Chapter 5 : Alex

13.6K 115 15
                                    

Chapter 5 : Alex

Nakita ko na naman ang pinsan kong si Gian. Napakaloner ng taong ito. Napakatahimik. Hindi tumulad sa akin. Ineenjoy ang life. Eh siya, kuntento na siya sa pagkanta. Kapag nagkakagirlfriend laging seryoso, wala namang nangyayari. Hay. Malapitan nga.

"Kamusta ang groom-to-be?" tanong ko kay Gian ng lapitan ko siya.

Tatawa-tawa pa nga ako eh.

Napansin kong nagulat siya sa tanong ko kaya nagsalita ulit ako.

"Sinabi sa akin ni Daddy kagabi. Makakalampas ba naman yun?"

Kumunot ang noo ni Gian, looks like he's not happy with the idea.

"Mabuti na lang hindi ako ang napili ni Lolo na ipakasal. Isipin mo naman, magba-bye-bye ako sa pagkabinata ko? No way!" sabi ko pa. "Ikaw na nga lang tutal wala ka namang girlfriend", pangaasar ko pa.

Alam kong napikon siya. Yun nga ang gusto ko eh, ang magalit siya. Ewan ko ba, parehas naman kaming Santillan, pero bakit mas sikat siya?

Oo, nagtitilian din ang mga babae kapag dumadaan ako, pero kapag siya, sobra, eh ang tahi-tahimik naman nito. At di hamak na mas madamit akong naging girlfriend kesa sa kanya.

Mabuti nga sa kanya, he'll settle down.

"If you're asking yourself why it has to be you, dont be surprised, ikaw ang paborito ni Lolo, remember? Now these are the consequences."

"Nilapitan mo ba ako para asarin na naman just like you always do?" iritang tanong ni Gian.

Natatawa na naman ako.

"Hindi naman. Its just that, iyon ang issue, that's why I wanna ask you. But if you really hate the idea, you can tell Lolo that you have a girlfriend. Baka magbago ang isip niya", I suggested.

Alam kong kapag si Lolo ang nag-utos, mahirap hindian yun, kaya alam kong balewala din ang suggestion ko kay Gian.

"He wont buy that."

I know.

I shrugged. "Well.."

"By the way, I saw your girlfriend", sabi niya.

"Jenny? Saan?"

He looks confused.

"Jenny? Who's Jenny. Parang hindi naman yun ang pangalan ng girlfriend mo ah?" tanong niya.

"Bago yun."

"What happened to..?"

"Shane?"

"Oo. Kay Shane."

"We broke up. Yah, she's pretty and all pero para saken boring siya. I found out na hindi pala siya game. Surprised?"

"Wala namang bago. Tuwang tuwa ka ba talagang makapanakit at nakakapagpaiyak ng babae?" tanong niya.

"I just wanna have fun, kung masaktan man sila, hindi ko kasalanan yun. I believe they know I'm a player that's why in the first place, hindi nila dapat inaattached masyado ang sarili nila saken."

"Bahala ka. Sana lang narinig mo na yung salitang "Karma"", sabi ni Gian at umalis na siya.

Nakakatawa talaga siya.

Umalis na din ako.

Nang pabalik na ako sa classroom ko, nakasalubong ko si Shane, kasama na naman ang mga friends niya. 

"Hi!"

Binati ko siya. Tumingin lang siya. Hindi siya nagsalita o kahit ngumiti man lang. Sabagay ganun nga talaga ang mga babae, ang bibitter. Kung bakit ako nag-hi, wala lang. Bakit yung iba ko namang nagiging girlfriend, even after the break up, we're still friends, yung iba siguro it takes time, pero itong si Shane, mukhang wala siguro tong balak na makipagkaibigan sa'ken, well ok lang. Basta ako, I'll enjoy my life, lalo na ngayon at mag-aasawa na si Gian. Sino nga kaya ang mapapangasawa niya? Pati tuloy ako, napapaisip.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Masama ba si Alex?

Vote and Comment :)

Marry Me (completed w/ Special Chapter)Where stories live. Discover now