CHAPTER 26: Sports Fest 2

2.5K 77 0
                                    

MARY'S POV

Ikalawang araw na ngayon ng Sports Fest at nasa loob kami ng gym para i-cheer ang team nina Chris na maglalaro ng basketball. Kabilang sila sa Team D kaya hindi na namin pa tinangkang isuot ni She ang uniporme ng team namin.

Basta na lamang akong kinaladkad ni She patungong gym kaya sa halip na magmukmok ako sa isang sulok ay narito ako at nagtitiis sa maingay na paligid.

Magsisimula na ang laro kaya nagsitayuan na sina Peter mula sa pagkakaupo nila sa bleacher at naglakad na papuntang gitna kung saan sila maglalaro. Luminga-linga si Peter sa paligid na para bang may hinahanap siya. Nang mahagip ng kaniyang paningin ang katabi kong si She ay ngumiti siya nang pagkatamis-tamis at nag-flying kiss pa kay She na kunwari ay sinalo naman ng katabi ko na hindi na magkandamayaw sa kilig.

"OMG! Ngumiti sa akin si Peter!"

"Ngumiti lang sa 'yo! E sa akin nag-flying kiss pa siya."

"Mga ambisyosa kayo! Hindi ba ninyo nakitang sa akin siya nakatingin?"

Malinaw naming naririnig ang usapan ng tatlong kababaihan sa aming likuran. Nagulat na lang ako nang biglang tumayo si She at iniabot sa akin ang banner na kanina niya pang hawak. Nakapamaywang niyang hinarap ang tatlong nag-uusap sa likuran namin na parang ginawang coloring book ang mga mukha sa sobrang kakapal at kukulay ng makeup nila.

"Hoy! Kayong malalanding ilusyonadang clown kayo! Huwag nga kayong mag-ambisyon diyan! Kahit kailan ay hindi kayo papansinin ng boyfriend ko!" sikmat ni She sa mga babaeng nasa aming likuran at dinuro-duro pa niya ang mga ito.

Bigla na lamang humagalpak ng tawa ang tatlo na siyang mas ikinainit ng ulo ni She. Napatayo na ako mula sa aking pagkakaupo dahil alam ko na ang susunod na mangyayari kapag nagtuloy-tuloy pa ito.

"Giyera na 'to," nasambit ko na lamang sa aking sarili habang pinapanood si She sa pinaggagagawa niya.

"At anong nakakatawa, ha?" mataray na tanong ni She.

"Ikaw," tumatawang sagot ng tatlo.

"Nakakatawa pala ah? E kung pag-umpugin ko kaya kayo riyan?" pananakot ni She sa tatlo.

Hahawakan na sana ni She sa buhok ang dalawang babaeng nasa magkabilang gilid nang pigilan ko siya.

"She, calm down. Pinapairal mo na naman ang pagka-war freak mo," pigil ko kay She bago pa siya tuluyang sumabog sa galit.

"E sa nanggigigil na ako sa mga ilusyonadang 'to e," nagpipigil sa galit na sagot ni She.

"Kami, ilusyonada? E ikaw nga itong nagki-claim na boyfriend mo si Peter e," maarteng sagot ng nasa gitna na sobrang dark ng makeup.

"Bakit? Boyfriend ko naman talaga siya ah! You want proof?" panghahamon ni She sa tatlo na sabay-sabay naman nilang ikinatawang magbabarkada.

"Ako pa talaga ang hinamon mo ah! Sige nga, patunayan mo at nang mapahiya ka!" mataray na sagot ng babaeng nasa kanan na may napakalaking hikaw.

"Just watch and learn," nakangising sagot ni She sa tatlo at muling humarap sa direksyon nina Peter.

Tumingin na rin ako sa direksyon nina Peter para abangan sana ang gagawin ni She ngunit halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang makitang nakatingin din sa direksyon ko si Chris habang nakangiti siya nang malapad. Nag-aalangan naman akong ngumiti sa kaniya. I mouthed him good luck.

"Good luck, bhe! Mahal na mahal kita! Ilampaso mo silang lahat! Ikaw ang MVP ng buhay ko!" buong lakas na sigaw ni She na hindi alintana ang mga matang nakatuon sa kaniya.

The Revenge of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon