Chapter 10

11.6K 219 2
                                    

Pagod na lumabas ang binata mula sa sasakyan nito dala dala ang suitcase na naglalaman ng mga dokumento na patungkol sa kumpanya na pinagtatrabahunan nya. Pagkapasok nya sa kanyang bahay ay bumungad sa kanya ang kanyang asawa habang ang kanilang anak naman nila'y nasa loob ng crib.

"How was your day, hon?" Jherica asked after she kissed her husband's cheek.

"Same as always." He said tsaka lumapit ito sa crib.

"How's my big boy?" Sean asked

Napatawa na lang si Jhe sa kanyang nasaksihan, "Alam mo ba yang baby henz natin ay tumawa lang kanina? It was his first smile." She said while smiling dahil inaalala nya ang itsura ni baby henz habang nakangiti.

"Aww, bakit mas gusto mo pa si mommy kesa kay handsome daddy huh? Huh?" Nagkukunwari pa ito na nagtatampo habang si baby henz naman ay nakatingin lang sa kanya na para bang wala lang.

Napatawa na lang si jhe tsaka napailing, lumapit ito kay Sean tsaka niyakap nya ito sa bewang.

"Kamusta na si Newena?" Tanong ni Sean, para narin kasi nya itong kapatid kaya nag-aalala rin ito sa nangyayari kay Newena.

"Balak ko sanang pumasyal sa hospital, alam kong namimiss na nya ako ahaha." May halong birong sabi ng dalaga na halata namab kay Sean na peke lang ang pinapakitang ngiti ni Jhe.

Kung kilala nya lang talaga ang lalakeng napangasawa ni Newena ay paniguradong hindi lang bugbog ang matatamo nya.

.........
Sa kabilang banda naman ay....

"Ayaw mo ba talaga tawagin si Ms. Jherica? Baka kasi mag-alala yun sayo." nag-aalalang tanong ni Marie. Napailing na lang si Newena tsaka inayos ang kanyang buhok, nakabihis na ito at balak na nyang umuwi sa kanyang bahay. Matagal-tagal narin syang hindi nakakauwi at dahil para sa kanya ay maayos na ang kanyang kalagayan kaya okay na syang umuwi.

"Sabi ko naman sayong huwag na, nagiging abala na ako sa kanila. May kanya-kanya tayong buhay Marie kaya ako? Gusto ko ng umuwi dahil nakakasawa narin dito sa hospital." nasabi na lang ng dalaga pagkatapos nito ay dinala na nya ang backpack nitong naglalaman ng mga damit nya.

Sa huli ay nagyakapan ang dalawa, malungkot na niyakap ni Newena si Marie dahil kahit papaano sa maikling panahon ay naging mabuting kaibigan ito sa kanya.
"Magkikita pa tayo diba?" tanong ni Marie

Bago lumabas sa pintuan ay napangiti ang dalaga tsaka tumango.

"Oo naman Marie," she replied

Bago lumabas ng hospital si Newena ay pumunta na muna ito kay Dr. Hyna upang magpakunsulta tungkol sa pagbubuntis nya, kasama narin ang kakailanganin nyang mga bitamina.

"Gusto mo bang malaman kung anong gender ng baby mo Ms. Ranewena?" tanong ni Dr. Hyna.

Mahigit tatlong buwan narin ang pagdadalang tao nya kaya hindi na nagdalawa pang-isip na sumang-ayon ito kay Doktora.

"Halika ipapakilala kita kay Mrs. Dela paz, sya ang OB gene ng hospital na ito."  Lumabas sila sa opisina ni Dr. Hyna at ilan pang sandali ay nakarating din sila sa opisina ni Mrs. Dela paz.

Ranewena's POV

Kumatok na muna si Doktora bago kami pumasok, bumungad sa amin ang isang simpleng opisina na may mga chart at posters about sa mga buntis na nakadikit sa mga pader at sa bandang sulok nito ay may nakatakip na kurtina.

"Well hello Dr. Hyna,."
narinig kong sabi ni Mrs. Dela paz, habang ako naman ay abala sa pagtingin ng mga posters tungkol sa pagbubuntis.

"Mrs. Dela paz this is my patient, Ranewena this is Mrs. Dela paz. She will help you para malaman mo ang gender ng baby mo."

"Oh nice to meet you Ms. Ranewena, excited ka na bang malaman kung anong gender ng baby mo?" Tanong ni Mrs. Dela paz sa akin, ngumiti na ako tsaka sinabing oo.

Ginabayan nya ako at pumunta kami sa kung  saan may nakatakip na kurtina. Hinawi nya ito at bumungad sa amin ang isang hospital bed at sa tabi nito ay may isang monitor na para bang t.v nakakonekta ito sa puting makina.. May mga cabinet din sa tabi.

"Humiga ka dito hija," sabi sa akin ni Mrs. Dela paz at habang si Dr. Hyna naman ay may pinindot sa may monitor.

Nakita ko si Mrs. Dela paz na nagsuot ng gloves at may kinalkal sa cabinet.

"Don't be tense Ms. Newena, ganyan nakakasama yan sa baby bahala ka." sabi sa akin ni Dr. Hyna.

Hindi nagtagal ay ano ano na lang ang pinag gagawa ni Mrs. Dela paz, may inilagay sya sa aking tyan na para bang petroleum tsaka may itinapat na bagay sa aking tyan.

Napapikit ako ng may naramdaman akong konting kirot. Heto ba yung sinasabi ni Doktora? Hindi ko kasi maiwasang kabahan dahil unang encounter ko ito.

"Ms. Ranewena..." I heard Mrs. Dela paz voice.

I slowly opened my eyes at bumungad sa akin ang mga mukha nila na nakangiti at nakatingin sa bandang tagiliran ko sa may side ng cabinet. Napakunot naman ako dahil bakit sila doon nakatingin kaya tumingin na ako.

Nakatingin ako sa malaking monitor kung saan nakikita ko ang laman ng tyan ko.

"This is your baby," turo ni Mrs. Dela paz sa maliit na hindi ko maipaliwanag.

I don't know what to react by then...

After what I saw.

"My baby..."

"Your baby is beautiful, Ms. Ranewena. " narinig kong sabi ni Dr. Hyna.

"Yup at base sa nakikita natin ay Ms. Ranewena, congratulations you have a baby girl." Masayang sabi sa akin ni Mrs. Dela paz.

Hindi ko sila napansin dahil nakatingin parin ako sa monitor.

So eto pala yung mga nararamdaman ng mga ina kapag nakikita nila ang mga anak nila, kahit sa ultrasound lang.

It feels like... heaven, na hindi mo talaga maipaliwanag ang saya na nararamdaman mo.

Heto rin kaya ang naramdaman ni Zane ng malaman nyang may anak na sila ng babae nya?

'How I wish na makita mo ito Zane... I wish...'

The Revenge of a Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon