Chapter 4 : Gian

19.9K 142 12
                                    

Chapter 4 : Gian


Napaupo ako sa narinig ko.

Marami pa akong plano sa buhay ko, bakit kaylangan ko ng tapusin ang pagkabinata ko?

Hindi naman sa ayaw kong mag-asawa. I'll settle down, pero hindi ngayon. Hindi pa ngayon. At isa pa, wala naman akong girlfriend, sino namang pakakasalan ko?

Yes, I had girlfriends before, pero hindi nag-wowork. We always realized that we had a lot of differences, but I still believe that one day I will find my one great love. I'm a hopeless romantic, yan ang inaasar palagi sa akin ng mga kabarkada ko, but they can't blame.

At ngayon, may gusto akong babae, pero komplikado ang sitwasyon. Hindi ko masabi sa kanya na gusto ko siya.

Eh paano pa lalo ngayon na ikakasal daw ako?

Hindi pwede!


Umupo na din si Lolo.


"Gian, nakikinig ka ba?" narinig kong sabi ni Daddy.

"Ano po ulit yun?" tanong ko.

"Sabi ko sa Saturday, we will meet her family", sabi ni Lolo. "Napagkasunduan namin ng bestfriend ko na ipakasal ang aming mga apo."

"Fixed Marriage? Lo, uso pa ba yun?" tanong ko.

"Gian, ito lang naman ang hinihiling ko sayo", pakiusap ni Lolo.

Lang? Naman? Kung makahiling naman si Lolo, akala niya ganun lang kasimple.

Nagisip ako ng sasabihin pero tumayo na si Lolo at nagpaalam.

"I have to go. Gian, apo, sana mapagbigyan mo ako sa hiling ko", paalam niya.

Naiwan kami ni Daddy.

"Umaasa din ako Gian na mapagbigyan mo ang lolo mo", sabi ni Dad.

Pati ba naman siya? Wala na pala talaga akong kakampi. If only Mom was here.

"Dad, but he's asking for too much", sabi ko.

"Ayokong biguin mo ang lolo mo", sabi ni Daddy.

Tumayo na si Daddy at umakyat sa kanyang kwarto.

**

Kinabukasan.

Napansin ni Chad na tahimik ako. Kunsabagay, palagi naman akong tahimik. Pero this time, alam niyang may bumabagabag sa loob ko. Hindi siya nakatiis at lumapit sa'ken.

Marry Me (completed w/ Special Chapter)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon