Chapter 22: Hunt-Down

2.3K 65 6
                                    

Nzerhina's POV

"Shit!" Napabalikwas ako ng bangon nang may bumuhos ng tubig sa mukha ko.

"You're awake."

Napairap ako nang bumungad sa akin ang mukha niya. Pambihira pati ba naman dito sa impyerno, pinagtagpo pa rin kami.

"Nasaan si Satanas? Bakit ka nandito? Oo nga pala, kakambal ka pala niya."sarcastic kong saad.

"Anong Satanas? Nandito ka sa kwarto ko. Isang linggo na akong walang tulog dahil sayo."ani niya. Kumunot ang noo ko.

"Kwarto mo?"

Kinapa ko ang katawan ko.
Bakit--

"Buhay ako?"

Paano nangyari 'yon?
Hindi ba ako tinanggap sa impyerno kaya ako pinabalik dito?

"Umalis ka na diyan. Matutulog na ako." Racer at hinila ako patayo.

Tiningnan ko ang damit ko. Ito pa rin ang suot ko nang gabing 'yon. That means hindi nila ako ginalaw. Nakahinga ako ng maluwag.
Mabuti naman--pero

"Ulitin mo nga 'yong sinabi mo, isang linggo na ako dito? Pero--pero hindi niyo man lang ako binihisan?"

Inamoy ko ang damit ko.
Napangiwi ako.
Ang baho ko na. Takte!

"Bakit gusto mong bihisan kita? Tsk. Pasalamat ka, binuhay pa kita."

Sinabi ko bang buhayin niyo ako. Tss.

"Pahiram ng damit mo, maliligo ako."

Pumunta ako sa closet niya nang hinarangan niya ako.

"Ayoko."

"Ano? Isasauli ko rin naman ah. Hindi ko naman 'yan kakainin." Tinulak ko pero humarang siya ulit. Bwesit.

"Bakit ba ayaw mo akong pahiramin? Ngayon lang naman ah. Uuwi rin ako mamayang gabi, wag kang mag-alala."

"A--aalis ka?"mahina niyang tanong. Weird. Bakit parang nalungkot siya? Tss. Guni-guni ko lang siguro.

"Malamang. Kaya pahiramin mo na ako. Okay? Tabi nga."

Kumuha ako ng isang T-shirt at short. Pumunta ako sa cr at naligo.
Magbibihis na sana ako nang may maalala ako.
Bakit ko nakalimutan 'yon? Naman oh.

"Ah--R--Racer? Nandiyan ka ba?"
Walang sumagot.
Sumilip ako sa labas. Nakita ko siyang nakahiga sa kama.
Natutulog na ba siya? Imposible.

"Hoy! Racer? Tulog ka ba?"

Bwesit paano na 'to?
"Argh!" Inis na napahilamos ako sa mukha ko.
Saan ako manghihiram ng underwear? Naman.
Lalabas ba ako o hindi?
Bahala na.

Kinuha ko ang tuwalya na nakasabit sa gilid nang mahagip ng paningin ko ang salamin. Napatigil ako.
"B--Bakit ako---"

"Hina,"

"Baki--"nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang matulis na bagay na bumaon sa tiyan ko.

"X--X--Xena--"tinulak ko siya.
Napasandal ako sa kotse.
Kinapa ko ang tiyan ko.
"B--bakit?"
Hinawakan niya ako sa mukha.

"Alam mo ba kung gaano ko 'to katagal hinintay? Naghahanap lang ako ng tiyempo. At ngayon, tingnan mo nga naman. Nagawa ko na rin."

"B--bakit--?" Tumawa siya nang malakas. Sarcastic na tawa.

"Bakit? Pinatay ng ama mo ang papa ko! Sinira niyo ang buhay namin. Dahil sa inyo, naging ganito ang buhay naming magkapatid. Dahil sayo--dahil sayo namatay ang mama ko!"
Sigaw niya.
Kumunot ang noo ko.

Demon Academy✅Where stories live. Discover now