Chapter 32

6.9K 138 7
                                    

Pabagsak na humiga ang binata sa sofa ng kanyang opisina. Hindi nya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman pero para sa kanya na may tatlo: lungkot, pagsisisi pero ang mas nangingibabaw ay ang galit.

Ilang araw na syang nakauwi mula sa tagaytay kasama ang kasamahan nito na si Buenett. Ang mga nakuha nilang impormasyon ay iisa lang ang itinuturo, at iisa lang din ang bumubuong konklusyon sa kanilang isipan.

Mas lalong dumagdag ang kanyang pinoproblema ng malamang may bumili na sa ilang shares ng kanyang kumpanya, inutusan nya pa ang kanyang sekretarya upang alamin kung sino ang nais kunin sa kanya ang kanyang kumpanya.

Ngunit sa kasamaang palad ay walang sino man ang nakakaalam kung sino ang taong iyon.

Para naman sa binata ay hindi na alam ang kanyang gagawin, kung ang nawawalang asawa o ang kanyang kumpanya ang uunahin.

Sa kakaisip ng binata ay hindi nya namalayang may pumasok sa kanyang opisina.

"Zane," binalewala sya ng binata, kaya lumapit sya sa table at kinuha ang vase itinapon ng dalaga ang vase sa pader.

"For the f*ck sake! Where is Monica?" bumangon na ang binata at inayos ang kanyang sarili bago nagsalita.

"What do you care?" pabalik na tanong nito kay Cheska. Galit na napasigaw ang dalaga, napatingin sa kanya ang binata at napataas ng kilay.

Mula sa suot nitong dress ay may nakita syang benda sa kaliwang hita nito. Hindi na sya nag-atubili pang tanungin tungkol dun,

"I care because she's my daughter," sagot naman ni Cheska.

"Oh yeah, daughter." sarkastikong sabi ng binata. Umupo na sya sa kanyang swivel chair at kumuha ng file.

"Leave." dagdag ng binata, sa sitwasyon ngayon ay makakabuting mag-isa na muna sya. Ayaw nyang makita ang babaeng nakatayo sa kanyang harapan.

"But Zan---"

"I said leave or I'll sue you!" tumaas na ang boses ng binata. Mas lalo lang sya magagalit na ang resulta ay hindi na nya alam pa ang gagawin.

"Sue? Me? What the heck Zane I have the rights to see my daughter, where is she?!" napailing na lang si Zane at pinindot ang telecom na konektado sa kanyang sekretarya.

"Paalisin mo dito si Cheska, if necessary huwag mo na syang papayagang papasukin ulit sa opisina ko."

"Yes sir." ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto at lumuwa nun ay si Clyde kasama ang isang bodyguard.

"Why're you holding me?! Get off your filthy hands on me! Zane! I said get the fuck!" sumenyas si Zane na umalis na sila kaya tumango ang kanyang sekretarya at lumabas na kasama ang bodyguard na hawak hawak sa braso ang galit na dalaga.

Sa pagkakaalam ng binata ay maayos na ang kundisyon ng bata, ngayon ay nasa pangangalaga ng kapatid ng kanyang sekretarya.
Pinagkakatiwalaan nya si Clyde kaya sya ang in-assign na bantayan na muna ang bata. Hindi sya nagdalawang isip na ang kapatid na muna ang mag-alaga sa bata dahil babae rin ito at dagdagan pang guro ito sa kindergarden.

Nagbeep ang telecom at sunod nun ay  narinig nya ang boses ni Clyde.

"Umalis na po si Ma'am Cheska, and siré?"

"What?" tanong ng binata.

"Mrs. Piral reported that someone steals 23 million pesos, by the records there is no trace and also the head of directors wanted a meeting sir."

Napapikit na lang ang binata, sa kanyang narinig ay tila nasakluban ito ng lupa.

"Fix the schedule then..."

Binitawan ng binata ang hawak nitong papel at napahilot na lang ng sentido. Iniisip nyang katapusan na nya ito, maraming problemang dumadagdag sa kanya.

At base sa kanyang sitwasyon, now he's hopeless and soon the title of CEO will be erase under his name.

Minulat nya ang mga mata nya at napadako ang tingin nya sa brown envelope. Napapikit na lang sya muli at ilang saglit pa ay ipinagpatuloy na lang nya ang trabaho nya.

************
"Ma'am? Ano pong ginagawa nyo?" tanong ng mayodorma na si Verne kay Ranewena. Ibinaba na muna ng dalaga ang hawak nitong plato at baso sa bandang gilid ng pintuan ni Andy.

"Hindi pa sya lumalabas sa kwarto nya simula nung nangyari kagabi, Verne alam kong galit sya sa akin pero huwag naman syang magpakamatay sa gutom. Tawag ako ng tawag sa kwarto nya pero hindi nya parin ako pinapansin." rason ng dalaga, lumapit si Verne at kinuha ang plato at baso sa sahig tsaka nagsalita.

"Ma'am, wala po kayong mag-alala magiging maayos rin ang lahat. Umalis si Princess Andy kanina pang umaga, narinig ko po kasing may aasikasuhin sya tungkol sa boutique nya. Bago sya umalis ay kumain na muna sya kaya huwag na po kayo mag-alala uuwi rin po sya mamayang gabi." mahabang sabi sa kanya ni Verna na halos ikinatulala ni Ranewena.

Kung tutuusin ay kanina pa sya naghihintay sa pintuan na yun, napatango na lang ang dalaga at iniwan na sya ni Verne.

Naglakad si Newena patungo sa kanyang silid, umupo na sya sa kanyang kama at napatingin sya sa tabi ng lampshade nya.

Yun ay ang folder na ibinigay sa kanya ni William kagabi, hindi nya pa nababasa ang laman nun at pinayuhan rin sya ni William na dapat may alam na syang background patungkol sa H.E Company.

Kinuha nya ito at binuksan na ang folder.

Ang unang bumungad sa kanya ay ang pangalan ng kumpanya at ang current CEO nito, may kasama pang picture ng binata kaya sinuri nya iyon. Napailing na lang ang dalaga at nilipat ang pahina, ang nabasa nya naman ay ang mga list ng investors, employers at ang mga pangalan ng head of directors ng kumpanya. Halos nagulat pa ang dalaga ng malamang nagtatrabaho sa kumpanya si Sean--- ang asawa ng kaibigan nya na si Jherica.

Nalungkot ang dalaga ng malamang ang kaibigan nya ay isa sa nakasaksi kung gaano sya kamiserable noon, iyon ang huli nilang pagkikita kaya sobra nyang namiss ang babaeng iyon.

May nakita rin syang ilang charts patungkol sa rates and investment ng kumpanya at base sa dalaga ay ang resulta noon ay maayos pa ang takbo ng kumpanya pero ngayon ano na ang nangyari?

Inilipat ng dalaga ang pahina at ang sunod na nabasa nya ay halos ikinabigla nya at napatawa na lang sya ng mahina. Nalaman na nya kung sino ang nagnanakaw ng pera sa H.E Company at kung gaano kaliit ang mundo para sa kanya.

Tuloy lang sa pagtawa ang dalaga, napapatawa ito dahil sa kanyang iniisip.

'Ano kayang magiging reaksyon nila pag nalaman nila ang tungkol dito?'

Ilang saglit pa ay huminto na ito sa kakatawa at muli ay nagbasa.

Sa huling pahina ay ang letter upang maging CEO ang dalaga. May tatlong pirma na at isa na dun si William.

May apat pang nakablangko at isa na dun ang kay Zane. Paniguradong malulugi ang kumpanya kung hindi pa nila papalitan ang namumuno nito, at pag sya ang naging bagong CEO ng kumpanya ay maraming benepisyong matatangap ang H.E Company. 

Napahawak na lang ng ulo ang dalaga dahil sa sobrang dami nyang gagawin.
Nag-isip rin sya ng plano tungkol sa pagkikita nilang dalawa.

Napatingin sya sa wig na nakadisplay sa tabi ng mirror cabinet nya. Ang wig na iyon ay ang sinuot nya nung umalis sya kasama si Zekzek.

May biglang pumasok sa isipan nya at napangisi na lang. Kahit apat na araw na lang ay hindi nya mapigilang maexcite sa mangyayari.

Maliban sa mga kasambahay at si Verne ay sya na lang mag-isa na naroroon sa mansyon, wala sina William dahil nalaman nyang nauna na pala itong pumunta sa france kasama si Zekzek. Hindi man nya nagawang magpaalam kay Zekzek at kay William dahil madaling araw pa lang ay umalis na sila.

Sa pagbabasa nya ay hindi nya namalayang mag-aalas tres na ng hapon. Naisip nya na rin kung umalis na sina William ay bakit pa sya naririto? Kaya napagdesisyon nyang ayusin na nya ang mga gamit nya, at ilang araw na lang ay pwede na syang umalis.

Ang tanging hindi nya pa nagagawa ay ang ayusin ang problema nilang dalawa ni Andy, at ngayon ay kakausapin na nya ito mamayang gabi.

The Revenge of a Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon