CHAPTER 39.2: Perseverance

3K 71 0
                                    

A/N: Hey, revengers. I just want to make things clear. This chapter is somewhat related/connected to the previous chapter so don't be confuse. I just want you to know what really happened outside while Mary was taking her bath during that time and why She was acting weird. I also wrote this chapter para ipakita ang side ni Chris. Nawawala na kasi siya sa picture. Pansin ko kasing umiikot na lang tayo kay Mary at sa kuya niya. So here it comes. Enjoy.

♡•♡•♡•♡•♡

CHRIS' POV

Ilang beses na akong pabalik-balik sa ospital para sana bisitahin si Mary pero palagi akong hinaharang ng guwardiya at madalas din ay ang kuya na mismo ni Mary ang humaharap sa'kin para lang ipagtabuyan ako. Ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin ako tumigil sa pagpapabalik-balik sa ospital. Nagbabaka sakali pa rin akong makita o masilayan man lang siya.

Gustong-gusto ko na siyang makita at hindi ako titigil hanggang hindi ko siya nakakaharap at naipapaliwanag ang lahat. Alam kong may pag-asa pa. We can still fix this and make things right. Ang kailangan ko lang ay maging matiyaga sa paghihintay ng araw kung kailan ko siya masisilayang muli.

"Oh? Tofer, saan ang punta mo?" takang tanong ni ate nang magkasalubong kami sa main door.

Papasok siya ng bahay habang palabas naman ako. Nanggaling siya sa airport para ihatid si mommy sa flight niya para sa isang business trip.

"May bibisitahin lang ako," tanging sagot ko.

Hindi ko pupuwedeng sabihin sa kaniya na sa ospital talaga ang punta ko dahil hindi siya sang-ayon sa pagpapabalik-balik ko sa ospital. Nalaman niya kasi ang ginawa sa akin ng kuya ni Mary at kung paano ako itaboy nito at ng guwardiya sa tuwing pupunta ako roon kaya ayaw niyang bumalik pa ako ng ospital.

"Sino?" seryosong tanong ni ate na bago sa pandinig at paningin ko.

"Just a friend of mine," I lied.

I have to lie for her own sake. Ayoko siyang mag-alala pa. Marami na siyang problema at ayoko ng dumagdag pa.

"Kuya, bibisitahin mo ba si Ate Mary? Can I go with you?" masayang tanong ni Krystal na bakas sa mukha ang pananabik na makita si Mary.

Ibubuka ko pa lamang sana ang aking bibig para magsalita nang maunahan ako ni ate na sumagot.

"No, baby. Kuya is not going there," pilit ang ngiting sagot ni ate saka ako binalingan ng tingin. "Right, Tofer?"

Ito ang dahilan kung bakit ako nagsinungaling at inilihim sa kaniyang ang patuloy kong pagpapabalik-balik sa ospital. Mapag-usapan pa lang namin si Mary ay agad na siyang tumututol. Pero ngayong napag-usapan na rin namin ang tungkol sa bagay na ito ay siguro mas maiging sabihin ko na lang ang totoo kaysa patuloy pa akong magsinungaling at maglihim.

"I'm sorry but I am going to visit her," mahinang sagot ko.

"What? Are you out of your mind? Have you gone insane? Hindi ka pa ba nagtanda sa pambubugbog sa'yo ng kapatid niya?" dismayadong sunod-sunod na tanong ni ate sa halos pasigaw na boses.

Ito ang kauna-unahang pinagtaasan niya ako ng boses kaya matagal bago ako nakabawi sa gulat.

"No, I'm not. Pero talagang masisiraan ako ng bait kapag hindi ko pa siya masilayan. I can't just sit her and do nothing while she's suffering," mahinang sagot ko na sapat lang para marinig niya.

Tahimik lang na nakikinig sa amin si Krystal. Nagtatanong ang mga mata niya pero mas minabuti na lamang niyang manahimik. Kahit naman sagutin namin siya at ipaliwanag sa kaniya kung anong nangyayari ay hindi pa rin naman niya maiintindihan dahil masyado pa siyang bata para sa mga ganitong bagay.

The Revenge of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon