"kung 'yan gusto mo. By the way, punta ka sa sabado ah?"

"ano na naman 'yan?"

"Birthday ng kapatid ko. Baka makapunta ka, dalhin mo narin si Franchette ah?" aniya. Sabi ko na nga ba, there is something with them. Ohmy, nasasaktan nako.

"Sorry, pero may group project pa'kong pupuntahan sa sabado." pagdadahilan ko ulit. Demonyo na kung demonyo,desperada na kung desperada, pero ayokong mapunta sa kaniya si Chette kahit na bestfriend ko ang gagang 'yon.

"ays sayang." parang nalugmok ang ekspresyon niya sa sagot ko. Fuckshit malutong! Bakit ang gwapo ng kumag na'to? Akin kana lang pleaseeeeee. Djwk lang di po ako baliw sa pag-ibig. Hihe.

"uhm...sige try ko." hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang salitang 'yon pero bahala na nga. Huhu, wala pakong susuotin eh.

"yesss! Aasahan ko 'yan ha? Don't worry, maraming foods don siguradong hindi ka mabibitin. Sige, una nako." kumaway lang siya bago umalis. Mahal na mahal kita Aldren fuckshit.

Naghintay ako nang ilang minuto bago tuluyang nilisan ang canteen. May morning shift at afternoon shift kasi dito sa school namin dahil narin sa may kulang na istrakturang room. Next year pa yata magwhowhole day at sad to say graduate nako nun. How sad eh.

Morning shift ako samantalang afternoon iyong si Chette. Lagi kaming nagkakasabay kahit na magkaiba kami ng time dahil humahanap kami ng paraan para magkasabay talaga kami. Ngayon lang ata hindi dahil busy talaga siya. Liliban nga iyon ngayon eh.

Nang nag-ikot-ikot ako sa field para suminghap ng sariwang hangin, rinig kong may tumawag sa pangalan ko. Inayos ko muna ang pagkakaayos ng uniform ko bago humarap.

"Ate Tiffany!" sigaw niya ulit. Humarap na ako. At nabigla nang makita si Francis-nag-iisang kapatid ko. Hinihingal siyang tumatakbo habang pasan-pasan ang bag niya. Napansin kong itinatago niya ang kanang kamay niya. Batang 'to, ang hilig sa thriller.

"oh baby, bakit ka nandito? Diba may pasok kapa? Baka pagalitan ka ng-"

"Ate naman eh, stop calling me baby. I'm not baby anymore." angal niya. Aysus, kaya love na love ko ang batang 'to eh.

"But you are still my baby. At ako naman ang iyong nag-iisang-"

"superateeee!"

"verygood!" ani ko.

"Pero bago 'yan ate, may ibibigay po ako sayo."

Marahan niyang iniangat ang kaniyang kamay. Doon ko natanaw ang isang bulaklak na rose. Kumikinang ito sa ganda at decoration. Napangiti ako, it made me smile.

"Sayo ba'to baby? Pa'no ka nakabili ng ganito kamahal?" aligaga kong tanong.

"no ate. Hindi po sakin 'to. Para sa kaniya po ito oh." itinuro niya ang kung sino man iyon sa pamamagitan ng tingin. Sinundan ko ito.

"Wala naman ah?"

"Ha? nandon lang siya kanina eh." aniya.

"Hays, saan mo ba 'to nakita? Alam kong hindi ka nagnanakaw kaya saan mo'to nakita?" tanong ko.

"Hindi ko'to nakita ate! He said, ibigay daw 'to sayo. Binigyan niya nga ako ng limang libo eh." katwiran niya.

Baka si Aldren? Pero imposible eh. Wala naman 'yong nararamdaman sakin at tsaka bakit naman niya ako bibigyan ng ganito ka ganito kamahal na bulaklak? Baka si Lux? Shit, mas imposible. Hindi pa kami gaano kakilala nun. And besides, hindi naman kami bati. He doesn't like me nor want to be close on me. Kaya siguro gusto niya akong kunin na sambahay niya para pahirapan ako. Pero wala akong pake doon, I can still manage.

Iniharap ko si francis. "Guwapo ba siya?" tanong ko.

Ngumisi siya. "At bakit ka naman magpapaligaw ng panget ate? I thought guwapo yung tipo mo?" he grinned. Aba! Kinocorner ba ako nito? Kasi kung oo, tiyak nasa kulungan nako.

"Hindi guwapo tipo ko baby frans! Its just like, nagkataon lang na-"

"Nagkacrush ka kay kuya Aldren? Aysus, hindi naman siya guwapo eh. Guwapo pako do'n tsk." aniya. Natawa ako sa sinabi niya.

"Bwesit ka baby frans! Alam mo namang siya yung kahinaan ko eh!"

"By the way ate, hindi si kuya aldren nagbigay ng bulaklak na'yan." bawi niya.

Nagtaka naman ako. "So sino nga kasi?"

"Hindi padaw pwede sabihin. Ang suwerte ni ate, guwapo na nga stalker niya, mayaman pa!" maliga niyang sambit. Napangiwi ako. Guwapo? Mayaman? Fuck fuck fuck! Sigurado akong si Lux na'yon!

"Saan moba siya nakita?"

"Pinuntahan niya ako, actually. Malande yung teacher namin eh, kaya ayun pinayagan niya akong lumabas. Hirap talaga maging pogi noh?"

Napanganga ako sa sinabi niya. Lux Gefferson! Bakit niya ginawa 'yon? Pa'no niya nalaman kung saan seksyon ng kapatid ko? Wag niyang sabihin na inutusan niya ang guwardiya para sabihin at hanapin? Kahit ganito ka hindi mayaman at expensive ang school na'to, still they have doing their job to secure their fellow students.

"Ano ba pangalan niya baby frans? Please." pagmamakaawa ko na.

"habulin mo muna ako."

agad siyang tumakbo. Napabuntong-hininga ako. Hinabol ko agad siya. Takbo lang kami ng takbo. Putrigas na batang 'to oh, kapag ako nadapa humanda ka Lux Gefferson!

Huminto muna ako nang makaramdam ng pagod. Nakita ko si francis na takbo pa ng takbo. Napatawa ako. Parang hindi ito binata kung makatakbo eh. Pero para sakin, he's my baby yet.

Mamayang gabi na ang simula ko sa pagpasok sa bahay ni Lux. Bahay o mansion? Lakompake. I want money already lalo na ngayong hindi pako nakakabili dahil hindi nako nakakapasok sa bar. Papasok pa naman ako sa bar pero hindi gaanong mahaba ang oras. Para mas mataas ang attention ko sa pag-aaral. Ayokong pabayaan ito kahit na may trabaho nako. That's my treasue.

Pagtyatyagaan ko nalang ang ugali ng manyakol na'yon. You can do this Tiffany.








END OF CHAPTER 4.
______________________________________

Just His String ✓Where stories live. Discover now