CHAPTER 24: Her Fear

2.9K 83 2
                                    

MARY'S POV

Malalim na ang gabi nang makarating kami ni She sa bahay nila dahil halos sakyan namin ang lahat ng rides sa amusement park. Napagkasunduan naming mag-sleep over sa kanila na agad namang pinahintulutan ng mga magulang ko nang tawagan ko sila.

Kaagad kaming dumiretso sa kwarto ni She pagkarating na pagkarating namin ng kanilang bahay. Ngayon ay magkatabi kaming nakaupo sa sahig habang nakasandal sa kama at nanonood ng Korean drama sa flat screen tv. Maraming pagkain at inumin ang nagkalat sa aming harapan.

"Mar," mahinang tawag sa akin ni She habang nasa kalagitnaan kami ng panonood.

"Hmm?" tamad kong sagot dahil abala ako sa pagnguya ng chips habang tutok na tutok pa rin ako sa panonood.

"Do you love someone?" she asked out of the blue.

Sunod-sunod ang naging pag-ubo ko dahil sa biglaan niyang tanong.

"Hey. What's wrong? Tubig o. Uminom ka muna." Natataranta akong inabutan ni She ng bottled mineral water habang marahan niyang hinahagod ang likod ko.

Nagmamadali ko namang tinanggap ang tubig na iniaabot niya dahil nakabara sa lalamunan ko ang chips na kinakain ko kanina. Nakahinga ako nang maluwag nang mawala ang nakabara sa lalamunan ko.

"Ikaw naman kasi, hindi ka nag-iingat. Akala mo naman mauubusan ka ng pagkain. E ang dami-dami naman niyan," sermon niya sa akin.

Awtomatiko namang kumilos ang isang kamay ko at dumapo sa kung saang parte ng ulo niya.

"Mar, naman. Ang hilig mong mambatok. Ako na nga itong concern e," pagmamaktol niya.

"Kaunting pasintabi naman kasi, She. Kumakain ako tapos kung ano-anong lumalabas diyan sa bunganga mo," tugon ko.

"E ano namang masama roon sa tanong ko? Huwag mong sabihing may mahal ka na nga? Yiee. In love na ang besshy ko," panunukso niya sa akin at bigla na lang akong sinundot-sundot sa tagiliran kaya sunod-sunod ang naging tawa ko.

"She, stop it! Haha! She, isa!" pigil ko sa kaniya habang patuloy pa rin siya sa pagsundot sa tagiliran ko na nauwi sa kiliti.

"Dalawa, tatlo. My gosh! Ang galing ko nang magbilang," tuwang-tuwang sabi ni She na akala mo ay dalawang taong gulang pa lang at ngayon pa lang natutong magbilang.

Dahil sa kabaliwan niya ay muli ko siyang binatukan.

"Mar, naman e. Kaunti na nga lang laman ng brainy ko, gusto mo pang maubos kababatok mo. Sige ka, kapag nagka-amnesia ako, wala ka nang babatukan," nakangusong maktol niya.

Hindi ko na napigilan pa ang matawa dahil sa mga kalokohan niya. Seriously? Amnesia? Anong tingin niya sa kamay ko? Bakal?

"Aba, tinawanan daw ba ako ng loka. Kasuhan kita riyan ng child abuse, kababatok mo sa 'kin e," sabi niya pa sabay irap.

"Bakit? Bata ka ba?" natatawang tanong ko sa kaniya.

"Hindi. Pero baby face naman ako," pagmamayabang niya at talagang nagpa-cute pa sa harapan ko.

"Edi ikaw na," pagsakay ko sa trip niya.

"Ako talaga. Ako na ang maganda," nagmamalaking sabi niya na sinabayan pa ng paglalaro niya ng kaniyang buhok.

"Teka, teka. Bakit parang lumalayo tayo sa topic? May tinatago ka, ano?" nakangising tanong niya at dinuro-duro pa ako sa aking dibdib.

"Ano bang topic natin?" kunot-noong tanong ko.

Nalaglag ang balikat at panga niya dahil sa aking sinabi. Unti-unting nanliit ang kaniyang mga mata at pinangkitan niya ako.

"Ano?" takang tanong ko sa kaniya at pinagtaasan siya ng kilay.

The Revenge of a NerdWhere stories live. Discover now