CHAPTER 56: Friendship Matters

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hello? Hindi pa ba obvious? Ano pa? Edi dahon ng puno," pambabara ni Karla kay Mary.

"Alam ko na!" Bea exclaimed all of a sudden.

"Anong alam mo na, Bea? Alam mo na bang hindi ka talaga maganda at feeling mo lang 'yon?" seryosong tanong ni Karla na ikinatalim ng tingin ni Bea sa kaniya.

"Bobita ka! Hindi 'yon, 'no! Ang ibig kong sabihin ay alam ko na ang sagot," paglilinaw ni Bea sa sinabi niya.

"Weh? Seryoso? Ikaw, magkakalaman ang utak? Huwaw! May himala!" hindi kumbinsidong tanong ni Karla.

"Wow naman! Hiyang-hiya naman ako sa 'yo, Bess. Makapagsalita ka, akala mo naman kung sinong matalino, ano? Last time I checked, ni hindi nga nagkakalayo ang IQ natin," pang-iinsulto rin ni Bea sa kaibigan.

"So kailangang i-voice out, bess? Kulang pa ba? Gusto mo i-broadcast mo pa para masaya e," sarkastikong tugon ni Karla.

"Wait, wait, wait. Awat na girls, okay? Let's get back to business. So, Bea, what were you saying a while ago?" pagsingit ni Peter para matigil na ang bangayan ng dalawa.

"As I was saying, I... I... Ayan! Nakalimutan ko tuloy! Epal kasi 'tong si Karla e," paninisi ni Bea kay Karla nang makalimutan na niya ang sana'y sasabihin niya.

"Aba't sinisi pa ako," hindi makapaniwalang wika ni Karla. "Ang sabihin mo, wala naman talagang laman 'yang utak mo. Nag-iinarte ka lang."

"Hindi kaya! Totoong alam ko na kanina ang sagot e. Kung hindi ka lang sana umepal," giit ni Bea.

"Naku! Sisihin daw ba ako. Batukan kita riyan e," pagbabanta ni Karla.

"Para talaga kayong mga aso't pusa. Itigil na nga ninyo 'yan at baka kung saan pa mapunta 'yang bangayan ninyo," tumatawang pag-awat ni Justin sa dalawang nagtatalo.

"E kasi itong si—"

"Wait! Naaalala ko na!" biglang sigaw ni Bea na umagaw sa atensiyon ng lahat at pumutol sa sana'y sasabihin ni Karla.

"Ano na?" puno ng kuryusidad na tanong ng lahat maliban kay Karla na panay ang irap at ikot ng mata dahil iniisip niyang nag-iinarte lang talaga si Bea.

"Iyong puno," mabilis na tugon ni Bea na wala ng mapagsidlan ng excitement niya.

"Oh? Anong mayroon sa puno?" takang tanong ni Sheena.

"Nasa puno ang sagot!" pasigaw na sagot ni Bea.

"Paanong—wait. I get your point. Nang mag-angat tayo ng tingin, we got to say the leaves of the tree." Hindi na maitago pa ni Peter ang kaniyang labis na tuwa dahil sa wakas ay nakuha rin nila ang sagot sa bugtong.

"And the riddle says 'Without me, you can't live. But my life depends on you. You can cut my lifespan anytime you want. I am providing you with your basic needs.' Trees are providing us with fruits which is part of our basic needs. Therefore, we can't live without it. But its life depends on us. We can cut it anytime we want," pag-uulit ni Mary sa nakasulat na bugtong sa papel.

"Shoots! That's it!" magkapanabay na sigaw nina Justin at Stanley.

"Teka. Ano ngang sabi sa dulo?" biglang tanong ni Ryan.

"Climb up high through me and you'll see what you are looking for," Peter stated.

"Wait. Don't tell me—"

"Absolutely, yes. Kailangan nating umakyat sa punong 'to para makakuha ng next clue," Sheena answered.

"Naku! Pass ako riyan. Bahala kayong umakyat. Huwag ninyo akong idamay sa kabaliwan ninyo," agarang pagtanggi ni Bea.

The Revenge of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon