Chapter 27: Unmasked

2.5K 71 3
                                    

Nzerhina's POV

"Anong gagawin natin sa babaeng 'yan?"

"Hindi ko alam. Si boss ng bahala diyan."
Naalimpungatan ako nang may marinig akong mga boses.

"Arghhh!"
Ang sakit ng buong katawan ko. Parang may kung anong itinurok sa akin. Ang bigat ng katawan ko.

"Tara na. Kain muna tayo. Kanina pa ako nagugutom."

Iginalaw ko ang kamay ko pero nakakadena ito paitaas. Ang paa ko naman parehong nakagapos.
Kailangan kong makaalis dito. Hindi pa ako pwedeng mamatay.

Hinila ko ang kadena--dalawa, tatlong ulit pero walang nangyari.
"Ano ba--bakit ayaw mong matanggal!" Puno na ng pawis ang noo ko. Hindi ako pwedeng tumigil.
Siguradong hinihintay na nila ako.

Si Adam at si Neron. Hindi naman siguro sila sinama dito 'diba? Hindi pwede. Hindi sila pwedeng madamay.

"Gising ka na pala."
Napaangat ang ulo ko nang marinig ko ang napakapamilyar na boses.

Kung hindi lang ako nakatali. Matagal ko ng tinanggal ang ngisi sa labi niya. Ang kapal ng mukha niya. Paano niya nagawa 'to?
Paano niya kami nagawang lokohin?

Hinaplos niya ako sa pisngi.
Galit na dinuruan ko siya sa mukha.
"Yan ang gusto ko sayo, eh. Matapang ka. Iyon nga lang, ako ang kinalaban mo."

"Bakit mo ginagawa 'to? Sino ka ba talaga?"

"Sino ako?" Malakas siyang tumawa. Parang malaglag ang panga ko nang bigla niya akong sinampal.

"Hindi mo ba talaga ako kilala?"tanong niya
Kumunot ang noo ko.

"A--anong ibig mong sabihin?"
May ipinakita siyang picture. Bangkay ng dalawang mag-asawa.
Sunog ang mga mukha nila at katawan.

"Sila, hindi mo pa rin ba sila kilala?"

Tiningnan ko ito nang maigi.
Isang pangyayari ang biglang nag-flashback sa isip ko.

"Mommy, where are we going?"
Tanong ko kay mommy.

"Dentist baby. Sira na ang ngipin mo. Kailangan na natin 'yang patingnan."

Buong biyahe, nanoood lang ako ng cartoon sa cellphone nang may biglang nagpaputok mula sa likod.

"Mom,"

"Relax baby. Here, use this. Cover your ear." May pinasuot siyang earphone sa akin.

Paliko-liko ang takbo ng kotse.
Nakayuko lang ako habang nakatakip ang dalawang kamay sa tainga.

Bumilis ang takbo ng kotse.
"Arghh!" Sige pa rin sila sa pagbaril.
Sa takot, nabitawan ko ang hawak kong maliit na SpongeBob.

"Baby, what are you doing?"

"My toy."
Inabot ko ito, pero masyadong malayo.

"Fasten your seatbelt. I'll get it for you."
Binitawan niya ang manibela at kinuha ang toy ko. Pagtingin ko sa harapan, nanlaki ang mata ko nang makita ko ang paparating na kotse.

"Mom!"

Hindi pwede. Paanong--
"Ikaw--ikaw ang,"

"Ako ang anak ng mag-asawang sakay ng kotseng iyon. Michael Del Valle. Inampon ako ni Mr. Hinimashi nang makita niya ako sa hospital. Pinalaki niya ako at pinangako-ang ipaghigante ang pagkamatay ng mga magulang ko. "

Demon Academy✅Where stories live. Discover now