Chapter 9 : Shane

11.5K 120 17
                                    

Chapter 9 : Shane

Umupo na kami. Magkatapat kami ni Gian.

Hindi talaga ako makapaniwala na all this time si Gian Santillan pala yun.

Gian..

Ilang beses binanggit nina Mama ang pangalang Gian but who would have thought na iyon pala ang campus hearthrob.

"Nakakahiya naman sa mga Santillan, hindi na tayo nakadalaw sa hospital."

Santillan? Gian? Ang tanga ko naman. Bakit hindi ko naiconnect yun? Haiisst.

Oh my God! Ano ba tong pinasok ko? Ako ang soon to be wife ni Gian, patay ako sa mga fans nito sa school. Baka mamaya dumadaan lang ako sa hallway may bigla na lang hihila ng buhok ko? O kaya tisudin ako ng mga babae.

Bakit ako pa? Bakit siya pa?

Tiningnan ko si Gian. Ano kayang iniisip niya? Blanko naman ang ekspresyon niya. Disappointed kaya siya na hindi pala isang model ang mapapangasawa niya? 

Siniko ako ni Mama ng mapansing hindi ako nakikinig sa usapan.

"Gusto kong maipakasal na kayo sa lalong madaling panahon. Ang balak ko ay ipakasal muna kayo sa huwes in two weeks time at pagkatapos ay pagplanuhang mabuti ang inyong engrandeng kasal", sabi ng Lolo ni Gian.

Two weeks? Agad agad? Bakit dalwang beses pa kaming ikakasal? 

"Ano sa tingin ninyo Jaime?" tanong ni Lolo Enrique.

"Kayo po ang bahala Papà ", sabi ng daddy ni Gian.

Dumating na ang order na pagkain.

"Talaga po bang kailangan na dalawang beses silang ikakasal?" tanong ni Papa.

Nice question Papa. =)

"Gusto ko kasing pagplanuhang mabuti ang bawat detalye ng kasal same as gusto ko na ding ipakasal sila agad agad."

"Lo, pwede naman po ang annulment diba?" tanong ni Gian.

"Gian!" saway ng Daddy niya.

Muntik ko ng mapabuga yung tubig na iniinom ko. Buti napigilan ko kung hindi nakakahiya.

Annulment??

Annulment agad? Eh hindi pa nga kami naikakasal, annulment agad nasa isip ng lalaking ito?

Ok. I got it. Hindi niya ako gusto. Hmp. 

"Annulment? Gian, hindi maaari ang annulment. Kailangang magwork ang relasyon ninyong dalawa. Yun ang gusto ko. Hindi kayo maaaring maghiwalay. Naiintindihan mo ba?" halos galit yung Lolo niya.

"Opo Lolo." Tumungo na lang si Gian.

"Pagpasensyahan ninyo na ang apo ko. Lalo na sayo Shane", sabi ni Lolo.

Tumango na lang ako.

Pagkatapos ng pagtatalong yun, hindi ko na ulit narinig ang boses ni Gian. Hanggang sa nagsipaguwian na kami.

Pagpasok ko sa kwarto hindi pa din ako makapaniwala na ikakasal ako kay Gian.

Ikakasal ako kay Gian.

Paulit ulit sa utak ko.

Paano na lang kapag nalaman nina Faye at Ara? Paano ko sasabihin sa kanila? Matawagan nga.

Hmp. Hindi naman sinasagot. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Inupload ko lang para naman may Update. Yung POV ni Gian, next na.. Vote and comment po :)

Marry Me (completed w/ Special Chapter)Where stories live. Discover now