CHAPTER 50: His Effect

1.8K 44 0
                                    

SHEENA'S POV

"Ano ba, Mar! Matagal ka pa ba riyan?" sigaw ko kay Mar mula sa labas ng kwarto niya.

Mag-iisang oras na siya sa loob ng kwarto niya at nakailang balik na ako sa tapat ng pinto nito. Kulang na nga lang ay pakasalan ko ang pinto ng kwarto niya.

"Sandali na lang! I'm almost done!" sigaw rin niya mula sa loob.

Napapailing na lamang ako dahil sa sigawan namin. Kanina ko pa siya kinukulit na papasukin ako pero ayaw niya akong pagbuksan ng pinto. Buti na lang at nasa trabaho na si tito habang nasa hardin naman si tita at abala sa pagdidilig. Kapag nagkataon ay baka pag-untugin pa nila kami sa sobra naming kaingayan.

"Kanina pa 'yang sandali mo! Kapag ako naasar sa 'yo, ipapagiba ko 'tong bahay ninyo!" asar kong sigaw sa kaniya.

Sa inis ko ay pinagsisipa ko ang pintong nasa harapan ko.

"Come on, try it," hamon niya sa akin at kahit hindi ko siya nakikita ay tiyak kong nakangisi na siya ngayon.

Pasalamat talaga siya na may pintong nakapagitan sa amin. Kung hindi ay baka nabatukan ko na siya. Iyong tipong magkaka-amnesia siya at makakalimutan niyang maging cold.

"Haist! Tagal mo. Doon lang ako sa sala. Baba ka na lang kapag tapos ka na riyan," tanging sabi ko na lang dahil wala naman na akong pamimilian. Hindi naman pwedeng tumunganga ako maghapon sa labas ng kwarto niya.

"Yes, yaya," mapanuksong tugon niya.

"Yaya mo mukha mo! Baliw!" malakas kong sigaw sa kaniya.

Hindi na ako nakipag-argumento pa sa kaniya. Inis akong pumihit paharap ng hagdan na maghahatid sa akin sa sala.

Narinig ko pa ang mahinang tawa niya mula sa loob ng kaniyang kwarto bago ako tuluyang makalapit ng hagdan. That's why I love her despite of her changes and such. Sa iba lang naman kasi nagbago ang pakikitungo niya. But if it were only the two of us, she's still the same. No changes at all.

Tumuloy na ako sa pagbaba ko ng hagdan. Pabagsak akong naupo sa mahabang sofa dahil sa biglang pagkaantok ko. Hindi pa man sumisikat ang araw ay nasa bahay na ako nina Mar dahil hindi pwedeng mahuli kami sa nakatakdang oras para sa aming pagtatanghal ng sayaw.

Ilang minuto na akong naghihintay sa sala habang panay ang hikab ko pero wala pa rin ni anino ni Mar. Wala sa sariling napabaling ang tingin ko sa wall clock na nasa harapan ko at halos lumuwa ang mata ko nang makita ko kung anong oras na. Ilang minuto na lang bago magsimula ang flag ceremony kung kailan magtatanghal ng sayaw ang lahat ng strand.

Mabilis kong tinakbo ang hagdan paakyat ng kwarto ni Mar. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto niya ay pipihitin ko pa lang sana ang doorknob nang kusang bumukas ang pinto at iniluwa ang babaeng kanina ko pang pinapatay at binubugbog sa isipan ko. Napakasimple ng suot niyang dress at walang gaanong disenyo pero nagawa nitong magmukhang elegante habang suot niya na nakapagpalitaw ng kaputian niya dahil sa labas niyang balikat.

"Oh? Natulala ka riyan? Nagpa-fly hunting ka ba?" nanunudyo niyang tanong habang may sinusupil na ngiti sa mga labi niya.

Dahil sa sinabi niya ay saka ko lang namalayang nakatulala na pala ako sa kaniyang harapan habang titig na titig sa mukha niya. Ngunit sa halip na mag-iwas ako ng tingin ay pinasadahan ko pa ng tingin ang buong ayos niya mula ulo hanggang paa.

"Ganda ko, ano?" Gumuhit ang mapang-asar niyang ngisi habang itinataas-baba ang kaniyang kilay. "Ano? Natitibo ka na ba?"

Bigla naman akong napairap sa hangin dahil sa kayabangan niya. "Asa ka!"

The Revenge of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon