Chapter 6 : Shane (b)

12.2K 114 9
                                    

Chapter 6 : Shane (b)

Nung paakyat na ako sa kwarto ko, narinig ko nagring yung cellphone ni Papa. Huminto ako sa paglalakad. Hindi ko naman gawain ang makinig sa usapan ng may usapan,  pero ewan ko ba, gusto kong marinig at malaman kung sino ang tumawag.

"Hello.. Nakakahiya naman po.. Hindi  naman po kailangan.. Napakadami na po naming utang sa inyo, nakakahiya naman po kung madadagdagan pa.. Naku, salamat po.. Hindi po namin nakakalimutan, Saturday po.. Sige po, salamat ppo ulit."

Yun yung mga narinig kong sinabi ni Papa sa kausap niya. Saturday daw? Po? Sigurado yung bestfriend ni Lolo ang kausap niya. 

Madadagdagan ang utang? Bakit? Sa kanya ba mangungutang si Papa ng pambayad? Nakakainis.

"Shane, eto ang pera, bumili ka ng bagong damit para sa Saturday", sabi ni Papa pagkakain ng dinner at may iniabot sa aking pera.

Umakyat na ako sa kwarto ko. Nakahiga lang ako sa kama. Wala naman ako sa mood manood ng t.v. May nagbukas ng pinto. Si Mama.

"Ok ka lang ba?" tanong niya.

Umupo siya sa kama ko.

"Ma, sorry po per narinig ko po kanina na may kausap sa cellphone si Papa, yun po ba yung bestfriend ni Lolo?" tanong ko.

Tumango si Mama.

"Sa kanya po ba mangungutang si Papa ng pambayad sa utang?"

"Hindi. Gusto niya tayong tulungan, hindi uutang ang Papa mo."

"Hindi po ba parang ako na rin po ang bayad sa mga utang at utang na loob sa pamilya nila?"

Pinipigilan kong tumulo yung luha ko. Naiiyak na naman kasi ako.

"Wag mong isiping ganun, iha. Kung may magagawa lang sana ako pero.."

Ayun, tumulo na yung luha ko.

:'(

"Shane, mahal ka namin ng Papa mo. Itong fixed marriage, kung tutuusin ay para rin sa ikabubuti mo. Ayaw naming mapunta ka sa kung sinong lalaki lang. Ayaw naming masasaktan ka."

Gusto kong matawa. Ayaw nila akong masaktan? Hindi ba nila naisip na nasasaktan ako ngayon?

Marry Me (completed w/ Special Chapter)Where stories live. Discover now