CHAPTER 34: Disclosure

2.9K 74 1
                                    

MARY'S POV

Kaagad akong kumalas mula sa pagkakayakap sa akin ni Chris at nagtataka kong nilingon ang pinanggalingan ng palakpakang naririnig ko. Sa paglingon ko sa gawing kaliwa ko ay sina Justin, Ryan at Stanley ang bumungad sa akin. Nakatayo sila ilang metro ang layo mula sa amin. Nakatingin sila sa amin na may mapupungay na mga mata habang patuloy pa rin sila sa pagpalakpak. Hindi rin nila magawang tumayo nang maayos, senyales ng kanilang kalasingan.

"Justin? Stanley? Ryan?" gulat na tanong ni Chris sa tatlo at pinaglipat-lipat ang tingin niya sa mga ito. 

"Hey, bro," bati ni Stanley kay Chris at itinaas pa ang kanang kamay niya na para bang may tinatawag siya mula sa malayo.

"Oh. Manang Mary, ikaw pala," pagbaling sa akin ni Stanley na siyang ikinangiwi ko.

"What are you doing here?" tanong ni Chris nang hindi man lang inaabala ang sarili niyang lapitan ang tatlo.

Pagiwang-giwang na naglakad ang tatlo papunta sa direksyon namin. Hindi ko naman maiwasan ang matawa habang pinapanood silang magmurahan sa tuwing magkakabanggaan silang tatlo habang naglalakad.

"We're here to congratulate you," nakangising sagot ni Ryan.

Hindi ko maipaliwanag kung anong mayroon sa sinabi ni Ryan at bigla na lang akong nakaramdam ng kakaibang kaba. Parang namanhid din ang buo kong katawan at bigla na lang nangatog ang mga tuhod ko.

"Co-Congratulate for what?" takang tanong ko sa nanginginig kong labi sa hindi ko malamang dahilan.

Hindi maganda ang pakiramdam ko. Parang may hindi magandang mangyayari.

"For winning. You won, bro! Nagawa mong ipanalo ang laro! We're so proud of you!" puri ni Justin kay Chris na tinapik pa si Chris sa kanang balikat niya.

Wala akong maintindihan sa kung ano mang pinagsasasabi ni Justin. Salubong ang kilay kong binalingan ng tingin si Chris para sana alamin kung may alam ba siya sa mga nangyayari. Mula sa nanlalaki niyang mga mata, paninigas at pagkabalisa niya ay masasabi kong may alam nga siya na hindi ko alam.

Ramdam ko ang unti-unting pagbigat ng paghinga ko at ang lakas ng tibok ng puso ko. Sa itsura niya ngayon ay mukhang may dahilan para kabahan ako ng ganito.

"Anong laro ang tinutukoy mo?" tanong ko kay Justin habang pilit kong itinatago ang takot ko sa maaari kong marinig.

"Do-Don't mind them, Mary. They're just drunk," pamamagitan ni Chris na mukhang nagbalik na sa kaniyang huwisyo.

I can sense the uneasiness in his voice. He's really hiding something. I can feel it.

"No. I want to know the truth," mariing sagot ko at muli kong binalingan ng tingin sina Justin.

"What's this game that you are referring to?" I asked Justin.

"You're asking us to tell you the truth? Are you sure about that, my dear?" tanong ni Justin sa nakakainsultong paraan na para bang may kagagahan akong ginawa.

"Yes, I want to know the whole truth," I said emphasizing the last two words.

I want them to know that I am not kidding. I'm not in the mood right now to do so. So they better give me the answer I want if they don't want to see the side of me that they never imagined.

"Well—"

"Justin, shut the f*ck up!" sigaw ni Chris para putulin ang ano mang sasabihin ni Justin.

Binalingan ko ng tingin si Chris. Pinaningkitan ko siya ng mga mata at sinubukang basahin ang ekspresyon ng mukha niya.

"Why did you stop him, Chris? Are you hiding something?" nagdududang tanong ko kay Chris.

Ayoko sanang pagdudahan si Chris lalo pa't kabibigay ko pa lang ng tiwala ko sa kaniya pero hindi ko talaga maiwasang magduda. Sa inaasal niya ngayon ay para siyang may itinatago at mukhang wala siyang balak ipaalam ito sa akin. Ngunit kailangan kong malaman kung ano ang itinatago niya kung gusto niyang magtiwala ako sa kaniya nang buo.

"No, of course not! I'm not hiding anything from you!" giit ni Chris.

"Then why are you acting like one?" Pinagtaasan ko siya ng kilay at binigyan ng tinging nanghahamon.

Laking gulat ko nang hindi makasagot si Chris at sa halip ay nag-iwas siya ng tingin. Ngunit sa halip na pigain pa siya at paaminin ay mas pinili kong balingan ng tingin si Justin upang sa kaniya hingin ang kasagutang nais kong marinig.

"Now, Justin," pagbaling ko kay Justin. "Mind to tell me what is this all about?" muling tanong ko kay Justin na ngayon ay bahagya nang napapapikit pero muli ring napapamulat tuwing nararamdaman niyang pabagsak na ang ulo niya.

Sasabad pa sana si Chris nang pigilan ko siya. Mahigpit kong hinawakan ang kaliwang kamay niya kaya ang tanging nagawa na lamang niya ay tapunan ng matatalim na tingin si Justin na para bang binabalaan niya ito. Ngunit sa halip na matakot ay tinugon lamang siya ni Justin ng isang nakakalokong ngisi.

"Everything was just part of the game," nakangising sagot ni Justin.

"What do you mean?" naguguluhang tanong ko.

Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko dahil sa ideyang pumasok sa utak ko sa sinabing iyon ni Justin. May ideya na ako sa kung ano mang sasabihin ni Justin ngunit gusto ko pa rin itong marinig mula sa bibig niya mismo. I don't want to conclude anything as early as now. I want to hear him out first which turns out to be my biggest mistake that I will surely regret for the rest of my life.

"We had a game or more like a challenge for Chris. That game is to make you fall in love with him to save his condo from being our hangout place. Unfortunately, you fell into his trap," nakangusong sagot ni Justin ng may namumungay na mga mata.

I felt like my heart has been shattered into pieces as my world collapsed. Nanginginig kong inalis ang pagkakahawak ko sa kamay ni Chris at maging ang mga hawak ko sa kabila kong kamay ay bigla na lang bumagsak sa damuhan kasabay ng pagbagsak ng mga luha kong parang gripo sa lakas ng agos.

Bakit? Bakit niya nagawa sa akin 'to? Pinagkatiwalaan ko siya. Sumugal ako sa kaniya sa kabilang ng takot ko pero anong ginawa niya? Pinaglaruan lang niya ako.

"Mary, let me explain," nagsusumamong sabi ni Chris na basag na ang boses.

Sinubukan niyang hawakan ako sa braso ngunit kaagad akong humakbang paatras para lumayo sa kaniya. Nang tangkain niya akong lapitan ay mabilis akong tumakbo palayo.

Ilang beses kong narinig ang pangalan ko na paulit-ulit nilang tinawag pero hindi na ako nag-abala pang lumingon sa aking likuran at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Hindi ako tumigil hanggang sa tuluyan na akong makalayo ng hardin habang nakasunod pa rin sa akin si Chris.

"Mary, wait!" tawag niya sa pangalan ko pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo.

Nang marating ko ang main gate ay hindi na ako nagdalawang-isip pa at kaagad akong lumabas ng campus at tumawid sa madilim na kalsada nang hindi man lang inaabala ang sarili kong tingnan ang magkabilang direksyon ng kalsada. Nasa kalagitnaan na ako ng kalsada nang bigla akong makarinig ng ingay na nanggagaling sa isang sasakyan. Nang tingnan ko ang pinanggagalingan ng ingay na narinig ko ay isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa akin na siyang nakapagpapikit at nakapagpatigil sa 'kin.

Huli na nang maging malinaw sa akin ang nangyayari at ang sitwasyong kinalalagyan ko. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na tumilapon sa ere matapos akong bumangga sa isang mala-bakal na bagay. Tumama ang katawan at ulo ko sa isang matigas na bagay na dahilan ng pagkahilo ko at pag-ikot ng paningin ko. Ramdam ko rin ang unti-unting pagbigat ng talukap ng mga mata ko at panlalabo ng paningin ko.

"Mary!" Rinig ko pang sigaw ni Chris bago tuluyang magdilim ang paningin ko at bago tuluyang bumigay ang katawan ko.

The Revenge of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon