Chapter 29 : Gian

10.1K 91 10
                                    

Chapter 29 : Gian

Pagkatapos naming mag-usap ni Lolo, nagkita kami ni Chad sa mall, sabay na kaming pumunta sa kanila.

Nagulat ako ng may biglang humawak sa braso ko.

Si Sydney!

Nagulat ako.

"Syd?"

"Miss me??" nakangiti niyang tanong.

"Kailan ka pa dito?"

"Last month. Andito ako para singilin ka sa pangako mo", sabi niya.

She's still the same. Maganda pa din siya, sweet, at charming. Pero ako, nagbago na, hindi na ako yung Gian na nakilala niya.

"Pangako?"

"Sabi mo dati pagbalik ko, magpakakasal tayo", nakangiti pa din siya.

"I'm married", sinabi ko na sa kanya. Yun naman ang totoo eh.

"I know. Pero sa tingin mo ba papayag ako na ganun na lang?" tumawa siya at bumitaw sa akin. "Cuddles right? See you there!" tapos nun umalis na siya.

Akala ko noon hindi ko na makakalimutan si Syd. Mahal na mahal ko siya noon kaya naman nasaktan ako ng nagpaalam siya sa akin na aalis siya papuntang Spain para mag-aral.

Gustong gusto ko na siyang pakasalan noon, pero highschool pa lang kami eh, kaya naman sabi niya pagbalik daw niya magpapakasal kami. Hindi ako ang nangako noon, at hindi din ako umasa sa sinabi niyang iyon.

Akala ko noon hindi ko siya kayang kalimutan pero nagkamali ako. Nakilala ko si Shane. 2nd year ako, 1st year siya. I had a crush on her pero hindi ko siya nagawang lapitan. Hanggang sa naunahan na nga ako ng pinsan ko, pero sa huli heto at kami din palang dalawa.

Si Syd? Parte na lang siya ng nakaraan ko, dahil si Shane ang aking kasalukuyan at hinaharap.

**

Talagang tinotoo niya ang sinabi ni Syd na pupunta siya sa Cuddles. Gusto daw niya akong makausap.

Umupo ako sa table niya. Panay ang kwento niya tungkol sa Spain, mukha naman siyang masaya.

"Aaayyy! Sorry", napatingin ako sa nagsalita.

Nakita ko si Shane. "Shane?" Anong ginagawa niya dito? Gusto niya akong mapanood? Sinundan ko siya, pero nakasakay kaagad sila ng taxi. Binalikan ko si Syd at nagpaalam na kailangan ko ng umalis.

"Okay. So pano, kita na lang tayo bukas?" sabi niya.

"I'm sorry Syd pero this is the last time na magkikita tayo. I'm married, alam mo yan. Masaya ako kay Shane, at yung sinabi mo three years ago, kalimutan mo na lang yun."

I can see pain in her eyes. Hindi ko naman gustong saktan siya, but what can I do? Ayokong umasa pa siya sa isang bagay na hindi naman mangyayari.

"Syd, you deserve someone better. I have to go."

*

Pagkauwi ko sa bahay, nakita ko pugto na ang mata ni Shane.

Hinawakan niya ang kamay pero inalis niya at tumayo pa siya. Nararamdaman kong galit siya.

"Lahat ba ng ito ay palabas mo lang? Para makuha ang mana mo gian?"

Anong isasagot ko? Hindi ko alam ang sinasabi niya.

"Masaya ka ba na nakuha mo na ang lahat? Ang lahat lahat?"

"Hindi kita maintindihan. Ano bang sinasabi mo?"

Mana?

"Anong mana?"

"Alam ko na Gian na nagpakasal ka sa akin para lang makuha ang mana mo, ang kumpanya!"

Marry Me (completed w/ Special Chapter)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin