Chapter 7: Transferee

Start from the beginning
                                    

"No, hindi ka pwedeng kumain parati ng matamis....paano na lang kung masira yang ngipin mo? At baka magkaroon ka ng diabetics dahil sa pinaggagawa mo." Panenermon ni Dad kaya nagpout ako.

"Eh bakit si Jake, hindi nyo rin pagsabihan? Paano na lang kung magkasakit sya sa bato?" Parang bata kong saad at nagcross arm pa ako habang nakaupo sa sahig.

"Pinagsabihan ko na sya at sumunod sya." Sabi ni Dad.

"Sumunod? Hindi kaya po sya sumunod." Sabi ko at nagpout.

"At paano mo naman nasabi?" Nakataas ang kilay na saad ni Dad.

Hindi ko nga alam kung bakla ba ito si Dad o hindi, kasi hindi naman nagtataas ng kilay si mom at si dad lang ang ganoon.

"Ayun sya oh! Kumakain ng chips." Nakasimangot kong saad kaya tumingin si Dad sa gawi kung saan ako nakaturo.

Si Jake ay may hawak ng tatlong chips at nginunguya nya ang kinakain nya, habang busy sa paglagay ng ibang chips sa bag. Mukhang hindi napansin ni Jake na nakatingin kami ni Dad sa kanya.

"Jake! Diba sabi ko bawal kang kumain ng maalat?" Sabi ni Dad at pumunta sya sa gawi ni Jake.

Kaya palihim akong napangisi.

"Sabi ng teacher namin pag nakakita kami ng opportunity ay igrab namin iyon at itong pagkakataon na ito ay opportunity kaya igragrab ko na!!" Sabi ko sa aking isipan at dali-dali kong kinuha ang mga candy sa table ni dad at inilagay sa bag ko.

"Alis na po ako!" Masaya kong saad at nagtatakbong pumunta sa car ko.

Sumakay na ako at umalis.

"Hahahaha!!!! Thanks talaga sa teacher ko at nakakuha ako ng candies!" Masaya kong saad at pumunta na sa school.

*SCHOOL*

Bumaba ako ng car ko at masayang naghumm habang busy sa pagtanggal ng balat ng candy na nadukot ko sa bag.

"Ang sharap!" Nakangiti pa ako habang papikit-pikit at ninanamnam ang candy na nasa bibig ko.

"This is heaven!" Masaya kong saad ng malasahan ko ang tamis sa candy.

"Do you want to go to heaven?" Napalingon ako at nakita ko ang isang babae na kulay black ang hair at eyes.

Malaki ang hinaharap at sexy sya. Maganda rin sya ngunit hindi ako naatract sa kanya dahil loyal ako sa candy ko noh.

Inside In Her MaskWhere stories live. Discover now