Chapter 15 (Part 2)

9.8K 191 0
                                    

Chapter 15

3rd Person's POV

Masayang naglalaro sa damuhan ang batang lalake hawak hawak nito ang kotse-kotsehan, isa sa mga dalang laruan ng kanyang ama. Sa kabilang banda naman sina Myle at William ay nakaupo sa isa sa mga bench. Nagbukas ng mayonnaise ang dalaga at ipinalamanan ito sa tinapay naghahanda na ito ng kanilang memeryendahin habang si William naman ay umiinom lang ng juice.

"Kamusta si Kenzeke dito habang wala ako?" napatigil ang dalaga sa kanyang ginagawa ng nagtanong ang lalakeng kaharap nya.

"Ayos lang po, pero lagi nya rin po kayong hinahanap sa tuwing nalulungkot sya." sagot ng dalaga at itinuloy ang pagpapalaman nito ng mga tinapay, hindi nakatakas sa kanya ang pagbuntong hininga ni William.

"I'm awful, I can't do anything for my son." he whispered, He wants to be with his son but the responsibilities are like sacks in his shoulders. Itinigil muna ni Myle ang kanyang ginagawa at umupo dahilan upang magkaharapan silang dalawa.

"Mabuting bata si Zekzek, makulit pero natural na iyon. Sa kanyang edad ay alam kong napakaimposible pero maiintindihan nya rin ang sitwasyon mo." sabi ng dalaga. Napailing na lang ang binata sa kanyang narinig.

"I will tell you my secret but you must keep it." seryosong sabi ng binata na ikinataka ng dalaga dahil base sa tono nito ay halatang may mangyayaring masama sa kanya pag may ibang nakaalam tungkol sa sasabihin ng binata.

"I know I can trust you it's not of what Mother Marissa said, and I can assured that because before na pumayag akong maging guardian ka ng anak ko, I investigated about your history Ms. Dayrit or should I call Mrs. Harrison." halos nabingi ang dalaga sa kanyang narinig. This time bumalik na naman ang kanyang naramdamang bigat sa kanyang dibdib.

"S-sino ka?" kahit nahihirapan na itong magsalita ay nagawa nya paring tanungin ang lalakeng kaharap nya, na sa tingin nya ito ang magiging susi upang malaman ang pagkatao nya.

Kahit naguguluhan ay gusto nyang tanungin ito tungkol sa mga nalalaman ng binata.

"William De Vincire III, the last Italian Duke of Florence, Italy. The last member of De Vincire family to rule. I have many connections Ms. Dayrit and the reason why I put Kenzeke in this orphanage because of his own safety."

"And there's more Ms. Dayrit..." hindi ito itinuloy ng binata ang kanyang sasabihin ng tumingin ito mismo sa mga mata ng dalaga.

" Because of the power, responsibilities, and the will from Queen Riáne who died 5 years ago which is my mother. And so the other relatives wanted to terminated me and my son, they become desperate para lang makuha nila ang gusto nila."

"Nagpanggap akong bulag, at nagpanggap na para bang hangin habang unti unti nilang kinukuha sa akin ang kapangyarihan na ipinamana sa akin." pagkatapos nito'y kumuha sya ng isang slice ng tinapay at kinain nito na para bang wala itong sinabi.
Sa kabilang banda naman, ang dalaga ay para bang natakot na sa kanyang kaharapan.

Na para bang apoy na dapat nyang hindi lapitan dahil napakadelikado---sobrang delikado.

Tumingin muli ang binata sa kanya at ngumiti dahilan na lumabas ang dalawang malalalim nitong dimples.

"Huwag kang kabahan Ms. Dayrit, dahil buhay mo ang magiging kapalit dito once you do something against the Duke infront of yoy." sa narinig ng dalaga ay tila kinabahan na ito dahil buhay na nya ang pinag-uusapan.

Napakurap ng dalawang beses ang dalaga, hindi nya alam kung bakit sya napunta sa ganitong sitwasyon at kaya ganun pala ang rason kung bakit tanging si Mother Marissa lang ang nakakaalam sa ama ng batang inaalagaan nya. Ganun pala makapangyarihan ang taong kaharap nya na sa tingin nyang inutusan nito si Mother Marissa upang gawing pribado ang bahay-ampunan.

"A-at bakit mo sinasabi ito Mr. De Vincire?" Kinakabahang tanong ng dalaga kay William.
Nilunok muna ng binata ang kanyang natitirang pagkain bago sumagot. "Well I just decided that iuuwi ko si Kenzeke---."

"At isasama na rin kita, tutal alam mo narin ang sikreto ko. " ngiting sabi nito.

"A-ano?!" Nabiglang tanong ng dalaga. Hindi sya makapaniwala sa sinabi sa kanya ng binata. Kahit makapangyarihan ito ay hindi sya papayag sa anumang sasabihin nito.

"I'm not done yet, So I'll make a deal."

"You will help me, and I will help you too."

Kung ganon hindi kayang iwan ng dalaga ang bahay ampunan, dahil napalapit na sa kanya ang Mary Heaven's Orphanage.

"H-hindi ba masyado pang maaga?" She asked, para sa kanya ang pagiging guardian palang ng anak ng isang duke ay napakalaking responsibilidad na pala ang kanyang gagawin. Paano pa kaya kung pati mismong Duke ang dadagdag sa responsibilidad nya, Isang maharlikang tao na kaya kang tapusin sa isang pitik nya lang.

"Walang maaga para sa mga taong unti unti na nilang kinukuha ang kapangyarihan. " malamig na sagot ng binata.

"I will give you 5 days para makapag-ayos ka at makapagpaalam sa mga kaibigan mo, at sa pagdating ng limang araw kukunin ko na kayo ng anak ko."

Hindi na nakasagot pa ang dalaga dahil lumapit si Zekzek sa kanila, bumalik ang kanina nilang ginagawa. Ang binata ay nagkunwaring bulag habang ang dalaga ay hindi na kaya pang magpalaman ng tinapay dahil sa nangyari kani-kanina lang.








The Revenge of a Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon