Chapter 33 : Allyna

9.9K 83 9
                                    

Chapter 33 : Allyna

Annulment?!

GHAD! Nababaliw na si Gian! Siguradong magagalit si Lolo kapag nalaman nya ito! Kailangan gumawa ako ng paraan para magkaayos silang dalawa ni Shane bago pa ito makarating kay Lolo. Kung kinakailangang i-postpone ko ang taping ko ngayon para sa isang commercial, gagawin ko, maayos lang ang gusot na ito.

"Hello, Shane.. Asan ka?" tinawagan ko si Shane, we need to talk.

"Andito ako sa bahay ngayon", sagot niya. Yah right. What do I expect? Palagi naman siyang nasa bahay.

"Pupuntahan kita dyan. We need to talk."

Then I drove to her house.

"Maupo ka muna. Ano bang pag-uusapan natin?" tanong niya then she offered me a drink.

"It's about you and Gian", sabi ko. "Shane, hindi kayo pwedeng maghiwalay."

Umiwas siya ng tingin sa akin.

"Ang sakit kasi, Allyna. Ang sakit lang na niloko niya ako", malungkot niyang sabi.

Nilapitan ko siya.

"Shane, saan ka niloko ni Gian? Sa mana? You got it all wrong."

"Diba nagpakasal siya sa akin para makuha niya ang kumpanyang ibibigay ng Lolo nyo? Tapos magpapakasal na siya doon kay Syd?"

Marry Me (completed w/ Special Chapter)Where stories live. Discover now