CHAPTER 64: A Fairytale Come True

1.9K 46 0
                                    

MARY'S POV

Isang linggo na ang lumipas at nakapagtatakang hindi pa rin bumabalik si Ford hanggang ngayon. Pero hindi na mahalaga 'yon. Mas mabuti nga 'yon dahil nabibigyan kami ng oras na ma-enjoy pa ang moment namin ni Chris nang magkasama nang walang iniisip na problema at walang inaalalang kahit na ano.

Araw ng Sabado at tulad ng nakagawian ko ay nakakulong lang ako sa bahay at nagbabasa ng librong nabili ko kahapon sa isang bookstore. Wala si She kaya wala akong magawa bukod sa magbasa. Paano ba naman kasi ay may date sila ni Peter at ganoon din sina Bea habang kasama naman ni Tita Tina sina Krystal at Ate Tin sa isang business trip kaya wala akong mayayang lumabas para samahan akong magliwaliw.

I was busy reading a book when my phone rang. Agad kong sinagot ang tawag nang hindi inaalam kung sino ang caller.

"Who's this please?" bungad kong tanong sa caller.

"Ang taray ng pang-welcome niya oh. Wala man lang bang hello riyan?"

It's She. Tss. Akala ko ba may date 'tong bruhang 'to?

"What do you want?" irita kong tanong.

Ano kayang pumasok sa kukote ng isang 'to at tumawag sa kalagitnaan ng date nila ni Peter?

"Nandito ako sa mall ninyo. Be here. I have something to show you," tila nagmamadaling sagot ni She.

"What is it?" walang kagana-gana kong tanong.

Ano kayang binabalak nito? Tiyak kong may binabalak 'to. Hindi naman 'yon basta magyayaya sa kalagitnaan ng date nila ni Peter kung wala siyang pinaplanong kung anong kabaliwan.

"Just be here, okay? He's waiting," may diing sagot niya.

Bigla namang nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi ni She. Sino namang naghihintay sa 'kin? E si Peter lang naman ang kasama niya. Nababaliw na yata 'tong bruhang 'to e.

"Who?" salubong pa rin ang kilay na tanong ko.

"Anong who?" takang tanong niya.

"Who's waiting for me?" paglilinaw ko sa tanong ko.

"Malamang ako. Alanga namang ikaw. So ano 'yon? Hihintayin mo sarili mo? Utak, please," pambabara niya sa akin na ikinaikot ng mata ko.

"Tss! Stop playing games. You mentioned earlier that it was a guy. So tell me, who is it?" mataray kong tanong.

"Patay," bulong ni She sa kabilang linya.

"Why? What's wrong?" takang tanong ko.

"Iyong tainga mo. W-Wala naman akong si-sinasabing ganoon ah. A-Ako ang naghihintay sa 'yo," nahihirapang sagot niya.

Tss! She's stammering. What is she up to this time? It seemed like she's hiding something and I think I know exactly what it is. Halata naman e. Sa pagsasalita niya pa lang ay halatang-halata na. Siya kasi iyong tipo ng tao na hindi mapagkakatiwalaan ng sikreto dahil sa bunganga niyang palaging active.

"Okay," tipid kong sagot dahil sayang naman ang hinanda nila kung hindi ako pupunta.

"Anong okay?" naguguluhang tanong niya.

"I'll be there," tipid kong tugon.

Pinanatili kong walang emosyon ang boses ko para hindi niya matunugang alam ko na ang pinaplano nila.

"Talaga?" masiglang tanong niya kasabay ng pagtaas ng boses niya.

"Yeah," wala pa ring ganang tugon ko.

"Wear something nice. Text mo ako kapag malapit ka na," mahigpit na bilin niya.

Gotcha! My guess was right after all. Wear something nice, huh? She don't need to remind me at all. I know exactly what to wear and what to do.

The Revenge of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon