Chapter 6

10.8K 209 0
                                    

Newena's POV

Tumingin ulit ako sa salamin bago lumabas sa aking kwarto. It's been a month since may nangyari sa amin ni Zane kaya ngayon ay may nararamdaman narin akong sintomas. Sa loob ng isang buwan ay wala paring nagbago sa pakikitungo sa akin ni Zane maliban na lang sa pagiging tahimik nito nakasanayan ko na kasing lagi nya akong sinisigawan pag nagkikita kami or may ginagawa akong mali  na hindi nya nagugustuhan. Dala dala ko ang wallet ko balak ko sanang pumuntang grocery store dahil paubos narin yung stocks na nasa ref kaya kailangan talaga.

Susubukan ko ng ulit baguhin ang sarili ko dahil siguro tama na...

Hindi na ako nag-atubilin pang sumilip sa kwarto nya at dumeretso na lang pababa papunta sa pintuan.
Napadaan ako sa sala which is nakita ko syang nanonood ng t.v.
Nakita ko pang tumingin ito sa akin pero mabilis ko rin namang iniwasan. Bubuksan ko na sana ang pinto ng nagsalita sya.

"Where are you going?" He asked while staring at me which is odd.

"Bibili ako ng grocery." Hindi ko na sya hinintay pang sumagot dahil umalis na kaagad ako. Wala na akong rason para magtagal at kausapin lang sya dahil baka matagalan pa ako.

Buti naman at may dumaan na taxi kaya agad ako nagpahatid papuntang grocery which is hindi na hassle dahil sa sobrang init ng panahon natin ngayon.
Hindi naman traffic kaya nakarating agad ako.

Pumasok na ako at kumuha ng isang cart,  mula sa aking bulsa ay kinuha ko na ang mahaba kong listahan.

Sisimulan ko na sa mga delata huehue~

"San marino..."

Kumuha akong tatlo

"Sardinas..."

May nakita akong hunts yung may mga beans ewan ko ba kung bakit pero bigla akong natakam kaya kumuha akong limang malalaking delata.

Hindi nag tagal ay natapos na ako sa can section at dumeretso naman sa mga noodles.
Kumuha ako ng isang pack ng lucky me noodles para ipartner sa porkbeans na mas lalo pa akong natakam. Binilisan ko ng kunin ang mga nasa listahan na kailangan kong bilhin.

"Total 2382.16 pesos po ma'am. "nakangiting sabi ng cashier. Napatingin naman ako sa mga pinamili kong nakaplastic bag na.

'Wow, konti lang naman yung mga pinamili ako ahh...'

Binayaran ko na ito tsaka binitbit ang apat na pirasong malalaking plastic bag. Nagsimula na akong lumakad palabas ng grocery store hindi pa man ako nakakalayo ay may nakita akong shop. Naenganyo na naman ako sa kulay ng mga ice cream na nasa karatula kaya pumasok na muna ako sa shop na yun.

Ibinaba ko na muna sa isang table ang mga pinamili ko bago ako umorder.

"3 cups of strawberry ice cream with oreo and padagdag narin po ng toppings." I said

"What kind of toppings ma'am?" the cashier said.

"Fresh mango please." Natatakam na sabi ko sa kanya na napatingin na lang sa akin na para bang nasisiraan na ako ng utak.

Pagkatapos ay binayad ko narin tsaka sinabi nyang hihintayin ko na lang na iserve sa table ko.

Nilibot ko ang paningin ko sa ice cream shop na ito. Kung sa una aakalain mong Dairy Queen dahil sa design ng shop nila.

"Milch tee Haven..." I whispered

Hindi ko namalayang dumating na pala ang waiter kasama narin ang tatlong baso ng ice cream ko~~

"Enjoy your ice cream ma'am." sabi sa akin nito tsaka umalis na.

Kinuha ko na agad ang spoon at dali daling tinikman ang inorder kong ice cream...

Masasabi ko lang...

Napaka...

....

...

....

CREATIVE ko namang tao! Ang sarap ng blending ng manggo sa strawberry.

Nafefeel ko ng nag-iispark yung mga eyes ko.

Sumubo ulit ako ng isa pa tsaka isa pa at isa p---

"Ran?"

Napahinto ako at napatingin sa nagsalita.
Isa itong babae na may hawak na stroller at may isang natutulog na baby ang nakasakay doon.

"J-jhe?..." sa tatlong segundo doon ko lang narealize na kaharap ko ngayon ang bestfriend ko noong college!

Dali dali akong tumayo tsaka niyakap sya.

"Buti naisipan mong magpakita huh?" naluluha kong sabi paano ba naman kasi pagkatapos naming gumadruate ay pumunta na agad ito sa amerika upang doon na tumira dahil nandun narin sina tito, ang mga magulang ni Jhe.

"Huy, umayos ka nga." Natatawang sabi pa nito. Pinaupo ko sya tsaka inalokan ng ice cream. Pero tinanggihan nya ito kaya bahala sya, malas pa naman ang tanggihan ang masarap na pagkain.

"Eto nga pala ang baby boy ko na si Henz," sabay turo sa natutulog na baby.
Mga isang taon na siguro ito ksi ang cute cute nyaaa.

"Sorry kung hindi kaagad ako kumontak sayo. Dahil sa family issues narin." Malungkot na sabi nito, isa rin ito sa dahilan kung bakit sya agad pumunta sa states.

"Okay lang, buti nga nagkita tayo ngayon osya kamusta ang buhay mommy?" Masayang sabi ko, ayokong sa una naming pagkikita ay malungkot sya kaya iniiwasan kong mapunta sa topic about kina tito.

"Ayos lang kahit nakakapagod pala mag-alaga ng bata," nakangiting sabi nito habang  hinahawakan nito ang maliit na kamay ng baby henz nya.

"Pero worth it din pag nakikita mong napapasaya ang anak mo at makitang meron kang masayang pamilya Ran..." She continued

Napahinto ako...

Napatingin ako sa kanya habang sya naman ay nakatingin parin sa natutulog nyang anak.

Ako kaya?

Kailan ako makakaranas ng ganyan?




The Revenge of a Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon