Chapter 24: Unexpected Knight

2.4K 68 0
                                    

Nzerhina's POV

"Yuki! Yuki!" Sabay kaming napatingin sa pinto nang bigla itong bumukas.
Pumasok si Alicia na buhaghag ang buhok at puno ng pawis ang mukha.

"Yuki, kailangan mo ng umalis dito. Papatayin ka nila."hinihingal niyang saad

"What?"

"Nasa bulletin ang pangalan mo. Kailangan mo ng umalis bago ka pa nila makita."

"Nasa bulletin ang pangalan ko?"
Nagkatinginan kami ni Racer. Sumilip ako sa bintana. Isinarado ko ito.

"Anong oras magsisimula ang Hunt-Down?"

"Mamayang hating-gabi, bakit?"

So hindi pa nila ako papatayin ngayon. Mabuti naman.

Umupo ako sa sofa at nagpatuloy sa pagbabasa ng libro.

"Hindi ka ba aalis? Mamamatay ka kung---"

"Hayaan mo siya. Problema niya 'yan." Racer at lumabas ng dorm.
Tumingin sa akin si Alicia.  Ngumiti ako sa kanya.
"Yuki--"

"Narinig mo siya. Pabayaan mo na lang ako. Laban ko 'to."

Lumingon ako sa likod, pagkatapos sa kanan. Nang makita kong walang tao, tumalon ako sa pader. Nakita ko si Deric na nakasandal sa kotse.

"Kumusta ang ipinagagawa ko sayo?"

May inabot siya sa aking mga litrato. Kapareha ng ipinakita ni Neron sa akin.

"Tama ka Hina, ang Satzuke na nga ang nagpapatakbo ng DA. Si Sandro, anak ni 'Jun Hinimashi, heir ng Satzuke Clan ang tumatayo bilang headmaster. Ayon sa nalaman ko, mahilig siyang maglaro. Para siyang hindi tao kung pumatay. At---"

"At?"

Isa pang litrato ang binigay niya sa akin. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya.
"A--ano 'to? Bakit--"

"Magkapatid sa labas ang Ina ni Racer at Jun. Para maisalba ni Mr. Uchiyama ang Rollins Uniturom sinubukan niyang ipakasal si Racer sa anak ni 'Jun na si Lexi. Pero dahil sa ginawa ni Racer, nagalit si Jun. Pinatalsik niya si Mr. Uchiyama at pinalit si Sandro."

Kaya pala.
Bakit hindi niya sinabi sa akin.

"Hina, lalong lumalakas ang puwersa ng Satzuke Clan, nasakop na nila ang West Dōro at ang Blackmarket. Kapag magpatuloy 'to, marami pang tao ang mamamatay."

Binubuo ng apat na grupo o Dōro ang underground world. West, North, East at South. Hawak namin ang West at North.
Pero hindi ko akalaing mangyayari 'to. Pati ang Blackmarket na pinamumugaran ng mga tagong criminal, nakuha niya na rin.
Mukhang kailangan ko na talagang kumilos.

"Hina-"

"May pagpupulong sila ngayon diba?"

Binuksan ko ang likod ng kotse. Pinindot ko ang pulang button sa gilid. Lumabas ang iba't ibang klase ng baril, katana at dagger.
Hinimas ko ang katana.

"Anong gagawin mo?"

"Wag kag mag-alala, hindi pa ako ganoon kasama para patayin silang lahat."

"Hina, alam kong iniisip mo. Pagplanuhan--"

"Nauubusan na tayo ng oras, nasa bulletin na ang pangalan ko. Kailangan ko 'tong gawin bago ako mapatay ni Sandro."

Sinuot ko ang hood at gear sa kamay. Kinuha ko ang katana at sinaksak sa tagiliran ang 45 caliber na baril.

"Sasamahan kit--"

"Wag na. Gawin mo na lang ang ipinagawa ko sayo."

Sumakay na ako ng kotse. Ipinaharurot ko ito papunta sa UW.
Hininto ko ang kotse sa di-kalayuan.

Demon Academy✅Where stories live. Discover now