Chapter 25 : Shane

11.4K 111 29
                                    

As promised na maga-updateako ngayong Birthday ko, so eto na!

Enjoy this one! :))

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 25 : Shane

Bigla na lang may dalawang babae na nag-abang sa akin sa pinto ng classroom ko pagkatapos ng klase.

"Matapos kay Alex, si Gian naman, sino namang isusunod mo pagkatapos mong gamitin si Gian?" sabi sa akin ng isang babae. Ano bang sinasabi niya??

"Akala pa naman namin ang bait-bait mo. Matalino ka diba? Pero sa ibang paraan mo ginagamit ang utak mo, napaka-wais mo Shane. Umamin ka nga, girlfriend ka ba ni Gian? Ginagamit mo lang naman siya eh!" sabi naman ng isa.

Hindi ko talaga sila maintindihan. Girlfriend? Hindi naman ako girlfriend ni Gian. How I wish!

Oo, gusto ko na si Gian. Erase. Erase. Mahal ko na siya. Kaya naman noong nanood kami ng sine, nung inihilig niya yung ulo ko sa balikat niya, kinikilig ako nun. Tapos hinawakan pa niya ang kamay ko habang naglalakad kami.

*u*

Sabi ko nga sana wag ng matapos ang araw na yon. Ang sweet sweet niya talaga, to the point na nakakatakot, baka hindi totoo. Tapos ngayon eto, tatanungin ako ng dalawang babae na to, na hindi ko naman kilala kung girlfriend ba daw ako ni Gian?

"No. She's not my girlfriend."

O.O

Pagtingin ko kung saan nanggaling ang boses, tama ako. Si Gian nga!

(-.-")

Nakakahiya. Hindi naman niya talaga ako girlfriend. Iisipin tuloy ng mga to ambisyosa ako. Eh saan ba kasi nagmula yung issue na yon.

"See? So dont act like a pathetic girlfriend", ayan, sabi ko na eh, ako na naman ang masama dito.

"She doesn't have to act like my girlfriend because she's my wife", biglang sagot ni Gian.

O_____O <--- mukha nilang lahat. Pati ako.

Ano bang sinasabi ni Gian? Bakit niya sinabi yun? Hala! Gulo to.

(#-.-#)

Pati si Bree, nakita ko, nagulat din siya. Eh sino ba namang hindi?

"Let's go, Mrs. Santillan", tapos hinila na ni Gian ang kamay ko.

Mrs. Santillan daw??

O.o

Ngayon ko lang narinig yun mula sa kanya.

*o*

Ang sarap pala marinig.

\(^O^)/

Nagdiretso na kami sa kotse niya.

"Ok ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?", tanong niya sa akin.

"Ok lang ako", sagot ko. Hindi pa din ako makaget over sa pangyayari kanina.

Paano na yan? Alam na nila na mag-asawa kami.

(-.-; )

"Bakit mo ginawa yun? Akala ko ayaw mong sbihin sa kanila na may aswa ka na?" tanong ko sa kanya pagkadating namin sa bahay, hindi na kasi ako makatiis na magisip kung bakit niya ginawa yun.

"Says who?"

"Eh kung ganon? Bakit hindi mo sinasabi sa kanila noon pa?"

Eh akala ko naman talaga ayaw niya talaga sabihin.

Marry Me (completed w/ Special Chapter)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant