"Kriesha."

I snapped my head back to Rojan and saw him looking at me. Sinulyapan niya ang malapit na lamesa kung nasaan ang mga babaeng nag-uusap patungkol sa aming dalawa bago muling ibinalik ang tingin sa akin.

"Halika na," sabi niya at nagulat ako nang humakbang siya papalapit sa akin upang hawakan ang aking palapulsuhan.

Ang pagkabog ng aking puso ay walang kasing bilis habang hawak-hawak niya ako. Sinubukan kong bawiin ang aking braso sa kanya ngunit mas hinigpitan niya lamang ang pagkakahawak sa akin at nagpatuloy sa paglalakad habang hila-hila ako.

Napaisip tuloy ako kung ano na ang naiisip ng dalawang babae kanina nang makita ang ginawang paghila sa akin ni Rojan. Paniguradong hindi na naman ang mga bagay na gusto kong madinig ang magiging komento nila. Mabuti na rin sigurong nalayo na kaming dalawa ni Rojan doon.

When I felt that his hand slightly loosened up, I took that chance to free my arm from his hold. Mabuti na lang at nagawa kong makakawala sa kanyang hawak. Mabilis din akong humakbang papalayo sa kanya para magkaroon kaming dalawa ng tamang distansya.

He stopped for a few seconds after I freed myself from him. He clenched his fist tightly, and I saw the veins in his arm almost popping out. Slowly, he began to relax and just continue walking.

Wala naman akong ginawa kung hindi ang sumunod sa kanya hanggang sa nakarating kami sa tamang lamesa. The old man in a formal suit who stood up to greet Rojan looked so familiar to me. Pakiramdam ko ay nakita ko na siya noon. Hindi ko nga lang maalala kung saan.

"Rojan!" natutuwang pagbanggit nito sa pangalan ni Rojan.

"Good evening, Mr. Asuncion," Rojan politely greeted the old man and shook hands with him. "I'm sorry if we're a little late."

Nagagalak namang humalakhak ang matanda at saka umiling. "No problem, Rojan," sabi nito. "Maaga lang talaga akong pumunta. I was just around BGC with Primo earlier."

"Oh! Nakabalik na po siya?"

I could tell that Rojan's not really interested with the topic of their conversation but he was being polite enough to prolong the conversation and act like he's interested even though he's not.

"Oo. Dapat lang din na bumalik siya dahil masyado na akong matanda para patakbuhin ang aming kompanya. He should be the one supervising the company now," sagot naman ng matanda sa kanya.

Rojan nodded and suddenly looked so serious. "I think he's going to do a great job being the successor of your company. Paniguradong marami po siyang natutunan at experiences sa America."

"Well, yes..." muling humalakhak si Mr. Asuncion. "But he likes working for other companies than handling our own. Ewan ko ba sa anak kong 'yon. You both have different mindset. Mabuti na nga lang at naisip niya ring kailangan niyang bumalik. That's why I would like you to influence him more."

Bahagyang kumunot ang noo ni Rojan sa sinabi ng matanda. Ngayon pa lang ay nasasabi ko nang hindi niya magugustuhan ang patutunguhan ng pag-uusap na ito.

"Anyway, let's sit first and have dinner," sabi nito at inilahad ang upuan sa kanyang harapan.

Wala namang nagawa si Rojan at tumango-tango na lang bago ako nilingon. Pagkatapos niya akong pinag-usog ng upuan sa kanyang tabi ay at saka lamang siya naupo. Nalipat tuloy sa akin ang atensyon ng matanda lalo na noong lumapit ako para maupo.

"Oh! I remember you!" he enthusiastically said and glanced at Rojan. "Aren't you Rojan's girlfriend? He introduced you to us before during the company's party last two years ago, I think."

Lethal AttachmentWhere stories live. Discover now