapakita ay sa loob looban naman ay hindi na kasing liwanag ng ngiti na ipinapakita, hindi na kasing makulay ng saya na pinaparamdam dahil kung ipapaliwanag mo sa taong bulag ang sakit at lungkot ay blanko, itim-WALA.

Walang sino man ang may nakakaalam sa mga nakakaranas ng ganyan. Kung tutuusin ay nangangailangan sila ng tulong ng iba na kagaya ng pagtulong nila sa kanila, na para bang sa isang basong tubig na hindi namalayan ng umiinom ay unti-unting nababawasan, nauubos- nawawala na ang tubig.

In short, binibigyan mo sila ng panandaliang saya at tuwa, tinutulungan mo ang iba pero pag para naman sayo ay wala dahil walang nakakaalam ng ibang tao ang tunay na nararamdaman/nararanasan mo.

Napatingin na lang ako sa kisame para pigilan ang mga pagtulo ng luha ko. Ayokong ipakita sa kanila na nahihirapan ako, lalong lalo na kay Zekzek.

Para sa akin si Zekzek ay iba sa mga bata. Kung susuriin sya ang pinakabata sa Mary Haven Orphanage dahil sya ay anim na taong gulang pa lang at ang pinagkaibahan nya sa mga batang nasa ampunan ay ang pagbisita ng tatay nya.

Base sa kinuwento ni Sasha ay galing sa maharlika na pamilya si Zekzek. Sa una ay nagtataka ako kung bakit nandito sya sa bahay ampunan. Tanging si Mother Marissa tsaka si Sasha lang ang nakakaalam ng dahilan kung bakit nandirito si Zekzek. Kahit nga tunay na pangalan ng bata ay hindi ko rin alam.

Sinimulan ko na ang paglakad, mula sa hindi kalayuan ay narinig ko ang pagsigaw ni Zekzek kaya dali dali akong tumakbo patungo sa kusina.

"Ang titigas talaga ng ulo nyo huh! Sabing bumalik na kayo sa mga kwarto nyo bago pa malaman 'to ni Apo Marissa."

Nagulat na lang ako sa aking nasaksihan,

"Iyang bata kasi yan kinuha yung pagkain ko! Aba akala nya siguro hindi ko nakita yung pagkuha ng fried chicken ko!" sigaw ng bata na mas matangkad pa kay Zekzek.
Teka? Nasan sya?!

"H-hindi! Nasaan po si My! Hindi totoo sinasabi ni kuya Dob." Napatingin agad ako sa batang nakaupo sa sahig nasa likod sya ni Sasha. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang basa nyang t-shirt at may sugat ito sa kamay.

Wala sa oras na pumasok ako sa kusina at dali daling pumunta kay Zekzek at binuhat ito, hindi ko na pinansin pa ang basa nitong damit.

"Anong nangyayari dito Sasha?" tanong ko, pagkatapos ay umalis na ang mga bata at naiwan na lang kaming tatlo na nasa kusina.

Napasapo na lang ito ng noo sabay sabing 'mga bata nga naman.' Ibinaba ko si Zekzek sa lamesa.

"Sandali lang tatawagin ko si Manang Pine para linisin ang mga kalat, kukunin ko lang yung first aid kit." Hindi ko na pinansin pa ang sinabi ni Sasha dahil nasa nakaatensyon parin ako kay Zekzek.
Pinunasan ko ang basa syang pisngi galit ang palad ko, umiiyak ito siguro sa sugat na kanyang natamo.

"Shhh~ nandito na si My," gamit ang isa nyang kamay na walang sugat ay niyakap nya ako. Hindi ko alam pero parang biglang may kumirot sa puso ko,

" Huwag ka ng umiyak, bukas na bukas nandito na Daddy mo." I smiled

Sinabi rin yan sa akin ni Mother Marissa, Dadalaw sa Orphanage si Mr. De Vincire at heto ang unang pagkakataon na AKO mismo ang magiging guardian ni Zekzek kasama si Mr. De Vincire, nakapagtataka naman bakit ako ang napili nyang magbantay kay Zekzek eh madalas laging si Mother Marissa ang nagiging guardian sa tuwing bumibisita ang tatay ni Zekzek.

Hindi pa nagtagal ay dumating na si Sasha dala dala na ang kit para sa sugat ng bata. Napagdesisyon kong ako na ang gagamot sa sugat nya dahil nakita kong tila nahihirapan si Sasha kay Zekzek.

"Bakit ba ayaw mo kay ate Sasha mo?" tanong ko ng umalis muli si Sasha paniguradong kakausapin nito ang mga bata.

Napansin ko rin kasi na iba ang pakikitungo nya sa ibang mga nagtatrabaho dito sa Orphanage. "Ayaw kay ate Sasha, Gusto ko ikaw My." He said na dahilan ng pag-iling ko.

Halatang may pagkafavouritism itong batang ito.

"Zekzek, bad ang ganyan dapat love mo sila tulad ni Ate Sasha mo at si Apo Marissa." I said he just pout his lips so I continued.

"Akala ko ba good boy ka? Gusto mo bang hindi ka na bibigyan ni ate Sasha ng cookies? Hindi ka na papayagan pang magplay ni Apo Marissa? At hindi mo narin ako makikita gusto mo ba yun?" pananakot ko sa kanya, he needs to be friendly with others. I want him not to depend in one person gusto ko syang makitang may kaibigang nakikipaglaro sa kanya. Kagaya lang ng kanina naghahabulan ito sa akin, dahil wala itong kalaro.

Nakita kong napayuko ito kaya niyakap ko na lang ang bata. Ang bata bata pa lang nya yet he experienced to be an introvert paano pa kaya pagmalaki na sya?

"I'm sorry My, good boy po ako." he whispered na halatang iiyak na naman ito.
Natapos ko ng linisin ang sugat nya kaya nilagyan ko na ito ng band-aid.

Hinatid ko na sya sa kanyang kwarto at ang suot nyang basa ay pinalitan ko na ring pajamas. Inutusan ko syang magtoothbrush habang ako naman ay inaayos na ang kanyang kama.

Hindi nagtagal ay dumating na ito sa kwarto at humiga na sa kama. "Bakit antagal mo?" nagtatakang tanong ko tsaka ko sinindi ang aircon sa kwarto nya.

"P-pumunta ako kay Kuya dob at nagsorry po ako sa kanya."

"And?"

"At nagsorry rin po sya, sabi ko pwede kami maging magkaibigan." sa boses pa lang nya may mahahalata mo na sorang saya nya.
Lumapit ako sa kama nya at kinumutan sya.

"Before I saw a picture in my daddy's wallet." nagulat ako sa sinabi nya, marunong pala sya mag-english?

Hindi pa ako nakakarecover ng nagsalita ulit ito.

"My daddy said she is my mommy, kahit hindi ko pa po sya nakikita base sa pagdedescribe sa akin ni dad ay she is awesome and beautiful wife. But she passed away because of heart attacked while giving birth of me." Mahabang paliwanag nya.

So that's why his father put him here?

"My? I see you as my mommy and I felt like my mom still alive at inaalagaan ako."

And that's why he treated me like that--- he want his mother's love. Pero hindi na pwedeng mangyari iyon dahil patay na ang mama nya. Hinalikan ko sya sa noo pagkatapos ay sinabi ko na ring goodnight.

Iniwan kong naka-on ang maliit na lampara na ang desenyo ay nemo kaya makikitang dim lang ang ilaw. Bago ko sinarado ang pintuan nya ay nakapikit na ito.

That child is a special--- at the young age, kahit alam na nya ang nangyari sa magulang nya yet he still here is facing and fighting the it's so called LIFE.

Napagdesisyon ko ng pumunta sa aking kwarto upang harapin ko naman ang AKIN.

The Revenge of a Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon