Chapter 35

6.6K 141 3
                                    

3rd Person's POV

Tinitigan muli ni Buenett ang litrato bago sya tumingin ulit sa litrato ni Ranewena.

"Doc, sigurado na po kayong sya ang babaeng dinala sa hospital na'to 3 years ago?" tanong ni Buenett, nasa opisina sila ngayon kasama ang doctora at si Zane. Habang si Zane naman ay kanina pa hindi mapakali pagkatapos basahin ang medical record ng dalaga, hindi na nya nakayanan pa at tumayo na ito sa kanyang kinauupuan at mabilis na lumabas sa opisina.

Sa bawat malalaking hakbang ay ang pagbilis ng tibok ng puso nya, he knew.

Pagkatapos nyang umalis sa kumpanya ay napagdesisyon na lang nya na magpokus sa paghahanap ng asawa nya, kinabukasan ay bumalik ulit sila sa Mary Haven Orphanage at sa bayan. Hindi sya interesadong pumunta sa event kung saan makikilala na ang bagong nagmamay-ari ng kumpanya nya, kahit wala na ang kumpanya ay meron pa syang naitabing pera na sasakto lang sa gastusin at pangangailangan nya.

Nang makarating na sya sa parking lot at ay malakas nyang sinuntok ang pader.

Miscarriage...

'She survived the operation and the baby in her womb... I'm sorry hindi na namin nagawa pang-iligtas ang batang dinadala nya.'

"Arrghh!" tila record na paulit-ulit na nagplaplay sa kanyang utak ang sinabi ng doktora sa kanila. Tuloy lang sya sa pagsusuntok sa pader hanggang sa hindi nya namalayang inaawat na pala sya ni Buenett.

Sumigaw ng malakas si Zane, dahil sa oras na yun ay tanging iyon lamang ang magagawa nya para kahit papaano ay mawala ang bigat na nararamdaman nya.

Tumingin sa paligid si Buenett at sa pasasalamat nya ay walang kahit sinong tao na nasa kinaroroonan nila.
Malalim na ang gabi at heto sila nasa hospital, sinundan nila ang mga nakuha nilang impormasyon at iisa lang ang nabubuo nilang konklusyon.

Ang Myle Dayrit at si Ranewena Asriell-Harrison ay iisa.

"Zane, umalis na tayo dito." tanging nasabi na lang ni Buenett sa binata, umiling ng umiling si Zane.

"Ano pa ba ang gagawin ko Buenett?" nakayuko ito kaya hindi alam ni Buenett kung anong reaksyon ng binata. Napakamot na lang ng batok ang binata at aakmang sasagot ng biglang tumunog ang cellphone ni Zane.

Tumayo ang binata at kinuha ang cellphone na nasa kanyang bulsa at nalamang si Clyde, ang dating sekretarya nya ang tumatawag pero bakit?

Pinindot na nya ang answer button at itinapat na sa kanyang tenga.

"Clyde."

"Mr. Harrison, your wife... Mrs. Ranewena Harrison."

Napahigpit ang hawak ni Zane sa telepono ng marinig nya ang pangalan ng kanyang asawa.

"Mr. Harrison, she is the new C.E.O and the new owner of H.E Company." dagdag ni Clyde, sa narinig nya ay tila naistatwa ito sa kanyang kinatatayuan.

Napansin ni Buenett ang pagkabigla ni Zane kaya napakunot na ito. Nagulat na lang sya na mabilis itong kumaripas ng takbo papunta sa kotse at mabilis na pumasok sa driver's seat.

Sinimulang paandarin ni Zane ang sasakyan kaya mabilis ring sumakay si Buenett dahil ayaw nyang maiwan dito sa parking lot.

Mabilis na pinaandar ni Zane ang sasakyan, sa daan bawat kotse na nadadaanan ay nilalampasan nila ito.

"Anong balak mo?! Ayoko pang mamatay Zane!" sigaw ni Buenett, kakatapos nya lang ayusin ang kanyang seat belt.

"Shut up, we're going to my wife's party." matigas na tonong sabi ng binata.

The Revenge of a Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon