CHAPTER 35: The Blame

3.4K 86 10
                                    

SHEENA'S POV

Nang makarating kami ng ospital ay kaagad na dinala sa emergency room si Mar. Malala ang lagay niya at wala akong alam kung ano ba talagang nangyari at bakit siya nagkagano'n. Nagmamadali siyang umalis at nang sundan namin sila ni Chris ay nakita na lang namin siyang kalong-kalong ni Chris sa gilid ng kalsada, duguan at walang malay.

Ilang beses ko nang sinubukang kausapin si Chris pero hindi ko siya makausap. Hindi siya nagsasalita at nakatingin lang sa kawalan habang walang tigil sa pag-agos ang mga luha niya. Maya't maya rin niyang ginugulo ang buhok niya na para bang nababaliw na siya.

Nasa labas lang kami at hinihintay ang paglabas ng mga nurse at doctor na nasa loob ng emergency room. Nakaupo ako sa isa sa mga upuang nasa labas ng glass door katabi si Peter na panay ang hagod ng likod ko. Kahit wala akong bahid ng luha sa mga mata at pisngi ko ay durog na durog na ako sa loob-loob ko. Pinipilit ko lang magpakatatag para sa kaibigan ko. Ngayong oras na ito niya ako kailangan at hindi ako dapat maging mahina.

Nakatukod ang dalawang siko ko sa hita ko habang ang dalawang palad ko naman ay nasa mukha ko. Taimtim lamang akong nagdarasal. Her life is in danger and it's the least that I could do.

Kasama rin namin sina Justin at mukhang nahimasmasan na sila. Kung si Chris ay nakasandal lang sa pader sa may gilid ko habang nakatingin sa kawalan, silang tatlo naman ay hindi mapakali sa kanilang kinatatayuan. Si Justin ay pabalik-balik ang lakad sa tapat ni Chris habang si Stanley naman ay pader ang pinagdidiskitahan. Pinagsusuntok ni Stanley ang pader habang panay ang mura niya. Si Ryan naman ay ginugulo-gulo ang kaniyang buhok habang panay ang mura niya.

Alam kong hindi sana nangyari ang nangyari na kung hindi sinabi nina Justin kay Mary ang tungkol sa larong inimbento nilang magbabarkada. Pero hindi ko naman sila masisisi. Alam kong nagawa lang nila 'yon dahil sa impluwensiya ng alak. Aminin man nila o hindi, alam kong kaibigan na rin ang tingin nila kay Mar at sa nakikita ko ngayon ay nag-aalala rin sila sa lagay niya. Wala naman sigurong ni isa sa amin ang may gusto sa nangyari. Lahat kami ay nag-aalala at kinakabahan sa maaaring mangyari kay Mar.

"Chris, ano ba talagang nangyari?" pagsasatinig ko sa tanong sa isipan ko nang mapansin kong medyo nahihimasmasan na si Chris.

"Na-Nasagasaan siya ng isang kotse ha-habang patawid ng kalsada," matamlay at nahihirapang sagot niya.

Bigla namang nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. "Na-Nasaan ang driver ng kotse na nakasagasa sa kaniya?" tanong ko sa nanginginig na boses.

Gusto kong makita ang responsable sa nangyari sa kaibigan ko. Gusto ko siyang sapakin hanggang sa wala na siyang mukhang maiharap sa tao.  Ang lawak-lawak ng kalsada kaya hindi ko lubos maisip kung paanong nangyari ang aksidente.

"He ran away," nagngangalit na sagot ni Chris kasabay ng pagkuyom ng kaniyang kamao.

Maging ako man ay nakaramdam ng galit sa drayber ng kotse na nakasagasa kay Mar. Ni hindi man lang niya tinulungan si Mar o inalam man lang ang lagay nito. He deserves to rot in jail.

Magsasalita pa sana ako nang may nurse na nagmamadaling lumabas ng emergency room na puno ng dugo sa damit niya. Napatayo ako sa kinauupuan ko at ganoon din si Peter habang napatuwid naman ng tayo ang apat pa naming kasama.

"What happened?" we asked in chorus.

Mukhang nagmamadali ang nurse at natataranta pero nagawa pa rin nitong tumigil sa tapat namin.

"Kayo ba ang kasama ng babaeng nasagasaan?" seryosong tanong ng nurse sa amin na nagpabilis ng tibok ng puso ko sa kaba sa hindi ko malamang dahilan.

"Ka-Kami nga," sagot ko.

Hindi ko na magawa pang magsalita nang maayos dahil sa panginginig ng labi ko at pangangatog ng mga tuhod ko dahil sa labis na kaba.

The Revenge of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon