Chapter 34

6.6K 117 13
                                    

3rd Person's POV

Sinimulan ng ayusin ni Ranewena ang mga bagay na dapat ng ayusin. Pati narin ang mga dokumento na inilagay n'ya sa lamesita. Konti lang naman ang kanyang ginawa dahil narin siguro may maid service ang condominium.

Sa kagitnaan ng kanyang pag-aarange ng mga papel ay nakaramdam ito ng uhaw. Pumasok sya sa maliit na kusina at lumapit sa mini ref.

Pagkabukas nya ay tanging isang pitsel ang bumungad sa kanya. Napailing na lang si Ranewena, walang stock na pagkain pero may nakikita naman syang mga plato at iba pang kagamitan sa kusina.

Uminom na muna ito bago pumunta sa kwarto para magpalit ng damit, nagsuot na lang ito ng white t-shirt at black leggings tinernuhan nya pa ng rubber shoes.

Hindi na nya isinuot ang kanyang wig at hinayaang nakalugay ang kanyang mahabang buhok. Nagpulbos lang ito sa mukha at bago umalis ay kinuha na ang shades at wallet nito.

Hindi na sya nag-abala pang dalhin ang susi dahil nakita nyang may fingerprint sensor ang condo.

Balak nyang bumili ng stocks at mga gamit na kakailanganin nya. Tumunog na ang elevator senyales na nasa ground floor na ito, lumakad na ito palabas ng condominium at bumungad sa kanya ang init ng araw.

Isinuot na nya ang kanyang shades at naghanap ng taxi na masasakyan. Hindi naman nagtagal ay may nakita at sinabi ang lugar kung nasan ang supermarket.

Hindi gaya sa Pampanga, dito ay pamilyar sa kanya ang lugar. Napakuyom ang dalaga ng malamang tinatahak ng taxi ang lugar kung saan sya dati nakatira.

Nakatira kung saan pilit na nyang kinakalimutan.

Kung saan ang madilim na nangyari na kahit anong gawin nya ay hinding hindi na maibabalik pa ang buhay na nawala na.

Pumikit na lang ang dalaga at hindi na tumingin sa bintana ng sasakyan, napakagat na lang ito ng labi.

"Ma'am, nandito na po tayo." sabi sa kanya ng driver, inabot na ng dalaga ang kanyang bayad at lumabas na sa sasakyan.

Ang supermarket na dating pinupuntahan nya noon ay ngayon nandito parin, maraming nagbago maliban na lang sa kupas nitong mga pintura.

Pumasok na sya sa loob at maraming taong nakapila sa cashier na may dala dalang basket.

Kumuha na sya ng push cart at pumunta na sa mga delata and meat section. Bumili narin sya ng mga instant noodles at ilang chips dagdagan pa ang ilang box ng sneakers.

Habang kumukuha sya ng coffeemate ay may tumabi sa kanya at kumuha rin ng Bear brand.

"Mom, I don't want milk! I'm a big boy now!"

"Henzy, how many times do I have to tell you that milk is important in our body ~"

Muntik ng mabitawan ni Ranewena ang hawak nyang coffeemate na may narinig syang pamilyar na boses.

"Mommy~ I want a candy~"

"No henz, and that's final."

Pasimpleng tumingin si Newena sa mag-ina.

Nakasakay sa push cart ang anak nitong nakasimangot habang ang nanay naman ay abala sa pagkuha ng gatas.

Nakashades naman ang dalaga kaya hindi pansin ng mag-ina na may tumitingin sa kanila.

Hindi na mapigilang lumapit si Newena sa batang nakabusangot.

"Hello baby henz~" nakangiting wika ni Newena. Nagtatakang tumingin naman ang bata.

"Sino ka?" napadako si Newena sa babaeng nagsalita.

Nakakunot ang noo at sinuri ang babaeng kumausap sa kanyang anak.

The Revenge of a Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon