CHAPTER 37: A Sudden Change

3.7K 76 3
                                    

SKY'S POV

I arrived in the Philippines two weeks ago. Fortunately, Pia has regained her consciousness four days ago. But still, she is suffering from multiple damages in her back and her brain.

May benda pa rin sa ulo niya si Pia hanggang ngayon at hindi siya makakilos nang maayos dahil sa back injury niya. Ayon sa doktor ay may temporary amnesia ang kapatid ko. Ang nakakagulat lang ay hindi lahat ng alaala niya nabura. Tanging ang mga alaala lamang niya mula sa dalawang taong lumipas ang nabura sa isipan niya. Naalala pa rin niya ay ang mga nangyari hanggang noong labing-anim na taong gulang siya.

Ang sapantaha ng doktor ay sinasadya raw kalimutan ng utak ni Pia ang mga nangyari sa loob ng dalawang taon na nawala sa alaala niya o maaari ding may alaala siya rito na gusto niyang kalimutan. Ipinaliwanag naman ng doktor na matatag si Pia kaya nagawa niyang malabanan ang kondisyon niya kaya ang natitirang dalawang taon lang sa buhay niya ang nakalimutan niya.

Alam kong maling hilingin ko na huwag nang bumalik pa ang alaala ng kapatid ko pero iyon ang gusto kong mangyari. Siya na rin mismo ang lumimot nito kaya para saan pa para alalahin niya ang mga bagay na sinadya niyang kalimutan.

Natitiyak kong sa oras na makaalala si Pia ay sobrang sakit ang mararanasan niya. Kung hindi rin ako nagkakamali ay nasisiguro kong mabubuhay ang galit sa puso niya kasabay ng pagbabalik ng alaala niya. Kung ako nga nakaramdam ng galit para sa mga nagpauso ng laro na dahilan ng pagkaaksidente ng kapatid ko, ano pa kaya si Pia na siyang nalagay sa alanganin.

"Kuya, ibili mo naman ako ng ice cream o. Iyong double dutch," paglalambing ni Pia na siyang nakapagpabalik sa akin sa huwisyo.

Ang layo na pala ng nararating ng isipan ko nang hindi ko man lang namamalayan.

Isa pa sa mga hindi ko maintindihan sa mga nangyari ay ang biglang pagbabago ng ugali ni Pia. Mas lumala pa ang pagiging isip-bata niya at naging clingy na rin siya. Palagi siyang nakakapit sa braso ko kapag nakaupo ako sa tabi ng kama niya. Gustong-gusto niya ring niyayakap ako at hinahalikan ko siya sa noo at pisngi niya. Maging sa mga magulang namin ay ganoon din siya. Pagdating naman kay Sheena ay halos hindi na sila mapaghiwalay. Ni ayaw niya na ngang palabasin ng kwarto si Sheena kaya hindi na magawa pa ni Sheena na pumasok ng klase nila.

"Noted, princess. Isang truck ba ang gusto mo?" pabirong tanong ko kay Pia.

"Can I?" masayang tanong ni Pia na nagniningning pa ang mga mata at panay ang pa-cute sa harapan ko.

"Tss. Ikaw talaga, puro ka ice cream," natatawang sabi ko habang ginugulo ang buhok ni Pia.

"E sa masarap siya e. Kasalanan ko bang nakatulog ako ng halos dalawang linggo kaya panay ang pag-crave ko sa ice cream," nakangusong sagot ni Pia kaya mas ginulo ko pa lalo ang buhok niya.

"Hindi ba nilalamig 'yang mga anaconda mo sa tiyan sa kakakain mo ng ice cream?" natatawang tanong ko.

"Frozen na nga sila sa loob e. Ayaw mo no'n, kuya? Wala na akong bulate sa tiyan," pabirong sagot ni Pia na siyang ikinatawa ko.

I'm really glad that she can still smile despite of what happened to her. Pero alam kong panandalian lang ang kasiyahan niyang ito dahil makakaalala at makakaalala rin siya pagdating ng panahon at iyon ang kinatatakutan kong mangyari. Natatakot akong baka hindi niya makayanang tanggapin ang katotohanan.

"Kuya Sky, pwedeng fries na rin? Gutom na ako e," paglalambing din ni Sheena na nakahawak pa sa tiyan niya habang nakangusong nakatingin sa akin na parang nagpapaawa.

Hindi ko naman maiwasang matawa dahil sa itsura nina Pia at Sheena. Nagkakasundo talaga sila pagdating sa pagiging isip-bata nila kaya hindi na nakapagtatakang maraming tao ang pinagkakamalan silang magkapatid.

The Revenge of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon