Chapter 10 : Gian

11.6K 117 3
                                    

Chapter 10 : Gian

Sa totoo lang nagulat talaga ako ng makita ko ang "wife-to-be" ko. Hindi ko na lang ipinahalata na nagulat ako. Si Shane? Ang ex ni Alex. Alam kaya ni Lolo na ex ito ni Alex? For sure hindi. Kitang kita ko. Gulat na gulat siya ng makita niya ako.

Naupo siya sa tapat ko. Alam ko, tinitingnan niya ako. Sabi ni Lolo, dalawang beses daw kami ikakasal. Next next week na yung una. Pero teka, paano ang annulment?

Kailangan kong itanong to kay Lolo. Sorry Shane, bahala ka na kung anong gusto mong isipin basta itatanong ko ito.

"Lo, pwede naman po ang annulment diba?" tanong ko.

"Gian!" saway ni Daddy.

"Annulment? Gian,hindi maaari ang annulment. Kailangang magwork ang relasyon ninyong dalawa. Yun ang gusto ko. Hindi kayo maaaring maghiwalay. Naiintindihan mo ba?" sabi ni Lolo.

"Opo Lolo." Tumungo na lang ako pagkatapos kong marinig ang sagot niya.

Mabuti natapos na kaagad ito. Makakasunod na ako sa gig namin. Umalis na kaagad ako. Pagdating ko sa Cuddles, nakita ko sina Chad nagpreprepare na. Nilapitan ko sila.

"Pare, anong nangyari? Sino mapapangasawa mo? Chicks ba? Hot?" tanong agad ni Chad. Hindi ko sinagot.

Nagumpisa na kaming tumugtog.

  "Going back to the corner where I first saw you. Gonna camp in my sleeping bag..."

Tulad ng napagusapan, The Man Who Can't Be Moved ang tinugtog namin. Habang kumakanta ako, nakita sa audience yung dalawang kaibigan ni Shane. Hinahanap siya ng mga mata ko pero wala. Hindi nila kasama. Hindi yata siya mahilig sa ganito. Yung dalawa niyang kaibigan sigaw na ng sigaw pati yung ibang girls.

Nang matapos iyon ay sumabay na lang sa akin si Chad pauwi. On the way naman.

"Parang may kakaiba sayo", puna ni Chad habang nagmamaneho ako.

Tiningnan ko siya. "What do you mean?" tanong ko.

"Yung kanta kanina, The Man Who Cant Be Moved, eh diba sad song yun? Bakit nung kinanta mo, para kang inlove?"

Napapailing lang ako na natatawa sa kanya. Ano bang sinasabi niya? Nababaliw na ata itong si Chad.

"Gutom lang yan", sabi ko.

"Umamin ka nga, may girlfriend ka ba ngayon? O pinopormahan?"

"What are you talking about? Ikakasal na nga ako, paano pa ako magge-girlfriend?"

"Oo nga pala. Sino nga pala yung babae?"

Hindi ako sumasagot. Dapat ko na bang sabihin sa kanya?

"Sino? Tagasaan? Maganda ba? Kilala ko ba?"

"Oo. Kilala mo."

Nagulat siya. "Weh??! Sino??"

"Since you are my best friend, sayo ko lang ito sasabihin ha."

Nilapit pa niya talaga ang mukha niya sa akin. Akala niya siguro ibubulong ko pa eh kami lang namanh dalawa ang sakay sa kotse. Halatang excited.

"Si Shane", sabi ko.

"Sinong Shane? Madaming Shane sa mundo", sabi naman niya.

"Ilan bang Shane ang kilala mo?"

Nag-isip siya.

"Si Shane???!! Yung--"

Tumango ako

. "Pano yun? Eh diba ex yun ni Alex, isn't it awkward?"

"Well, I guess we have no choice."

"Alam na ba to ni Alex?"

"I dont think so."

**

Kinabukasan nakita ko magisa si Shane sa bench ng school, nakaupo. Nilapitan ko siya.

"Baka malunod ka", sabi ko.

Marry Me (completed w/ Special Chapter)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن