Chapter 23

9.2K 151 1
                                    

Ranewena's POV

"Welcome to my humble place, hindi muna tayo pupunta sa France." paliwanag ni William, hindi ko alam kung saang parte ng lugar ito.

Nilibot ko ang paningin ko, nandito kami ngayon sa malawak na garden. Dadaanan mo muna ito bago yung bahay ni William sabi nya. He also explained na hindi muna sya uuwi sa France dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"Dito lang ako pumupunta tuwing gusto ko ng pahinga, you know day-off for the duke~" he shrugged,

Pinauna na ni William sina Sarg kasama narin ang maleta ko.

"The king also loved this place, noong buhay pa sya he wanted to come here, free from the throne but the responsibilities and priorities chained him. He's nothing to do for his own but act as a leader in our country, and now I hope that he's happy wherever he is. " he said, napatingin ako sa kanya.

Sometimes may kailangan talagang isakripisyo para sa kaligayahan ng iba. His father was a king with full of responsibilities ,he passed away so William is now in the throne and also the responsibilities are now his.

Hindi natin kayang takasan ang responsibilidad na nakatadhana na mismo sa buhay natin.

Hinawakan ko ang kanyang balikat, tumingin sya sa akin at ngumiti na lang ako.

"I'm happy th---"

"Duke!"

Naputol ang sasabihin ni William ng may matandang babae na papalapit sa amin may kasama pa itong dalawang bodyguards. Huminto na sila sa kakalakad ng nakalapit na sila sa amin, tiningnan ko ang ginang.

Base sa kilos nito ay talagang napaka sopistikada, akala mo pag nagkamali lang ng konti sa galaw nya ay may mababasag/mangyayaring masama.

Napadako ang tingin ko sa mukha ng ginang na halos muntik na akong atakihin sa puso. Taas baba nya ako tinignan at tumingin na kay William.

"Hélas, le duc est lá." (Alas the duke is here."

Nakahawak lang ako sa balikat at braso ni William na para bang ginagabayan ko ito. Tumingin ulit sa akin ang ginang at sa mga kamay ko na nasa braso at balikat ni William, napayuko na lang ako at napatingin sa lupang inaapakan ko ngayon.

Wala akong naintindihan sa sinabi ng ginang at base sa tingin na pinukol sa akin kanina ay mukhang ayaw nito sa akin.

"Que veux-tu, dame Ellen?" ( What do you want, Lady Ellen?)

Nagsalita din si William gamit ang  language na ginamit ng ginang.
Nakaramdam ako ng konting lamig, para bang hindi si William ang katabi ko ngayon.

"Where did you get her?" tanong ng ginang, laking pasasalamat ko na nag-ingles na ito.  Ang hirap intindihin ang language na ginamit nila kani-kanina lang.

"This is Lady Myle, she's my son's guardian and also my friend. Respect her as you respect the duke, treat her as one of our companion or you'll know the consequence." napatingin ako kay William, kahit suot nya ang shades nito ay alam kong seryoso ito. Habang nasa byahe kami ay sinabi nya ring hindi namin gagamitin ang tunay kong pangalan lalong lalo na ang mga kasama ko ay may dugong maharlika.

He also informed me about medias, noong nasa park kami ng Angeles ay natyambahan lang na hindi masyadong matao at walang nakakilala sa kanya dahil nakashades ito.

Tumingin sa akin sa William at tumango ng dalawang beses, senyales na kailangan na naming umalis.

Kasama rin ito sa sinabi nya, pag tumango sya ng dalawang beses ay kailangan ko na syang kabayan at umalis.

The Revenge of a Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon