Chapter 15 (B) : Shane

11.7K 138 34
                                    

add me up on FB -----> www.facebook.com/ruthree08

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 15 (B) : Shane

"Saan niyo ba gusto? Sa Paris? Italy? O Hawaii?" dugtong ni Lolo.

"Pag-uusapan na lang po namin ni Shane yan Lo" sagot ni Gian.

Ang luho naman. Grabe. Sila na nga mayaman.

"Yung mga gamit mo Shane, naipadala na namin sa lilipitan nyo. Sigurado sa mga oras na to, andun na yun" sabi ni Papa.

"Ganun din ang sayo Gian, kaya pagkatapos ng reception na ito doon na kayo tutuloy" sabi ng Daddy ni Gian.

May tinawag si Lolo na tao, lumapit ito at may iniabot kay Lolo.

"Shane, apo, Happy Birthday!! Tanggapin mo ito", iniaabot niya sa akin yung rectangle na box. When I opened it.

O__O

A set of jewelries? Nagkikislapan pa. Sigurado ako mamahalin to. Si Lolo pa!

"Lo, this is too much--"

"No. You deserve it. Apo na din kita. I will give you nothing but the best."

Napangiti akong talaga. Sino bang babae ang aayaw sa regalong to?

^____^

"Gian, eto naman ang regalo ko sa inyo" may iniabot si Lolo. Susi na naman??

O.o

"Pero may regalo na po kayo diba?" sabi ni Gian.

"That's just one of my gifts. Susi yan ng kotse. Nasa bahay nyo na din."

Ang dami talagang surprises. Sa isang salit nagbago ang buhay ko at alam ko simula pa lang to.

**

After ng reception, doon na nga kami nagtuloy ni Gian sa bago NAMING bahay. Sakay kaming dalawa sa kotse niya. Hapon na din yun.

On our way, may iniabot siya sa aking kahon.

"Gift ko sayo. Happy birthday!" thoughtful naman pala siya. ^_^

"Thanks" i opened it. It was a pink rubber shoes.

Paano niya nalamang pink ang paborito kong kulay? (+o+)

Ah, baka nagkataon lang. Syempre, babae ako, kaya pink. Sana lang kasya saken to.

Pagkadating namin. Nakita ko yung new car na gift ni Lolo. Nakaparada sa garahe. Its a sports car. A red one.

*pout* sayang, sana color pink din. Hahaha

Yung mga gamit namin ni Gian, nasa baba pa. Kami na ang maglalagay sa kwarto. Pinili ko yung kwartong pinakamalapit sa hagdan. May katapat din yung isa pang kwarto, tapos kapag diniretso mo yung hagdan, yung yung Master's Bedroom.

May dala na akong mga gamit ko pag-akyat. I was about to open the door ng magsalita si Gian.

"Yan na talaga ang kwarto mo?" nasa likod ko lang pala siya.

"Yeah. Why?"

"Ok. Dito na lang ako sa katapat na kwarto mo"

"Akala ko gusto mo dun sa Master's Bedroom?" pagtataka ko. (?_?)

"Ayoko. Ayaw mo naman eh" sabay pasok na niya sa katapat na kwarto ko.

O.o

Ano daw? Ayaw daw niya dahil ayoko? Anong connect? ~_^

Marry Me (completed w/ Special Chapter)Where stories live. Discover now