Chapter 6: Alexis Past (Continuation)

शुरू से प्रारंभ करें:
                                    

Lalong nanigas si Alexis ng biglang may narinig syang bumagsak sa likuran nya kaya walang pagdadalawang isip nyang lumingon upang malaman ang nangyari.

Ganoon na lang ang pagsisi ni Alexis ng makita nya ang sinapit ng lalaki. Nakadilat ang mga mata, umaagos ang dugo na mula sa nakatarak na kutsilyo sa kanyang bunbunan papuntang lapag at ang damit nito na kulay puti na marungis ay nabahiran na ng dugo.

"Aaaahhhh!!" Sigaw ni Alexis at napaatras sya ng makita nya ang isang babae na nakamaskara na nakatingin sa kanya.

Nagpumiglas bigla si Alexis ng may taong tumakip sa kanyang ilong gamit ang panyo, at nalanghap ni Alexis ang amoy dun sa panyo, dahil dun unti-unting bumigat ang talukap ng mata nya at doon ay nawalan sya ng malay.

"Tinakot mo ang bata Kate." Sabi ng lalaki na inaalalayan ang walang malay na si Alexis.

"I just did my job Tress." Malamig na saad ni Kate at hinugot nya ang kanyang dagger sa bunbunan ng lalaki.

"Your disgusting." Nandidiring saad ni Tress ng hugutin ni Kate ang dagger sa bunbunan ng lalaki.

"Huwag kang maarte para kang babae eh." Iritableng saad ni Kate na nagpatawa kay Tress.

Binuhat ni Tress ang batang si Alexis ng bridal style at umalis sila sa lugar na iyon.

"Yow mga tsong!! Antagal nyo yata." Sabi ng lalaking sumalubong kay nila Tress at Kate na lumabas galing sa Van.

"Well we watch a live show." Sabi ni Kate at ngumisi sabay baling ng tingin sa batang babae na mahimbing na natutulog.

"Do you think she's qualified?" Sabi ng lalaki habang nakatingin din kay Alexis.

"Yes she is Fade, we saw her performance earlier." Sabi ni Tress na nagpatango kay Kate.

"We should get going. Ayaw pa naman ni Master na matagal tayo." Sabi ni Kate at pumasok kaya nagsipasukan na ang tatlo sa van.

[ 091810 20:42 somewhere in Laguna ]

Naglalakad ang grupo ni Kate sa hallway ng lugar na kanilang kinalakihan. Ang kanilang tinitirahan ay japanese style house na makikita mo sa anime at ang kanilang suot ay parang shinigami sa bleach.

Habang ang batang si Alexis ay kanilang iniwan sa isang silid at bago sila umalis ay nasigurado na nila na nakalock ang pinto.

Napahinto ang grupo ni Kate sa paglakad ng nasa harapan na sila ng kwarto na tinatawag nilang "Master."

"Sigh.... Andito na po kami Master." Seryosong saad ni Kate at ang dalawang kasama nya na si Fade at Tress ay tumigil sa pagkukulitan.

"Pumasok kayo." Nanindig ang mga balahibo ng tatlo ng marinig nila ang malamig at nakakatakot na boses ng kanilang master.

Pumasok sila Kate, Fade, at Tress. Nang maisarado nila ang sliding door ay dali-dali nilang iniluhod ang kanang paa habang ang kaliwa ay nakabend lang, itinukod nila ang kanilang kanang kamay at iniyuko nila ang kanilang ulo upang magbigay galang.

"Nakakuha na po kami ng limang bata." Seryosong pagbabalita ni Tress sa kanilang master.

Inside In Her Maskजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें