CHAPTER 67: Starve to Death

1.9K 40 0
                                    

SHEENA'S POV

Magdadalawang araw nang nagkukulong sa kwarto niya si Mar. Halos dalawang araw na siyang hindi lumalabas ng kwarto niya at hindi rin siya pumapasok ng school. Ni ayaw niyang kumain. Ni hindi nga rin namin siya makausap nang maayos. Tuwing tinatangka naming pumasok sa kwarto niya o buksan lang ito ay nagbabato siya ng kung ano-anong bagay sa mismong pinto. Minsan naman ay basta na lang kaming nakakarinig ng pagkabasag at mga pagkalabog sa loob ng kwarto niya.

Ganoon na siya magmula nang pagbawalan siya ni Kuya Sky na makipagkita kay Chris. Ang sabi niya ay bakit pa raw siya lalabas ng kwarto niya at papasok ng school kung para din naman siyang nakakulong dahil babantayan ni Kuya Sky ang lahat ng kilos niya. May point naman siya ro'n. Sinubukan ko ngang kausapin si Kuya Sky pero wala e. Sarado talaga ang isipan niya. Ni ayaw nga niyang mababanggit namin si Chris.

Sumabay pa sina tita at tito sa problema. Kung kailan naman sila kailangan ay saka pa sila wala. Paano ba naman kasi ay isang linggo silang mawawala. Nasa business trip silang pareho. Ayan tuloy, naghahari-harian itong si Kuya Sky, hindi lang sa bahay nila kung hindi maging sa buhay ni Mar.

Dahil hindi naman ako kinakausap ni Mar at ayaw niyang magpapasok ng kahit sino sa kwarto niya ay nagliwaliw na lang muna ako sa loob ng bahay nila. Sa paglilibot ko ay napadpad ako sa kusina kung saan ay naabutan ko si Ford na abala sa pagtitimpla ng juice at may ilang sandwiches na ring nakahanda sa tabi niya na mukhang katatapos niya lang din gawin. Walang imik akong lumapit sa mesang kaniyang kinaroroonan at pumangalumbaba ako sa kaniyang harapan at pinakatitigang mabuti ang ginagawa niya.

"Ford, ano 'yan?" tanong ko habang iningunguso ko ang sandwiches na gawa niya.

"This?" tanong din ni Ford at itinuro ang mga pagkaing inihanda niya.

"Ay, hindi! 'Yon oh!" pambabara ko kay Ford at pinagtuturo ko ang mga gamit sa kusina bago ko siya inis na binalingan ng tingin. "Iyan nga, 'di ba? May narinig ka bang sinabi kong 'yon?"

Tsk. Nakita na ngang mainit ang ulo ko, dadagdag pa 'tong si Ford. Pagbuhulin ko sila ni Kuya Sky e. O hindi kaya ay gawin ko silang bola tapos itatapon ko silang pareho pabalik sa States. Pabalik ng pinanggalingan nila para tumahimik na ang mga buhay namin dito.

Mas lalo namang nag-init ang ulo ko nang tawanan lang niya ako.

"Hey. Easy, okay? Kay aga-aga, ang init na agad ng ulo mo," tumatawa pa ring aniya.

Napasimangot na lamang ako nang maalala ko ang dahilan ng bigla-biglang pag-init ng ulo ko.

"E paanong hindi mag-iinit ang ulo ko? Halos dalawang araw na kayang nagkukulong sa kwarto niya si Mar. Tapos hindi pa siya kumakain," malungkot kong sagot.

"Kaya nga nagtimpla ako ng juice at gumawa ako ng sandwich para may makain si Pia," sagot ni Ford at bahagya pa siyang ngumiti na tila ba pinaparating niya sa akin na magiging maayos din ang lahat.

Agad naman akong napaayos ng upo dahil sa sinabi ni Ford at mataman kong tiningnan ang sandwiches na nasa mesa bago ko siya ulit binalingan ng tingin.

"Para pala 'yan kay Mar e. Hindi mo naman sinabi agad. Sana man lang natulungan kita," maktol ko.

"No need. Patapos na rin naman ako. Pakuha na lang ng tray na paglalagyan ko nito para maihatid ko na 'to sa kwarto ni Pia," utos niya sa akin na agad ko namang sinunod nang walang pag-aalinlangan.

"Ako na lang ang magdadala niyan kay Mar. Gusto ko rin kasi siyang makausap," pagprisinta ko nang makabalik ako sa mesa bitbit ang food tray na pinakuha sa akin ni Ford.

"Ganoon ba? Okay, sige. Ikaw na ang tumapos nito. Punta lang akong pool. I'll look for Sky," paalam ni Ford na tinugon ko lamang ng ngiti at marahang pagtango.

The Revenge of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon