CHAPTER 65: The Villains

1.8K 34 0
                                    

MARY'S POV

Matapos ang nangyaring concert sa mall ay nagkayayaan ang buong barkadang gumala. Gabi na nang mapagdesisyunan naming umuwi kaya nagprisinta na si Chris na siya na ang maghahatid sa akin pauwi dahil baka kung ano raw ang mangyari sa 'kin sa daan at siya na rin daw ang bahalang magpaliwanag kina mommy kung bakit ako ginabi.

Malayo pa lang kami ng bahay ay tanaw ko na ang isang itim na kotse na nakaparada sa labas ng gate.

"Are you expecting some visitor?" seryosong tanong ni Chris na diretso rin ang tingin sa kotseng nakaparada sa labas ng gate.

"Nope," tipid kong sagot.

"Then whose car is that?" naguguluhang tanong niya.

"I don't know," kibit-balikat kong sagot.

Pagkaparada ni Chris ng kotse niya sa tapat ng bahay sa likod ng itim na kotse ay agad siyang bumaba ng kotse at siya na ang nagbukas ng pinto para sa 'kin. Magkahawak-kamay kaming naglakad papasok ng bahay at masayang pinag-usapan ang mga nangyari ngayong araw. Ngunit bigla na lang napawi ang ngiti ko nang may isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko nang makapasok kami ng bahay.

"Pia?"

Pakiramdam ko ay nawalan ng kulay ang balat ko. Pero sa kabila nito ay lakas-loob ko pa ring hinarap ang may-ari ng boses na tumawag sa 'kin.

"Ford? Anong ginagawa mo rito?" gulat kong tanong kay Ford habang pilit ko pa ring itinatago ang pagkataranta ko.

"I should be the one asking that. What is he doing here? And why are you together?" pagbabalik ni Ford ng tanong sa akin at binigyan ng matalim na tingin si Chris.

Bumaba ang tingin ni Ford sa kamay namin ni Chris na magkahawak. Pero sa halip na bumitiw ako ay mas hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kamay ni Chris para iparamdam at ipakita sa kaniya na kaya ko siyang ipaglaban sa kahit sino at hindi ko siya ikinahihiya. Maging si Chris ay humigpit din ang hawak sa kamay ko na para bang wala na siyang balak pang bumitiw.

"Nandito ako para ihatid siya. How about you?" matapang na sagot ni Chris at sinalubong ang matalim na tingin sa kaniya ni Ford.

"Ihatid? Are you her driver? Bodyguard?" mapang-asar na tanong ni Ford.

Ramdam ko ang lalong paghigpit ng hawak ni Chris sa kamay ko kaya alam kong nagtitimpi lang siya pero ang totoo ay gustong-gusto na niyang patulan si Ford.

"I'm—"

Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin sana ni Chris at ako na mismo ang sumagot.

"He's my boyfriend, Ford. So please be nice to him. Huwag mo siyang bastusin sa harapan ko," mariing sagot ko na may himig ng pagbabanta.

Bigla namang kumunot ang noo ni Ford at gulat niya kaming tiningnan ni Chris.

"What? He's now your boyfriend?" hindi makapaniwalang tanong ni Ford habang dinuduro-duro pa si Chris.

"Yes. Any problem with that?" nakataas ang kilay kong sagot sa paraang nanghahamon.

"How? I've been only gone for two weeks and this is what happened? You said you won't let him fool you. Then what the h*ll are you doing right now?" dismayadong tanong ni Ford.

"Hindi pagpapauto ang tawag dito. I'm just being brave enough to face my own fear. I love him. Sana matanggap mo 'yon," I firmly answered.

Kahit ano pang sabihin ni Ford, hinding-hindi niya na mababago pa ang isip ko. Ipaglalaban ko kung anong nararamdaman ko. Ipaglalaban ko ang taong mahal ko kahit sino pang makaharap ko.

The Revenge of a NerdOnde as histórias ganham vida. Descobre agora