Chapter 15 (Part 1)

10.1K 176 5
                                    

Chapter 15

(Part 1)

"My! That's my daddy's car!" Nagsimula ng hilain ni Zekzek ang kaliwang kamay ko. Napangiti na lang ako na halata ang salitang KABA.

Hinintay naming huminto ang tatlong itim na sasakyan--ang dalawa pala ay mga van at ang nasa gitna naman ay isang Limo?! Nang huminto na ay may mga nagsilabasang mga lalakeng nakasuit and tie mula sa mga van. Mas lalo akong kinabahan ng pumunta silang lahat sa harapan ng pinto ng limo.

Kung bibilangin ay mahigit benteng katao na ang mga ito. Napatingin ako kay Zekzek na hawak hawak ko ang isa nyang kamay makikita sa kanyang mga mata ang galak at saya.

Dapat masaya rin ako para sa kanya dahil base sa sinabi sa akin ni Mother Marissa ay isa o dalawang beses lang dumadalaw ang papa ni Zekzek. May narinig akong nagsalita isa sa mga nakasuit na may suot na earpiece.

Nakita kong tumango ito sa mga kasama nya bago nya hinawakan ang handle ng pintuan at binuksan ito. Sobrang tahimik at marahil isa sa mga dahilan ay wala dito ang mga bata. Plinano pala ni Mother Marissa na ipasyal ang mga bata sa bayan kaya ang natitirang tao dito sa bahay ampunan ay ang mga trabahador at kami nina Zekzek.

Mula sa sasakyan ay may bumabang isang matipunong lalake, nakawhite sleeves lang ito pero ang tatlong bitones ay nakabukas kaya nakikita mo ang collarbone nito, tinernuhan ng maong at black shoes.

Nakatingin ito sa akin kaya hindi ko alam pero parang hinihigop ako ng mga mata nya hindi dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko kundi sa kulay abo nitong mga mata. Ngumiti ito at sabay sabing "Kenzeke?"

"Daddy!" Hinayaan ko ng tumakbo papalapit si Zekzek sa papa nyang nakatingin pa rin sa akin. W-wait parang may mali dito...

Hindi kaya...

"D-daddy, nandito na po kayo. " niyakap ni Zekzek ito at dahan dahang umupo si Mr. De Vincere at ngumiti habang nakatingin parin ito sa akin.

"Don't worry, I'm here now son." Narinig kong tugon ng papa ni Zekzek.
Lumapit na ako sa kinaroroonan nila pero bago ako nakalapit ay hinarangan ako ng isa sa mga bodyguards nito.

"Stop right there Miss--"

"Hey! That's My!" Nakita kong tinulak ni Zekzek ang lalakeng humarang sa akin. Pero dahil bata sya ay parang wala lang ito para kay manong. Aangal na sana si Manong ng may nagsalita.

" It's okay Sarg, she's harmless." Tumango na lang si Manong at pumunta na sa gilid.

Ngayon ay malapit na ako kay Mr. De Vincire, at mas lalo ko pa nakita ng malapitan ang mukha nya.

His deep gray eyes,

His pointed nose,

Napatingin ako sa kanyang labi.

And those pink thin lips--- He looked like a prince. Prinsipe na nanggaling sa mga storybook, dagdagan mo pa ang jawline nito and his adam's apple. Nakikita ko rin si Zekzek sa feature ng mukha nya--

"Dad! This is Myle!" Masayang sabi ni Zekzek, parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at napakagat ako ng dila.

Anong kaharutan 'to My!

Nakakahiyaaaaaaaaaaaaa~

"H-hello po Mr. De Vincire, ako po ang inassign ni Mother Marissa na maging guardian ni Zekzek." Nahihiyang ngumiti ako sa kanya. Nakatingin parin sya sa lugar kung saan ako nakatayo kanina ngumiti ito at nagsalita.

"You're Ms. Myle Dayrit right?" mahahalatang may accent ito kaya hindi ko alam kung naintindihan nya ba yung mga sinabi ko.

"Yes sir." I answered.

Tumango ito

"Je vous remercie Ms. Myle for caring my son, pagpasensyahan mo na sa pagiging makulit nya." muntik ko ng makagat ng tuluyan ang dila ko dahil sa pagtatagalog nya. Marunong pala sya managalog?

Laking pasasalamat ko kay papa god dahil ayokong mamanhid ang ilong ko kaka-english.

Ngumiti na lang ako kahit hindi ko naintindihan ang Je vous-- ewan.

"Just call me William not sir," dugtong nya pa. Napatingin ako sa isa nyang kamay may hawak itong baston?

Nagsimula na syang lumakad pero napahinto ito na para bang hindi alam ang pupuntahan. Tumingin ako kay Zekzek nakangiti ito at hawak hawak ang kamay ng papa nya na para bang ginagabayan nya nito sa paglalakad.

And realization hits me...

Ang tatay ni Zekzek na si Sir De Vincire ay may kundisyon sa mata.

Nakita ko si manong Sarg na hahawakin na sana ang balikat ni Sir De Vincire ng pinigilan nya ito at hinayaan nyang anak nya mismo ang gagabay sa kanya.

Nagsalita ito na ibang language na sa pagkakaalam ko ay pang italian?

Ang sunod na nangyari ay ang mga lalakeng nakasuit na ngayon bumalik na sa sasakyan, ang iba naman ay nakita kong pumunta sa gate ng orphanage para siguro magbantay kaya naiwan na lang kaming tatlo.

"Ako na po ang gagabay." I said hinawakan ko ang kaliwang braso nya at ang sa kanan naman nya ay si Zekzek. Hindi na nagsalita pa si Mr. De Vincire at nagsimula na kaming lumakad papasok sa bahay ampunan.






The Revenge of a Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon