Chapter 6 : Shane

12.7K 103 12
                                    

Chapter 6 : Shane

"Hi!"

Ano yon? Bakit may pa-Hi Hi pa siya? Ang kapal talaga ng mukha ng Alex na yun. Matapos akong saktan eh aarte na parang walang nangyari. Mukha niya! Hindi ko nga pinansin. Hindi ko nga ngitian. He's not even worth my smile. Nagdiretso lang kami nina Faye at Ara sa paglalakad.

"Hi daw", paalala pa sa akin ni Ara.

"Hmp."

"May lakas pa talaga siya ng loob na mag-hi sayo noh?" sabi ni Faye. "Kunsabagay, makapal naman talaga ang mukha niya. Akala yata eh katulad ka ng ibang mga naging gf niya", dugtong pa niya.

Hanggang makarating kami isa room, hindi ako umimik. Wala na akong pakielam kay Alex. Mas madami akong iniisip. Mas madami akong problema. 

"Huy! Ganyan ka ba kabadtrip kay Alex, at ayaw mo ng magsalita dyan?" tanong ni Faye saken.

"Hindi ako nababadtrip kay Alex. Wala akong pakialam sa kanya." sagot ko.

"Weh??" sabi ni Ara.

"Eh kelan lang iyak ka ng iyak sa lalaking yun ah", paalala ni Faye.

"Mas madami akong dapat isipin kesa sa kanya", sagot ko.

"Oo nga naman, malapit na ang Midterm", sabi ni Ara.

"Nyee. Hindi iyon ang iniisip ko", sabi ko naman.

Hay. Wala talaga kayong idea.


"Oo nga naman, hindi mo nga naman poproblemahin yon, cause you're smart", sabi ni Faye.

"Thank you, but what I really mean is, may ibang problema ako."

"What?" sabay na tanong nung dalawa.

Paano ko ba sasabihin? Paano ko ba sisimulan?

"I'm getting married."

Ayun. Nasabi ko na. Pero teka, parang may mali. Pero hindi ko na mabawi kasi nag-react na yung dalawa.

Marry Me (completed w/ Special Chapter)Where stories live. Discover now