Chapter 19 : Alex

10.7K 92 2
                                    

Chapter 19 : Alex

[Alex's POV]

Kawawa naman si Gian, si Shane pala ang mapapangasawa. Ang boring kaya ng babaeng yun. Oo, nahalikan ko na siya pero smack lang, ganun. Hindi naman kasi marunong humalik. Ayoko namang magturo kasi hindi naman kailangang ituro yun. And besides, madami naman akong girlfriend that time kaya bakit ko siya pipilitin, diba.

Well, I can say na minahal ko naman si Shane pero sakto lang. Katulad ng mga feelings ko sa mga past girlfriends ko.

Sa totoo lang hindi ko nga alam kung kailan sila ikinasal. Hindi kasi ako interesado at wala naman akong balak pumunta dun. Wala naman akong papel dun, I'd rather enjoy myself with my friends at the bar and drink.

I heard Lolo gave them a house and lot, and a new car. Ok lang. Alam ko hanggang dun lang naman yun, tska kapag nag-asawa na ako, which is alam ko matagal pa eh Im sure bibigyan din ako ni Lolo ng ganun so why jealous?

Ngayong may asawa na si Gian, mas madali na akong mapapansin ni Lolo kasi ako na lang ang binata, kaya kailangan magdidikit ako kay Lolo. Hahaha. Kailangan sa akin nya ipamana ang kompanya.

**

I'm on my way to the gym para puntahan ang mga kaibigan ko. Nagbabasketball daw sila ng makasalubong ko si Shane.

"Shane, kamusta ka na? Hindi na ako nakapunta sa kasal nyo ng pinsan ko. I was busy kasi eh, you know", then I smiled.

Galit pa din siya? Hanggang ngayon? Hindi pa din ba siya nakakamove on? Grabe naman siyang ma-inlove. I stopped her from walking away.

"Hanggang ngayon ba naman galit ka pa rin sa akin? Hindi ba tayo pwedeng maging magkaibigan?"

That was true. I guess wala namang masama kung maging magkaibigan kaming dalawa. Marami naman akong ex na kaibigan ko ngayon though I know that some, I mean most of them eh gustong makipagbalikan saken.

"Ok. Friends. I have to go."

"Wait, san ka ba pupunta?"

"Sa gym, andon ang mga friends ko."

"Dun din ang punta ko. Tara, sabay na tayo."

Mabuti pumayag siya.

"I heard magkasama na pala kayo ni Gian sa iisang bahay."

"Oo."

"Kung ganon bakit hindi pa din alam dito sa school ang tungkol doon?"

"Bakit? Kailangan ba nilang malaman?"

"Ayaw bang ipasabi ni Gian? Hahaha. May pagkaselfish pala siya."

Ano naman kaya ang dahilan ni Gian at ayaw niya ipaalam dito sa school na may asawa na siya? Eh kung ikalat ko kaya? Hahaha.

Naglalakad kami nang..

Its her again!

"What are you doing here?"

I asked her. Mangungulet na naman to. Hindi ba siya naiinitan sa suot niya? Mukha siyang timang! Pinagtitinginan na siya ng mga estudyante. Paano kapag nakilala siya? Paano kung pagkaguluhan siya dito? Hindi talaga nag-iisip!

"Samahan mo naman ako", sabi niya. Sinasabi ko na nga ba tama ako. Mangungulet na naman. Yan lang naman ang alam niyang gawin sa buhay ko, ang mangulet.

>_<

"No. May klase ako ngayon. Paano ka ba nakapasok dito? Hindi sila nagpapasok ng baliw dito. Look at yourself!"

Eh para naman talagang baliw sa suot. Ang taas taas ng sikat ng araw, nakalong sleeves.


"Nagtaka ka pa kung paano ako nakapasok dito? Gutom na ako. Tara na, samahan mo na ako. Girlfriend mo?"

Pati naman si Shane napansin. Pakielamera talaga tong babaeng to. Kung si Gian pumapayag na pakialaman at kulitin ng babaeng ito, pwes ako naiirita na. Oo, nakakatuwa siya minsan pero wag naman ngayon. Wala ako sa mood.

"Girlfriend ko siya d--"

"Great! Let's go!"

Hinila na lang niya basta si Shane at nagtuloy tuloy sa kotse. Sumunod ako at sumakay din sa kotse.

Sa passenger seat na siya sumakay katabi ng kanyang driver at nasa backseat kami ni Shane. Kita sa mukha ni Shane ang pagkalito. Sino nga naman ba ang hindi? Hilahin ka ba naman ng isang taong hindi mo kilala. Pero ako kilalang kilala ko kung sino siya.

"I'm so glad to finally meet your girlfriend. She's pretty."

"Hindi ko--"

"Ssshh.. Dont speak. Hindi mo what? Hindi mo balak siyang ipakilala sa akin? Oh cmon Alex, sa ganda niyang yan di mo ipapakilala. I heard maganda din daw ang napangasawa ni Gian, gusto ko na din siyang makilala."

Hindi lang siya pakielamera. Salida pa siya. Sali ng sali sa usapan. Bakit ba ayaw niya akong patapusin sa pagsasalita.

From the passenger seat, humarap siya sa amin ni Shane.

"By the way, I'm Allyna," pakilala niya kay Shane at tinanggal niya ang suot niyang shades. "Kapatid ni Alex."

O___O

Ganyan yung mukha ni Shane ng magpakilala ang Ate ko. Hindi ko alam kung saan siya nagulat, kung dahil ba si Allyna na sikat na singer ang nakita niya or the fact that Allyna is my big sister.

"Hi! I'm Shane, and I'm not--"

"Oh! Sorry kung bigla na lang kita hinila kanina ha. Na-excite lang ako when I found out na girlfriend ka ng kapatid ko. Gusto ko lang kasing magpasama dyan maglunch. Its a place na wala masyadong tao. Ayoko kasi sa public, baka pagkaguluhan ako. You'll love the place."

"Eh bakit ba hindi na lang si Gian ang niyaya mo." sabi ko. "May lakad pa ako."

"Mas ok nga to, date nyo na rin. We're here."

I've been to this place a hundred times. Yeah, this place is nice. Si Allyna na ang bahalang umorder.

"Speaking of Gian. Hindi ko kasi siya makita kanina at sabi niya saken he'll be busy because of that Foundation Day thingy. Mabuti na lang nakita ko kayong dalawa."

"Wala ka bang taping? Akala ko ba tinanggap mo na yung inooffer sayong commercial?" sa dami ng offer sa kanya, hindi ko alam kung alin doon ang tinanggap niya.

"Oo, pero bukas pa yun. I'll be busy this week kaya nga ginawa ko ang lahat makapunta lang dito."

Nang dumating ang pagkain, madami siyang inorder pero konti lang ang pagkain na nasa plato niya.

"Yna, bakit ang dami mong inorder tapos ang unti lang naman ng kinakain mo?"

"That's what I like about you. You're not calling me Ate. Mas ok yun. I dont feel old. Hahaha. Shane are you ok? Don't you like the food?"

"Im fine. Masarap siya."

I know Shane feels uncomfortable. After kumain, inihatid na kami ni Yna sa school.



"Bye, Shane. Its really nice meeting you. Labas ulit tayo minsan ha, and Alex, ingatan mo si Shane ha", at tuluyan na siyang umalis.

"Ate mo pala siya. She's nice", sabi ni Shane habang naglalakad kami sa school.

"She's crazy", sagot ko.

Shane laughed. Its the first time I heard her laugh since we broke up. Napangiti ako.

"Shane.." I look at her and she looks at me too. "..thanks for your time. Pasensya ka na sa kakulitan ng kapatid ko."

"Its ok. Nag-enjoy naman ako."

"Napagkamalan ka pa niyang girlfriend ko."

Ngumiti lang siya. Parang pilit.

Then nagpunta na siya sa mga kaibigan niya.

Marry Me (completed w/ Special Chapter)Where stories live. Discover now