Chapter 17 (c) : Shane

10.4K 95 0
                                    

Chapter 17 (c) : Shane

Ang boring ng klase.

Nakakatamad. Nagchichikahan lang sa tabi ko sina Ara at Faye, wala naman ako sa mood makipagkwentuhan pero may isang bagay na talagang kinulit ako ng dalawa.

"Saan mo nga binili yan?"

"Di ko nga yan binili", sagot ko.

"Eh saan galing yan?"

"Basta."

"Saan nga? Sige na Shane, sabihin mo na. Mukhang mamahalin. Ang ganda kasi ng style."

"Oo nga. Saan nga galing?"

(-.-") "Bigay yan."

Mas lumapit pa yung dalawa.

"Nino? Ni Gian???" tanong ni Ara

-.- ingay!

Napatingin sina Bree sa aming tatlo. Oo. Ang next class kasi namin ay classmate ko siya. Narinig siguro ang pangalan ni Gian kaya napatingin.

I gave Ara a ayan-kasi-look.

"Sorry. Pero siya nga ba?" mahina na ang boses niya.

Tumango na lang ako. Tapos tumili silang dalawa, pero mahina lang.

Kinikilig ba tong dalawang to?

"Ang sweet naman niya--" sabi ni Ara.

"So pano Bree, eh di kikiligin ka na naman sa Friday, tutugtog kasi sa Foundation Day sina Gian!" sabi nung isa sa Mean Girls.

^_______^ <--- ngiti ni Bree.

"Yeah. Excited na nga ako eh. Pag kasi kumakanta si Gian, feeling ko para sakin yung kinakanta niya."

("-.-) (-.-") sina Faye at Ara.

"Eh feelingera naman pala talaga yang si Bree eh" bulong ni Faye.

"Sssh. Hayaan nyo na siya."

"Ah basta, I will do everything para mapasakin si Gian!" sabi ni Bree. Di ko alam kung sinadya niya talagang lakasan.

"Asa naman siya na mapapasakanya pa si Gian. Ano kaya magiging reaksyon nito pag nalaman niya na may asawa na si Gian?" asar na tanong ni Faye.

"Ang sabihin mo ano kayang magiging reaksyon niyan kapag nalaman niya na si Shane ang asawa ni Gian?!" sabi ni Ara.

"Naku! Lalo yang maaasar sayo Shane."

Takutin ba naman daw ako.

"Oo nga."

Gatungan pa! Kaibigan ko ba talaga kayo??

"Pero syempre di kami papayag na saktan ka ng babaeng yan."

"Tama!"

Mga kaibigan ko nga sila.

Natapos ang maghapon ko ng ganun pa rin. Boring.

Marry Me (completed w/ Special Chapter)Where stories live. Discover now