Chapter 17 (d) : Shane

10.4K 88 4
                                    

Chapter 17 (d) : Shane

Paguwi ko wala naman si Gian.

*rinngg ring ring*

Unregistered number.

"Hello."

"Pauwi na ako. Kailangan nating ilipat yung mga gamit natin sa Master's bedroom ngayon", sabi ni Gian. Hindi nga pala nakasave ang number niya saken.

Pero teka, bakit? Wag mong sabihing..??

"Huh? Bakit? Anong problema? Gian, diba sabi ko naman sayo, kung gusto mong matulog dun--"

"Darating si Lolo tonight, sa bahay siya matutulog. Yung kwarto ko ang gagawin nating guest room, yung yung para sa kanya, kaya kailangan nating ayusin agad. Sige na, malapit na ako, magumpisa ka ng ilipat ang mga gamit mo."

Natameme ako.

Kami ni Gian? Magsasamang matulog sa iisang kwarto??

(+o+)

Pwede bang umuwi na samen? Dun na lang ako.

Ayyysshh..

Anong gagawin ko?

Kinakabahan na talaga ako.

1 new message

Si Gian.

|Bibili na lang ako ng pagkain, wala akong time magluto. Maghanda ka na.|

Maghanda na ako???

(#O.O#)

Patay!

Eto na nga ba ang sinasabi ko.

Umakyat na ako at nagsimula na akong ilipat ang gamit ko sa Master's Bedroom. Napatingin ako sa kama.

Dun kami.. ni Gian.. magkatabi??

Wala na bang ibang way??

Dumating na si Gian, nagsimula na din siyang ilipat ang gamit niya sa Master's Bedroom.

Sinundan ko siya sa kwarto niya.

"Ahmm Gian, hindi ka ba kinakabahan?" tanong ko.

Teka, bakit ko ba siya tinanong ng ganun?

"Kinakabahan? Medyo. Baka kasi mabuko tayo ni Lolo, mahirap na."

Pabalik balik siya sa kwarto niya at sa Master's Bedroom. Ako, andun lang sa kwarto niya, tapos ko na kasi ilipat ang mga gamit ko, konti lang naman. Siya ang madami ang ililipat kasi sa kwarto niya matutulog si Lolo.

Hahaha. Kawawang Gian!

"Isang gabi lang naman siguro ang lolo mo dito noh?" tanong ko ng makabalik siya.

"Ewan ko. Hindi sinabi" pagkasagot niya, bumalik na ulit siya sa Master's Bedroom dala ang mga gamit na ililipat niya.

Marry Me (completed w/ Special Chapter)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ